Chapter 10

2.8K 50 2
                                    


"Anong nangyayari sayo, Allira? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni Tita nang makita niya akong hirap na hirap lumakad at nakahawak sa bewang ko.

May pag-alala roon sa mga mata niya. Lumapit pa siya sa akin.

Tumingin pa ako kay Louie na sarap na sarap kumain sa lamesa.

Kita mo 'tong lalaki na 'to, patay malisya lang. Parang walang ginawa sa akin. Hindi ba naman ako tinigilan simula gabi hanggang madaling araw. Parang walang masakit sa kanya ah! Ako pa 'tong naghihirap ngayon!

Simula noong una na may nangyari sa amin, sunod-sunod na iyon. Iyon ba 'yong first time pa lang?! Naaadik na siya sa gano'ng gawain.

"Ayos lang po ako, Tita." Nagpilit ako ng ngiti. "Sa aking pagtulog lang po ata 'to. Mawawala rin 'to."

Nagbuntonghininga naman si Tita. "Ayusin mo dapat ang posisyon ng pagtulog mo."

Ibang posisyon po ata ang ibig niyong sabihin, Tita. Nasabi ko na lamang sa sarili iyon.

Tumango lamang ako rito kahit gusto ko nang duruin ang lalaking sarap na sarap kumain sa harapan ko.

Pasalamat siya wala akong lakas ngayon!

"I'm sorry. Ang sarap kasing gawin," wika niya agad pagpasok niya sa kabilang pinto. Kumamot pa siya sa leeg niya.

"Grabe ka talaga. Isang beses lang dapat gagawin 'yon, hindi sige!" Sinamaan ko siya ng tingin.

"At least nagpapaalam ako sayo bago kita kainin!"

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "Porque pinayagan kita hindi ibig sabihin sampong rounds ang gagawin mo! Mamamatay ako sa ginagawa mo e!"

"Pwede ba, Allira, huwag ka nang magreklamo, nagustuhan mo rin naman e." Bumuntonghininga siya. "Parang hindi niyo rin 'to ginagawa ni Montea."

Natigilan naman ako sa sinabi niya noong binanggit niya si Tito Montea.

Alam kung may alam siya about sa amin ni Tito Montea, pero hindi ko mapigilang manikip ang dibdib. Hindi ko alam kung bakit. Iniisip ko si Tito Montea, baka anong isipin niya kapag nalaman niyang may nangyayari sa amin ni Louie. Hindi ko rin alam kung bakit pumayag na lamang ako na gawin namin 'to ni Louie. Pinayagan ko lamang siya na kung anong gawin niya sa katawan ko.

Magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit pinasok ko 'to. Malanding babae na ba ako?

"Louie, papayag ka lang bang ganito tayo? Paano kung umuwi si Tito Montea? Anong gagawin natin?" Kagat ko ang pangibabang labi ko.

"Ikaw, Allira, papayag ka rin bang ganito tayo? Ano ba talaga ang nararamdaman mo para kay Montea at sa akin?"

"A-ano?" Napatitig ako sa kanya. Seryoso ang mga tingin niya sa akin.

"Kung naguguluhan ka, pag-isipan mo nang mabuti."

Iniwan niya ako sa kwarto na nakatulala. Gulong-gulo ang isipan.

Ano nga ba ang nararamdaman ko para sa kanila?

Isang araw nagtungo ako sa court para bumili ng makakain. Maraming street food ditong tinitinda, gaya noong una ko lamang dito.

Bumili ako muli sa pinagbilhan ko noon. At sa unang pagpunta ko rito noon, may mga naglalaro din ngayon ng basketball.

Lahat ng mga tao na nandito ay nasa akin na naman ang baling.

Hindi ko pinansin iyon at bumili na lamang ng uulamin ko ngayong gabi. Kaninang umaga pa si Louie wala, at hindi ko alam kung saan 'yon nagtungo.

"Ikaw 'yon, hindi ba?" Bumaling ako sa nagsalita na tangging nasa gilid ko lamang iyon.

Naging familyar sa akin ang mukha ng lalaki. Parang nakita ko na ito ngunit hindi ko maalala kung saan at kailan.

Napansin niya ata na naka kunot ang noo ko na animoy pansin niya rin na hindi ko siya maalala.

Lumapad ang ngiti nito. "I'm Jean, remember? Dito rin kita nakilala."

Tumaas ang isa kung kilay nang doon ko lamang nakilala ang pinapahiwatig niya.

Siya 'yong lalaki na bigla na lang din lumapit at nagpakilala. Iyon din ang time na hinila ako ni Tito Montea at nahulog ang pagkain ko.

"Ah oo, naalala ko na," sabi ko naman dito.

Hindi ko talaga mawari kung bakit hindi ako kumportable sa lalaking ito. Naiilang ako. Hindi ko rin gusto ang purma niya, medyo mayabang tignan. Hindi ko alam kung bakit wala akong nakikitaang maganda sa kanya kahit pa may hitsura siya.

"So. . . pwede ba kitang ihatid sa inyo." Ngumisi ito lalo sabay ayos ng buhok niya.

Hindi ko tuloy mapigilang mapairap at ngumiwi sa loob-loob ko.

Bakit niya pa ako ihahatid kung kaya ko naman. Nakapunta nga akong mag-isa rito, malamang makakauwi ako nang mag-isa rin. Bobo ba siya.

Ngumiti ako rito kahit gusto ko nang ipakita sa kanya na hindi ko siya type.

"Hindi na. Kaya ko namang umuwi sa amin. " Nagpilit ako nang ngiti rito at tinalikuran siya.

Hindi ko mapigilang mainis sa sarili nang sumunod ito sa akin.

"Kaya ko rin naman ihatid ka," may halong asar nitong sabi.

Ang ayaw ko talaga sa lahat ay iyong kinukulit ako. Hindi niya ba pansin na hindi ako kumportable sa kanya?!

Alam ko 'yong mga ganitong galawan ng lalaki e. Iyon ang hindi ko gusto sa isang lalaki. Mas gugustuhin ko pang ako ang mabaliw at mangulit huwag lang sila.

Huminto ako at bumaling sa kanya. "Pwede ba, hindi mo na kailangan ihatid ako dahil kaya ko naman. At hindi kita kilala. Hindi ako nakikisama sa isang tao na hindi ko naman kilala o kamag-anak." Hindi ko mapigilang ibuhos ang inis ko sa kanya. Ayaw ko talaga sa makulit na tao.

Ang inaakala kong maiinis siya at hahayaan na lamang ako ay iyon ang pagkakamali ko. Tumawa lamang ito na parang wala lang siya sa sinabi ko.

"'Yan ang gusto ko sa babae, palaban." Lumapit ito lalo sa akin dahilan para mapa atras ako. Iyon ang ikinagulat ko. "Tama ka nga, hindi mo ako kilala, pero ako, kilala kita." Lumayo ito sa akin sabay ngisi.

Napalunok ako nang akbayan niya ako at ginaya sa paglalakad. Mariin niyang hinimas ang kabilang balikat ko na naroon ang kanyang kamay.

Hindi ko mapigilang kabahan. Parang meroon siyang gagawin kung magrereklamo pa ako. Imbes na umangal pa ako ay sumunod na lamang sa gusto niya.

"P-paano mo nasabing kilala mo ako?" tanong ko rito. Impossible naman na kilala niya ako dahil ngayon ko lamang siya nakita at nakilala.

Nagulat ako sa paghinto niya at humarap sa akin. Tinitingnan ako nito nang maigi at lumapit pa lalo sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"Dahil may nangyari na sa atin," bulong niya upang lumuwa lalo ang mga mata ko. Napa atras pa ako dahil sa gulat. Ultimo bibig ko ay umawang ito.

"W-what?"

Ngumisi ito at lumapit sa tainga ko. "Ako lang naman ang nakakuha sa virginity mo."

PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon