Chapter 11

1.1K 21 0
                                    

"Kinabahan ka ba, Allira?" pang aasar nito.

Masama ang paningin ko sa lalaking nakatayo pa rin sa gilid ko habang naka akbay sa akin.

Hindi ko mawari kung ano nga ba ang pakay niya sa akin upang asarin ako. Ang mga sinabi niya sa akin ay hindi makatotohanan. Pawang pang aasar at pang iinis lamang niya sa akin upang mapansin ko siya.

Kung gusto niyang pansinin ko siya, huwag sana siyang mayabang at gumawa ng kwento.

"Bitiwan mo 'ko," mariin kong wika rito. Kaunti na lang mayayari ko na ang lalaking ito. Kulang ata sa pansin 'to e.

Natigilan naman siya at natawa. Mas lalong uminit ang ulo ko sa kanya. Hindi ba niya mararamdaman na inis na inis na ako sa kanya?

"Allira, gusto lang naman kita maging kai--" hindi ko siya pinatapos at hinarap.

"Kung gusto mo akong maging kaibigan, bakit kailangan mo pang gawin iyon?" Tinitingnan ko siya sa hindi pagkagusto. "Hindi mo ba alam mas lalong hindi kita magugustuhan sa ginawa mo."

Nawala ang ngisi sa kanyang labi. Napalitan iyon nang naka simangot.

Ngumiwi ako. Hindi bagay sa kanya. Para siyang tukmol sa ginagawa niya.

Lumukot ang mukha ko nang bigla itong ngumiti. Baliw nga talaga 'to.

"Well, gagawa ako ng paraan para magustuhan mo 'ko." Kinindatan niya ako bago siya umalis.

Hindi ko mapigilang mapa irap. Kahit gumawa pa siya ng paraan, wala akong pakialam sa kanya.

Mga kagaya niyang lalaki hindi talaga mapapagkatiwalaan.

Sa palaging gawain, lumabas ako ng kwarto at bumaba. Nadatnan kong naglalaro si Louie sa sala. Nilagpasan ko siya at nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape. Pagkatapos ay umupo sa lamesa. Sinilip ko ang telepono ko nang tumunog ito.

Nanlaki ang mga mata ko nang hindi ko inaasahan ang kung sino ang kusang nagminsahe sa akin.

Hindi ko mapigilang mapa ngiti at kiligin. Ngayon na lang siya nagparamdam pagkatapos ng isang buwan na hindi gumamit ng telepono.

Iyon ang sabi niya sa akin noon. Hindi siya makakagamit ng telepono isang buwan dahil maraming gagawin. Kahit nakakalungkot ay wala akong magawa dahil trabaho iyon.

From: Tito Montea

Kamusta ka, Allira? Pasensya na at ngayon lang ako nakagamit ng telepono dahil sa pagiging busy.

Nagtipa naman ako rito para sabihin na ayos lang at naiintindihan ko.

Marami pa kaming mensahe kada isa hanggang sa nagpaalam na siya at may gagawin pa siya. Gusto ko sanang tanungin siya kung kailan ang balik niya ngunit hindi na siya nag-reply pa.

Bumuntonghininga ako at sumimangot.

"Panay ang ngiti mo kanina. Kaunti na lang masisira muna ang upuan katatalon tapos ngayon parang binagsakan ka ng langit at lupa," ani Louie nang magtungo siya sa kusina.

Tinitigan ko lamang siya patungo sa ref para kumuha ng tubig. Hinayaan ko siyang titigan sa ano mang mga kilos siya. Hanggang sa pag inom niya ng tubig at paglagay ng baso na ginamit niya sa lababo.

"Tapos ngayon ang lagkit ng mga titig mo sa akin," dagdag niya pa at huminto sa harapan ko.

Hindi ko mapigilang mapa lunok. Bakit ba ang laki ng dragon niya? Bakat na bakat kahit naka boxer. Hindi ba siya nahihirapan lumakad? Pati mga mandesal niya. Ang sarap tuloy hawakan.

Umiling ako sa aking naisip. Umirap ako upang hindi niya mapansin na pinagnanasaan ko na naman siya.

Ano ba itong mga iniisip ko. Bakit kaya hindi na lang si Tito Montea ang tumatak sa utak ko ngayon. Tutal siya naman ang iniisip ko kanina. Bakit napunta na naman sa lalaking ito at puro kalaswaan pa!

PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon