Chapter 2

3.7K 63 5
                                    


A/N: Sorry, guys! Pinaghintay ko kayo nang sobrang tagaaaaal! I'm so busy at nawala rin ang mood ko magsulat noon. Pero ngayon, don't worry. Ipapatuloy ko na ang naudlot kong istorya. Naks! Sana magustuhan niyo. :)


"DO I know you?" kunot noong tanong nito.

Tumatagaktak ang pawis nitong nakatingin sa akin, ngunit hindi mo masasabing mandidiri ka dahil na rin sa naghalong bango nito.

Anong klase ng pabango kaya ito? Gusto ko 'yong pabango niya kahit may pinaghalong pawis na ito. Hindi siya sungot amuyin. Hindi kagaya ng iba, halos hindi na ako makahinga sa pabango nila. 

Sumimangot ako. Mukhang hindi niya nga ako kilala. Sa tingin niya pa lang e. 

Sabagay, kahit naman ako hindi ko siya kilala, nakita ko lamang picture niya sa bahay ni Tita kaya naging familiar siya sa akin.

"Ikaw hindi mo 'ko kilala pero ako, yes." Ngumiti ako dito. Kahit sa frame ko lang naman na mukha-an siya. 

Hindi ko alam kung bakit trip kong mang asar ngayon. Kanina kay Louie, at ngayon sa lalaking ito. 

Kumurap ito dalawang beses upang masilayan ko lalo ang mga mata niyang bughaw at umiling bago niya ako bitawan. 

Napasimangot naman ako sa ginawa niya. Ngunit umayos din nung napansin kung lahat ng mga tao ay sa amin nakatingin. 

Pansin ko rin ang paglunok nito. 

"Hindi ka talaga taga rito ngunit huwag kang agaw eksena," sabi niya at iniwan akong naka awang ang bibig. 

Ako pa talaga ang agaw eksena?!  Eh, ano 'yong ginawa niyang pag salo sa akin?

Tsk. Mukhang mas malala pa ata 'to kay Louie e.

Bumalik siya sa paglalaro pagkatapos niya akong iwan na naka-tanga sa gilid. 

Buntonghininga ako, ngayon ko lamang naisip na hindi pala siya ang pakay ko, kundi ang isaw! 

Masaya akong kumain ng isaw sa harap ng nagtitinda. Napapansin ko rin ang pag-iling at aliw sa akin ni Manong. At ibang mga tao rito. 

"Mukhang bago ka rito at ngayon ka lamang nakatikim ng ganyang pagkain, Inday," ani Manong. 

Eh? Kailan pa naging Inday pangalan ko?

Ngumiti naman ako at tumango.

"Oho. Masarap po manong," sagot ko rito kahit naiilang ako sa pagtawag niya sa akin ng Inday.

Tumawa ito nang may tinuro pa ako. 

Hindi ko na mabilang kung nakailang kain na ako ng isaw at dugo. At sa tingin ko rito ako mabubusog sa tinda ni Manong. 

"Nagbabakasyon ka lamang ba rito, Inday?" Tanong nito. 

Natigilan ako at tumango. "Oho." 

Depende sa akin, kung for good na ba ako rito. Gano'n din naman kung magustuhan ko rito, rito na ako mananatili. Kung walang mangyayari sa pananatili ko rito. Kung meroon man, edi uuwi. 

Pero ayaw ko na rin makita ang pagmumukha ng Nanay kong nagpapanggap na dalaga. 

Bumili pa ako ng ilang pirasong isaw at dugo. Pagkatapos nagpaalam ako kay Manong, ngunit aalis na sana ako nang may humarang sa akin. 

Kumunot ang noo ko at tumingin sa kung sino 'yon.

Hindi ko kilala ang lalaking ito, ngunit sa hugis ng kanyang mukha mapapansin mong may lahing Koreano ito. Sa singkit at puti nito masasabi mong gwapo at. . . hindi ko bet ang kanyang pabango! 

PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon