CHAPTER 48

13.1K 361 35
                                    

1 week later.

Maaga pa lamang ay nasa labas na agad ng condo ni asha si makhi at hinihintay niya lang itong lumabas. Ito na ang naging routine ng dalawa simula nang ligawan ni makhi ang kaibigan para patunayan niya rito na totoo ang kaniyang nararamdaman dito. Matiyaga lamang si makhi na naghihintay habang nakasandal ito sa labas ng sasakyan niya. Maya-maya ay nasilayan na rin niya si asha sa hindi kalayuan habang ito ay papalapit sa kaniya. Tila lumiwanag naman ang buong mukha niya dahil sa angking ganda ng babae. Habang papalapit si asha sa manliligaw ay palihim niya itong pinagmasdan. Simple lang ang suot nitong black polo shirt at black pants ngunit malakas pa rin talaga ang dating nito sa kaniya, at hindi niya maitatangging attractive pa rin talaga siya rito.

" Good morning, My Queen." Nakangiting bati ni makhi kay asha, paglapit nito sa kaniya at agad na pinagbuksan ng pinto ito.

" Oh, ang aga mo ah. " Nakataas kilay na tugon ni asha dito.

" Syempre ayoko paghintayin yung reyna ko eh." Sabay kindat nito kay asha.

" Hhmm bolero!! Mataray na tugon ng dalaga at sumakay nalang ito nang kotse, nginitian naman ito ni makhi.

" Hays! Ang sungit pa rin!

Pagkasakay ni asha at sarado ng kotse, sumakay na rin kagad si makhi, at pagkasakay nito kagad itong lumapit sa dalaga para ikabit ang seat belt nito, hinahayaan nalang ito ni asha, na gawin ito ni makhi para sa kaniya.

" Ayan ba, okay na po, tara. " Ngiting usap pa ni makhi kay atasha pagkabit niya ng seat belt nito, inirapan lang naman siya nito.

" Ayy wait lang! Coffee My Queen. " Pag-abot ni makhi dito ng isang cup ng Starbucks coffee.

" Dumaan kapa sa coffee shop para dito makhi?

" Yes My Queen! Sabi ko naman sa'yo diba araw araw ko na yan gagawin para sayo at saka don't worry cappuccino po yan. " Sabay kindat muli ni makhi dito.

" Hmm okay thank you makhi. " Nakikita naman lahat ni asha ang mga effort ng manliligaw para sa kaniya, pero ayaw niya pa rin na basta nalang bumigay dito.

" Um you're welcome My Queen." Ngiting tugon pa ni makhi, at Inistart na ang sasakyan, palihim naman napangiti nito si asha.

Pagkaraan lamang ng bente minutos, na biyahe nang dalawa, ay kagad naman silang nakarating sa flower shop,. dahil hindi naman nga traffic sa dinaanan nila,. katulad ng palagi na ginagawa ni makhi ay pinagbubuksan nito si asha ng pinto at inaalalayan sa pagbaba.

" Boss makhi oh. " Paglapit ni noel dito at inabot ang isang bouquet ng flowers.

" Salamat ho kuya noel." Ngiting tugon ni makhi at itinago pa sa likuran niya ang bulaklak, tinapik naman ito sa balikat ni noel.

" My Queen!! Flowers for you.. " Ngiting bungad ni makhi, ng buksan niya na yung pinto para kay asha, palihim naman ito na kinilig, sa ginawa ng manliligaw kahit palagi na siyang binibigyan nito ng bulaklak.

" Makhi, uumm mapupuno na yung bahay ko ng bulaklak galing sayo e." Tugon ng dalaga ngunit tinanggap pa rin ang bulaklak dito.

" Edi mapuno baby sabi ko naman sayo gagawin ko ang lahat para mapasagot ka diba?

" Okay sabi mo eh." Taas kilay na usap ni atasha at deretso pasok na sa loob ng shop, sumunod naman dito si makhi.

" Plus points yan boss makhi." Bulong pa ni noel sa kaniya napangiti nalang naman ito.

" Wow! Ang sweet naman ni boss makhi may pa flowers na naman. " Bungad ni lili, pagka-kita sa amo at sa isa, nginitian lang naman ito ni makhi habang naiiling nalang si asha dito.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon