Chapter 6

2.2K 35 0
                                    


TULALA akong nagbibigay nang order ng mga costumers. Ang utak ko kahit lutang maaaring tama pa rin ang ibinibigay ko sa kanila.

Isang linggo na noong nalaman ni Louie ang mga pinaggagawa namin ni Tito Montea. Pero 'yong utak ko fresh pa rin ang pangyayari.

Paano na lang kung sabihin niya kay Tita iyon? Matutuwa kaya si Tita? Malamang hindi.

Baka isipin niya rin na pumatol ako sa kapatid ng asawa niya. At baka isipin niya pa na wala akong pagkaiba kay Mommy. Mas lalo na kapag nalaman nang karamihan, na 'yong inaakala nilang matinong babae ay may tinatago pa lang ibang landi sa sarili.

Iniisip ko pa lang 'yon parang gusto ko na lang nagtalukbong sa kumot magdamag.

Walang alam si Tito Montea, dahil hindi ko na iyon pinaalam pa. Alam kung masyadong pabigla-bigla ang ginagawa namin at masyado rin hindi nagiingat si Tito Montea, na parang walang pakialam sa paligid, sa mangyayari sa amin.

Gusto ko rin tanungin kung ano ba talaga kami. Para saan ang ginagawa namin? Ano ba ang relasyon namin sa isa't isa?

Pero alam ko kapag tinanong ko iyon. . . alam kung iba ang isasagot niya.

Bumuntonghininga ako. Nilapag ko ang order ng isang costumer bago tumalikod dito, ngunit bago iyon ay natigilan ako nang tawagin nito ang pangalan ko.

"Allira, is that you?" anang sambit nito upang humarap ako. Naging pamilyar sa akin ang mukha ng tao.

Nanlalaki ang mga mata kung lumapit dito. "Angelo!" Hindi ko mapigilang matuwa sa kanya.

"Ohmayygash! It's Angela!" May pang didiri doon sa kanyang hitsura.

Mas lalo akong natuwa nang makita ko ang hindi maipinta ang kanyang mukha.

Ayaw na ayaw niya talagang tinatawag siyang Angelo, dahil nakakababa raw sa kiffy niya iyon. Akala mo naman may kiffy e.

Hindi ko pinansin ang pag-iinarte niya. "Ano pala ang ginagawa mo rito?"

May dala-dala pa siyang camera at isang back pack, na mukhang mga kagamitan niya.

"Syempre, naghahap ng model," maarte niyang sagot.

Isa siya sa mga kaibigan kung bakla sa maynila. Pagala-gala lang siya kung saan at naghahanap ng model para picture-an. Isa siyang content creator sa tiktok. Naging kaibigan ko siya noong makita niya ako sa moa na pagala-gala at mukhang napansin niya ako kaya naman naisipan niyang gawin akong model. Doon ko siya naka sundo at hanggang sa nagkaroon ng communication sa isa't isa. Nawala lang iyon noong lumuwas ako ng probinsya. Masyadong mahina ang signal dito kaya lahat ng tao ay naka piso wifi kung tawagin.

Umupo ako sa tabi niya at natawa. "Akala mo si Dora, e, kung makagala kung saan saan. Kulang na lang talaga magpa short hair ka at magpa bangs."

Nandidiri naman sayang napa hawak sa buhok niya.

"Kung makapag salita kang bruha ka, akala mo hindi ka rin pagala-gala. Nawala ka na lang bigla na parang bula. Dito ka lang pala napadpad." Pinandilatan niya ako at kumain sa inorder niya.

Masisisi ko ba siya kung umalis na lang ako na walang paalam. Sa nangyari sa amin ni Mommy, hindi na ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko sa maynila.

"Basta long story, Ange."

Tinaasan niya ako ng kilay. " Nakooo! Hindi ka pa rin nagbabago, puro long story lagi ang iyong dahilan kaya paano kita maiintindihan?" Ngumiwi siya at sumimsim sa milk tea niya.

Pilit na ngiti lamang ang sinukli ko sa kanya. "Naka hanap ka na ba ng magiging model mo?" Pagiba ko sa usapan.

Bumuntonghininga siya at tumango. "Yes. At ikaw 'yon."

PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon