Chapter 1

8.4K 141 33
                                    

"PASENSYA ka na, Allira. Hindi ko pala sayo nasabi na, magkarugtong ang bathroom ng sayo at kay Louie. Minsan diyan din nagc-c.r. ang Tito Montea mo. Kasi magkarugtong din ang kuwarto niya at kay Louie. Alam mo na, pina-renovate ko itong bahay. Hindi ko rin kasi nasabi kay Louie na dumating ka na. Kakarating lang din kasi niya," mahabang paliwanag ni Tita.

Tango na lamang ang aking nasagot, dahil na rin siguro sa gulat at kahihiyan sa sarili.

Kahit nga ngayon hindi ako makatingin sa lalaking prente lamang nakaupo sa sofa, habang masama ang tingin sa akin at hawak-hawak pa rin niya ang kanyang bayag. At pareho pa rin kaming naka-bathrobe.

"Ma, pwede mo ba akong kuhanan ng yelo? Medyo masakit pa rin e," utos nito kay Tita, habang may riin doon sa sinabi. At pawang nakatingin sa akin ang matalim niyang mga mata.

"Masakit pa rin? Oh, sige, bibili muna ako sa labas. Naalala ko wala pa pala akong gawang yelo." Umalis si Tita at naiwan kaming dalawa sa bahay.

Lumunok ako at lumapit sa kanya ng kaunti.

"Anong ginagawa mo?" inis niyang asik sa akin.

Galit nga ang loko. Ako nga dapat ang magalit dahil siya itong pabigla-biglang pumapasok ng bathroom kahit may tao!

Pasalamat siya naging ganito ang sitwasyon niya!

"P-pwede patingin?" aniko.

Nagulat naman siya at mas lalong hinawakan ang ebon niya.

"What?! No!" sigaw niya.

Pumikit ako nang mariin dahil sa lakas ng kanyang pag-sigaw.

"Titignan ko lang kung namamaga, ano ka ba!" sigaw ko pabalik sa kanya.

Lumaki pa ang kanyang mga mata. "Ano ka doctor? Ayaw!"

"Doctor, hindi! Nurse? Oo! Kaya tumigil ka riyan! Open minded ako, 'no!" Pilit kong tinatanggal ang kanyang bathrobe at nagtagumpay naman ako.

Tumaas ang isang kilay ko nang mag-bounce iyon sa harapan ko.

Anong inches sa kanya? Bakit ang laki?

"Fuck it!" mura niya at ibinalik para itakip muli sa hubad niyang katawan.

"Arte nito. Titignan lang e." Umirap ako at umupo nang maayos. "Namamaga nga. Sorry." Mukhang napalakas ang pagsipa ko. Napansin ko kasi a medyo pumula iyon.

Siguro may lahi ang lalaking ito. Sa mga mata niya pa lang gray at sa maputi niyang balat mapapansin mo na agad na foreigner ang tatay nito.

Maputi nga ang talong e, tapos namumula pa. Hays! Ngayon lang ako nakakita ng talong na gano'ng kalaki.

Umiling ako at nagpilit ng ngiti.

"Babawi na lang ako. Gusto mo ilibre kita?"

Wala namang masama roon, 'di ba? At saka pinsan ko naman siya. Ngayon ko lang din siya nakita at gustong kilalanin. Ang mga pinsan ko kasi sa side ng father ko puro payabangan lang alam.

Ngumisi siya sa akin at umayos ng upo. "Baka kapag nilibre mo ako, pagsisisihan mo pa," sabi niya habang nakaawang ang gilid ng labi niya.

"Bakit naman ako magsisisi? Pagkain lang naman ililibre ko sayo." Tinaasan ko siya ng kilay.

Tinitignan niya ako at nagbuntonghininga. Umiling lamang siya at hindi na nagsalita pa.

Mayamaya dumating si Tita na may dalang yelo. Ibinigay iyon sa kanya.

Pagkatapos ay nagsalita si Tita. "Tutungo muna ako sa hospital. Dito muna kayo. May pagkain naman na sa ref, initin niyo na lang. Kumain na lang kayo kapag nakaramdam na kayo ng gutom."

Tumikhim ako. "Tita, huwag na po. Kakain po kami sa labas ni Louie," aniko at tumingin kay Louie na may pandidilat sa mata.

Bumalik din ang paningin ko kay Tita nang taasan lamang ako ng kilay ni Louie.

"Gano'n ba? Oh, sige." Ngumiti si Tita at tinap ang balikat namin pareho ni Louie saka siya umalis.

"Wala akong sinabi. Hindi ako pumayag," ani Louie. Tumayo ito upang magtungo sa kuwarto nito na may paika-ika.

"Luh? Ang KJ mo naman. Akala ko iba ka sa mga pinsan ko sa side ni Daddy, pareho lang pala." Dismayado akong nagbuntonghininga.

Akala ko pa naman iba siya sa mga pinsan kong laking maynila. Iniisip ko kasi iba rito sa probinsya. Sa sobrang tagal kong hindi nakapunta rito, ang dami na pa lang nagbago.

Inis ako nitong tinitigan. "Huwag mo 'kong ikumpara sa mga pinsan mong laking maynila. Ibahin mo ang mga tao rito sa probinsya," seryoso niyang sabi.

"E, bakit ka ganyan. Ikaw na nga ang niyayayang kumain sa labas, ikaw pa ang aayaw? Ayaw mo ng libre?" Ngumisi ako.

Bumuntonghininga ito. "Wala akong samood. Tigilan mo ako," nahihirapan nitong sabi.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

Tila nag-iba ang boses niya. Parang nagpipigil, na ewan.

Lumapit ako ng konti sa kanya, ngunit hindi pa ako masyadong nakakalapit sa kanya nang patigilin niya ako.

"Huwag kang lalapit sa akin." Huminga ito ng malalim. "At pwede ba! Magbihis ka na! Tsk!" asik nito at nagmamadaling magtungo sa silid nito.

Problema no'n? Niyaya lang naman siyang kumain sa labas.

At anong problema sa suot ko?

Napatingin ako sa kasuotan ko at ngayon ko lang napagtanto na naka-bathrobe pa rin ako.

Umiling ako at ngumiwi. Nagtungo na lamang ako sa silid ko at naligo nang matiwasay. Sinigurado kong naka-lock lahat ng mga konektado sa bathroom na ito bago maligo.

Pagkatapos, nag-ayos lang ako sa sarili bago lumabas ng bahay.

Muntik ko pang masipa ang pinto ng pinsan ko dahil sa inis.

Kung ayaw niya akong kasamang kumain sa labas, edi ako na lang!

Hapon nang lumabas ako sa bahay. At sa paglabas kong iyon ay marami akong nakitang mga kabataan na naglalaro sa labas.

Kanina ingay lang ang aking naririnig, ngayon mas lalo ko pang narinig ang kanilang ingay.

Napangiti ako dahil napakasarap maging bata ulit. Ngunit hindi ko nakikita ang sarili ko sa kanila noon, dahil ang alam ko lang ay ang magkulong sa silid ko at pag-aaral.

Nang lumaki ako, nakikipag-party man ako, ngunit hindi masyado dahil kay Mommy.

Niwala ko sa isip ko ang about kay Mommy at naglakad na lamang patungong cover court.

Doon maraming isaw-isaw at kung ano pa. Minsan lang ako nakain nito dahil sa Nanay kong pwera na lang nakadikit katawan namin at ayaw akong pakainin sa ganitong mga pagkain dahil sa kaartehan niya.

Sigawan at hiyawan ang aking narinig ng medyo malapit na ako sa court. Pagpasok ko ay mas lalong umingay.

Ngunit ang pakay ko ay street food. Nasa loob kasi ito ng court dahil dito ka makakabenta, dahil na rin sa rami ng mga taong nanonood.

Hindi ko pinansin ang mga taong panay ang tingin sa akin, na mukhang bago sa kanilang paningin ang aking sarili.

At dahil nasa dulo pa ang pakay ko, ay napatili ako nang biglang may tumindig sa akin na ika muntik ko nang ikatumba kung wala lang may sumalo sa akin.

Pagtingin ko sa gumawa no'n ay napatigil ako. Naging pamilyar sa akin ang mukha ng lalaki. Pawisan ito at mukhang isa siyang player sa larong basketball dito.

Kumunot ang noo ko dahil pamilyar talaga siya sa akin. Parang nakita ko na siya sa bahay ni Tita.

Parang. . .

Nanlaki ang aking mga mata nang maalala ko kung sino ang lalaking ito.

"Tito Montea?"

PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon