Chapter 12

1.4K 32 4
                                    

"LOUIE, noong hindi pa ako naririto sa probinsya maayos ba kayo ni Tito Montea?" wala sa loob kong tanong.

Simula nang manirahan ako rito sa probinsya ay hindi ko pa sila nakikita ni Tito Montea na nag-uusap, kahit man lang saglit. Iniisip ko na baka sa akin kaya sila gano'n.

Pero ang kapal naman ata ng mukha ko kung gano'n nga ang nangyari sa nasa isip ko.

"Bakit mo natanong?" Kumunot ang kanyang noo. Tila ayaw niyang naririnig ang pangalan ni Tito Montea.

"Halata naman kasing hindi kayo nag-uusap. Iniisip ko lang na baka noong hindi pa ako nagtungo rito sa probinsya, baka nakakaintindihan pa kayo." Umayos ako ng upo at tumingin sa kalangitan.

Ang bilis lang ng oras, hating gabi na. Parang kailan lang namumutawi pa sa saya ang puso ko kanina.

Bumuntonghininga siya at gano'n din ang ginawa niya. Kita sa gilid ng aking mga mata na naka kunot ang kanyang noo.

Gano'n ba niya ka ayaw si Tito Montea?

"Kahit wala ka pa rito ayaw ko na sa kanya. Unang pagtungtong niya pa lang sa bahay hindi ko na siya gusto." Tila sa boses niyang iyon ay may mapanganib na dahilan.

Alam kong hindi ko pa masyadong kilala si Tito Montea, at handa ako roon makilala pa siya. Pero sa ginagawa ni Tito Montea sa akin noon ay hindi naman masama ang ugali niya. Makikita mo naman ang mga kinikilos ng isang tao kung may mali o tamang nagawa.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa Tito mo? Kapatid siya ng Papa mo, Louie, may karapatan kang respetuhin siya." Bumaling ang paningin ko sa kanya. Gano'n din ang ginawa niya sa akin ngunit hindi na maipinta ang kanyang mukha.

"Siya ba may respeto sa akin, Allira?" Umigting ang kanyang panga. "Hindi mo siya kilala. Baka kapag nalaman mo kung sino siya. . . baka tumakbo ka na lang papalayo." Huminga siya ng malalim, tila pinapakalma ang sarili.

Ang mga katagan niyang mga sinabi ay hindi ko maintindihan. Tila magulo iyon para sa akin.

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumayo siya kaya naman gano'n na rin ang ginawa ko.

"Matagal na kitang pinagsasabihan, Allira, pero matigas ang ulo mo. Layuan mo ang lalaking iyon, kapahamakan ang maihahatid sayo nun. Baka pati kadugo mo sisingilin din."

"Ano bang mga pinagsasabi mo, Louie? Dala ba 'yan ng gutom kanina sa mga pinagagawa natin? Nagugutom na rin ako kaya kumain na tayo bago umuwi." Kahit nanginginig na ang buong kalaman ko sa mga pinagsasabi niya, pinilit ko pang matawa at baguhin ang kwento para lang malayo sa binabanggit niyang nagpapagulo sa isip ko.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at hinawakan ang kabilang pisngi ko.

"Sarili mo na lang ang intindihin mo, huwag na ang iba. Kahit ako. . ." nagpilit siya ng ngiti. May sakit doon sa mga mata niya. "Kahit ako huwag mo nang pansinin ang nararamdaman ko." May dinukot siya na kung ano sa bulsa niya at ibinigay iyon sa akin.

Tinitigan ko iyon at napagtantong sobre iyon. Nagulat naman ako nang mabasa ko ang loob na iyon. Maluluha ko pang nilapitan si Louie at niyakan nang mahigpit.

"Louie! Totoo ba 'to?!" Ang nararamdaman kong kaba kanina ay napalitan ng kasiyahan. 

Bakit ang bilis lang ng lalaking ito pasayahin ako?

Natatawa namang ginulo niya ang buhok ko. "Basta pangarap mo na lang ang intindihin mo. Marami akong kakilalang naghahanap ng model noon pa man. Nang malaman ko noon na gusto mo pa lang mag-model ay hindi ako nagdalawang isip na ipasok kita kahit ayaw mo pa." Pinisil naman niya ang pisngi ko. "Alam kong gusto mong tanggihan ang ganitong opportunity, pero, Allira, sarili mo naman ang isipin mo. Huwag mo munang isipin ang kung anong pwede mangyari sayo."

Gusto ko naman talaga ito e, may mga bagay lang na hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit hindi ko matulak ang sarili ko sa ganitong opportunity. Siguro sa takot. Takot na baka malaman na naman niyang ito ang gusto ko. Noon pa man marami nang kumukuha sa akin sa pagmo-model, ako lang talaga ang tumatanggi.

Pero sa ngayon hindi ko na 'to pwedeng tanggihan. Lalaban na ako. Ilalaban ko ang pangarap ko.

"Bakit mo ba 'to ginagawa sa akin, Louie? Bakit mo ako tinutulungan?" Kagat ko ang pangibabang labi ko. Tinitigan ko siya mata sa mata.

Nasilayan ko naman ang maganda niyang ngiti.

"Gaya ng sabi ko rati, kung hindi mo tutuparin ang pangarap mo, ako ang tutupad nito." Huminga siya ng malalim at lumapit sa akin. "Allira, m-mahal kita." Kinagat niya ang pangibabang labi niya. "Alam kung biglaan pero iyon na ang nararamdaman ko sayo. Huwag ka sanang mailang sa akin. K-kahit huwag mo nang palitan ang nararamdaman ko sayo, huwag ka lang lumayo sa akin. H-huwag mo lang ako iiwasan." Pumungay ang kanyang mga mata ngunit hindi mawawala ang lungkot doon.

Alam ko noong una hindi ko pa pansin kung bakit galit na galit siya sa akin, iyon ay pinagbabawalan niya lang naman pala ako mapahamak. Habang tumatagal ay unti-unting nagkakasundo na kami. Sa totoo lang, masaya ako sa lahat ng palagi mga lakad namin.

"Hinding-hindi kita iiwasan," naka ngiti kong sabi.

"Promise?"

Natawa naman ako. "Promise!"

Inilahad niya ang isang kamay niya hudyat na kumapit ako roon. Hindi ko naman mapigilang mapangiti ng matamis bago kumapit doon.

Ganito pala ang pakiramdam na maging masaya kasama ang lalaking ito. Pero masyadong magulo pa rin ang nararamdaman ko ngayon. Gusto ko munang makita at makasama si Tito Montea kung ano ba ang tunay kung nararamdaman sa kanya. Gusto kong klaruhin kung ano ba itong nararamdaman ko para sa kanya.

"Maganda ba?" Nang matapos ay bumaling ako  kay Louie.

Lumapad naman ang mga ngiti niya at tumango. "Sobrang ganda. Sobrang ganda mo. Sa sobrang ganda mo mas lalo akong nahuhulog."

Hindi ko naman mapigilang matawa. "Sus, nagjojoke ka lang e."

"Hindi 'yon joke. Pero sa totoo, bagay na bagay ang short hair sayo. Mas lalo kang gumanda." Kinindatan naman ako nito.

"Bolero talaga!" Inirapan ko naman siya ng pabero.

Naisipan kong bawasan ang buhok ko dahil iniisip ko kapag ako naka hawak ng gunting baka hindi lang buhok ko sa taas ang gugupitan ko. Nako!

Nasa gano'n kaming posisyon ni Louie. Tamang naglalakad lang habang nag-wwindo shopping pagkatapos namin magtungo sa parlor. Kwentuhan ng mga kung anu-ano hanggang sa mapunta kami sa bilihan ng mga heels.

Nasa kalagitnaan kami ng pagtitingin ng mga heels na nababagay sa akin nang may napansin akong pamilyar sa akin kaya naman dumako ang paningin ko roon.

Nasa section ito ng mga relo, busy katitingin. Pansin mong pormal itong nakikiusap sa nga sales lady. Halos ang katawan at kabuohan niya ay makakasiguro kang siya ito. Hindi ko naman mapigilang mapalunok at lumakas ang tibok ng puso ko.

Habang busy rin makipagusap si Louie sa isang sales lady ay unti-unti akong lumalapit dito habang may kabang nararamdaman.

Akala ko ba hindi pa siya uuwi ngayon? Akala ko ba matagal pa uwi niya dito? Bakit siya nagsinungaling? Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko na pawang puputok na ito?!

Ilang hakbang na lang makakalapit na ako sa kanya nang may babaeng lumapit sa kanya at kumapit sa braso niya. Natigilan naman ako at nagulat. Napako ang paa ko sa kinatatayuan ko sa gulat.

Maputi ang kutis ng babae ngunit mas lamang ang akin. Hanggang balikat ang buhok nitong kulay pula. Naka fitted dress ito hanggang tuhod na kulay pula at luwang-luwa ang dalawang kabundukan nito.

Ngunit ang ikinagulat ko ay kilala ko rin ang babae. Parang mabubuwal ako sa aking nakikita, hindi ako makapaniwala. Paano sila nagkakilala? At anong ginagawa niya rito? Akala ko ba wala na siyang balak na magtungo pa rito sa probinsya?

Anong ginagawa ni Mommy rito? Bakit magkasama sila ni Tito Montea?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 20 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon