Chapter 3

3K 51 2
                                    


NAGISING ako sa katok ng pinto. Napabangon ako at tumayo kahit inaantok pa. Rinig ko ang boses ni Tita sa labas.

"Allira, gising ka na ba?" aniya.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si Tita na may dala-dalang sandok. Mukhang nagluluto na siya ng agahan.

"Bakit po , Tita?" inaantok kong tanong.

Ngumiti siya sa akin at nagbuntonghininga.

"Akala ko napapano ka na riyan sa loob ng kwarto mo. Kanina pa kita ginigising ngunit mukhang mahimbing pa ata ang tulog mo kanina kaya naman hindi na lang muna kita inistorbo," paliwanag niya.

Kumunot ang noo ko. Kanina pa niya ako ginigising?

"Anong ibig niyong sabihin, Tita?" pagtataka ko.

Ngumiti ito muli. "Ano ba ang iyong pinaggagawa kagabe at ika'y puyat na puyat." Tinaasan niya ako ng kilay.

Anong puyat? Wala naman akong ginawa kagabe. Pagkatapos ko lang naman kumain ng isaw na bigay sa akin ni Tito Montea kagabe ay dinalaw na ako ng antok.

"Wala ho, Tita. Baka pagod lang po?" Ngumiwi ako ng palihim. Hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Wala naman akong ginawa kagabe para ma puyat ako. "Anong oras na ho pala, Tita?" Pagiba ko sa usapan.

"Alas onse na ng tanghali," aniya upang umawang ang bibig ko.

Gano'n na ba talaga ako ka tagal matulog?!

"Gano'n ho ba. Ang tagal pala ng tulog ko." Napakamot na lamang ako.

"Sige na, bumaba ka na lang at ako'y may lulutuin pa."

Tumango ako sa kanya. "Yes, Tita. Maliligo po muna ako."

Bumalik ako sa loob ng kwarto para kumuha ng mga gamit ko sa pagligo.

Napangiwi ako nang biglang sumakit ang likod ko. Piniling ko ang ulo ko. Bakit kaya ang sakit ng buong katawan ko?

Inisip ko pa kung ano ba pinagpuyatan ko kagabe ngunit wala talaga.

Pinasawalang bahala ko iyon at tumungo sa bathroom. Sinigurado ko muli na naka sirado lahat ang pinto ng mga ugok bago ako naligo.

"Sasama ka ba, Allira?" tanong ni Tita habang nasa hapag kaming lahat.

Nagsandok si Tita ng kanin para lagyan ako sa plato ko. Sinunod niya ang ulam dahilan upang hindi ko mapigilang mapangiti ng palihim.

"Saan ho?"

"Sa bundok. Kukuha lang kami ng buko. Gagawa ako ng salad. Gusto mo ba?" aniya pa.

Sa totoo lang nakakabagot din manatili sa bahay buong magdamag. Gusto ko rin sanayin ang sarili ko na hindi ako habang buhay mananatili sa bahay. Wala na ako sa puder ni Mommy, kaya gusto kong gumala nang gumala.

"Sige po, Tita." Ngumiti ako rito.

Sa totoo lang. Maganda si Tita. Maputi ang balat niya. Hindi siya kagaya ng iba na kahit namumuhay sa probinsya ay medyo may kaitiman. Para pa rin siyang dalaga titigan. Pareho man silang ma puti ni Mommy, ngunit ang kagandahan ni Tita ay iyon ang wala kay mommy. Humataw lang ang pagkakaroon ng magandang hitsura si Mommy dahil sa maputi ito. Siguro kung hindi maputi si Mommy, masisiguro kong isusumpa niya si Tita forever . At dahil mas lamang si Tita sa kanya, iyon ang kina-iinggitan ni Mommy kay Tita. Iyon din ang ayaw niya sa akin dahil kay Tita ako nagmana. Hindi lang sa mukha kundi pati sa kutis.

"Ma, hindi ako sasama," ani Louie dahilan para bumaling ang tingin sa kanya ni Tita.

"Wala ka namang lakad ngayon. At saka linggo ngayon, Louie. Bakit hindi ka muna makipag-bonding sa amin? Kararating lang ng pinsan mo pagbigyan mo na."

PS #2: Share Pleasure Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon