Chapter 8

2.2K 29 0
                                    

"Magtutungo ka na po ba sa palengke, Tita?" tanong ko sa kanya nang makababa.

Napansin ko rin ang mga dadalhin niyang paninda sa palengke. Dalawang linggo na simula noong naisipan niyang magtinda sa palengke ng mga gulay at kung ano pa.

Madaling araw pa lang gano'n na ang gawain ni Tita. Mas maaga para daw mas maaga ang uwi niya.

"Oo, Allira. Kumain ka na lang diyan. May mga hinanda na akong makakain ninyo ni Louie bago ako aalis." Pagkatapos niyang maayos ang lahat ng mga dadalhin niya ay tinulungan ko siyang dalhin sa sasakyan na kanyang gagamitin patungong palengke.

"Ingat ka po, Tita." Ngumiti ako sa kanya.

"Kayo rin. Kayo na lang muna ang bahala riyan ni Louie." Tumango lamang ako upang tugon. Tinanaw ko pa siya hanggang sa mawala na siya sa aking paningin.

Bumuntonghininga ako at tumingin sa oras ng relo ko. 3AM pa lang ng madaling araw. Naghikab ako at sinarado ang pinto bago magtungo sa taas. Nadaanan ko pa ang kwarto ni Louie. Rinig ko ang pagpapatugtog niya ng gitara. Ang aga niya rin ngayon nagising. Umiling ako at nagpatuloy. Nadaanan ko rin ang kwarto ni Tito Montea dahilan para malungkot ako.

Sa dalawang linggong hindi niya pagpaparamdam noon, nakausap ko na rin siya sa wakas. Ngunit palagi lang panandalian dahil busy siya palagi.

Nang makarating sa kwarto ay pabagsak akong humiga sa aking kama. Nakatulala na naman sa kisame. Hindi alam kung ano ba ang gagawin ko na naman sa araw na 'to. Simula noong lumuwas si Tito Montea sa maynila ay hindi na ako pumapasok sa restaurant niya.

Pumikit ako nang mariin at nang imulat ko ang aking mga mata, mukha ni Loui aking nakita upang bumalikwas ako ng bangon.

"Ay puki ka!" Sinamaan ko siya ng tingin. Tinaasan niya lang ako ng kilay na may ngiwi sa labi.

"Wala akong puki. Tsk." Umupo siya sa kama upang mapa-atras ako.

"Bakit ka ba ng gugulat. At bakit bigla-bigla na na lang pumapasok nang hindi sayo kwarto!"

Papatayin niya ba ako sa gulat. Alam kung pumasok din ako sa kwarto niya na walang pahintulot ngunit hindi ko mapigilang mainis.

Hindi niya ako pinansin. Binagsak niya lang sarili niya sa kama at pumikit. Pansin ko naman ang maamo niyang mukha kapag natutulog. Matagal ko na siyang nakikitang matulog sa sala, ngunit hindi ko minsan pinapansin iyon dahil alam kong magagalit lamang siya. Ngunit sa ganitong lapit namin sa isa't isa, masasabi kong maamo ang mukha niya kapag nakapikit. Hindi ko lang talaga alam kung bakit ang pangit ng ugali niya kapag gising.

Babangon na sana ako nang hilahin niya ako papahiga sa tabi niya. Nagulat pa sa ginawa niya, ngunit mas lalong nagulat nang yakapin ako nito.

Sa lakas ng tibok ng puso ko, parang kakapusan na ako ng hininga.

"Ang gwapo ko 'no?" Hindi ko mapigilang matawa sa tanong niya. Ramdam niya siguro na tinatanaw ko siya.

"Ang kapal ng mukha mo, pasalamat ka pinsan kita," asar ko rito. Gwapo naman talaga siya, masungit lang.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng yakap niya sa akin. Bumuntonghininga ito.

"Allira, pwede ba magtanong?"

Tumango ako. "Oo naman."

"Nursing ba talaga ang gusto mo o ginawa mo lang iyon dahil may dahilan." Natigilan naman ako sa tanong niya. Ngumiti rin kalaunan.

"Alam mo, Louie, may mga bagay kasing kailangan mong panindigan, kailangan mong gawin kahit alam mo sa sarili mong ayaw mo nun." Ngumiti ako ng mapait habang nakatingin sa kisame.

"So tama nga ang kutob ko." Lumingon ako sa kanya upang makatitigan kami. Limang minuto bago ako nag-iwas ng tingin at lumunok.

"Anong kutob?"

"Na ayaw mong mag-nurse at pagmo-model ang gusto mo." Muli ay napalingon ako sa kanya.

Pinisil ko ang pisngi niya at ngumiti. "Louie, bakit hindi ka bumalik sa pag-aaral. Mas maganda kapag may pinag-aralan ka."

"Allira, binabago mo ang usapan," inis niyang sabi.

Bumangon ako at bumuntonghininga. "Louie, matalino ka. Magiging maganda ang kinabukasan mo kung mag-aaral ka muli."

Pilit kong huwag ipakita sa kanya ang panghihinayang ko. Panghihinayang na baliwalain ang opportunity sa pagmo-model.

Matagal ko nang pangarap iyon, ngunit iba ang ibinigay sa akin ng kapalaran. Gustuhin ko mang tuparin iyon, alam ko kapag nalaman niyang gumaganda ang kinabukasan ko, sisiraan niya na naman ako.

"Allira, may haldang ba kaya ka nahihirapan tuparin ang mga pangarap mo?" Naramdaman ko ang pagbangon niya.

Lumunok ako at umiling. Ayaw kong pag-usapan ang ganitong bagay. Iniiwasan ko ito.

"Bakit ikaw hindi mo kayang tuparin mga pangarap mo? Mas maganda kapag tapos ka sa pag-aaral at nakakuha ng deploma." Bumaling ako sa kanya. Pansin kong inis na inis na siya dahil binabago ko ang usapan.

"Kailangan ba talaga ng deploma para maipagmalaki mong tapos ka? Anong silbi ng deploma kung hindi ka marunong dumiskarte?!" Napapikit ako sa sigaw niya.

Bakit napunta kami sa ganitong usapan?

"Louie. . ."

"Allira, kung ayaw mong tuparin ang mga pangarap mo, ako ang tutupad niyan."

Iniwan niya ako sa kwarto na nakatulala. Isa lang ang iniisip ko. Kailan pa siya nagkaroon ng paki sa akin?

DALAWANG araw na akong hindi pinapansin muli ni Louie. Kagaya ng dati, nagsusungit na naman siya. Hindi ko tuloy mapigilan manikip ang dibdib ko.

Noong nag-usap kami, doon lang kami nagkaroon ng mahabang usapan ngunit napunta sa hindi na naman pagpansinan.

8AM na noong bumaba ako. Nadatnan ko siyang nanonood ng tv. Mukhang kagigising lang din niya, halata naman sa mukha niya.

Bumuntonghininga ako at nagtungo na lang sa kusina. Kaysa naman manatili sa sala , e, hindi naman ako pinapansin ng loko.

Pagkatapos kung kumain ng almusal ay nagtimpla ako ng kape. Nagtungo ako sa sala at inilagay iyon sa lamesa. Pagkatapos nun nagmamadali akong umakyat sa taas. Huminga ako ng malalim bago nagpasyang maligo.

Paglabas ko ng kwarto iyon din ang pagiktad ko sa gulat. Bumungad ang mukha ni Louie sa akin.

"Bakit ka ba ng--" hindi niya na ako pinatapos at hinila na lamang ako nito pababa hanggang sa makarating kami sa labas.

"Sakay," walang emosyon niyang utos.

Tumaas ang kilay ko roon sa big bike niyang motor. Nang makasakay siya ay walang pasabi niya akong hinila.

"Oo na! Ito na! Sasakay na!" Umirap ako at sumakay.

Nang makasakay ay bigla nitong pinaandar dahilan para mamura ko siya. "May balak ka bang patayin ako?!" sikmat ko sa kanya.

Hindi ito nagsalita. Nakatutok lang ito sa daan. Imbes na kutungan siya nanahimik na lamang ako. Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng lalaking ito.



PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon