CHAPTER 66

17K 294 54
                                    

ASHA

2 years later.

" Hmm AA, mauna na kami sa loob ni billie, ha? At para tumigil na itong batang 'to sa kakaiyak hays! Umpisa ni sisi pagdating namin sa parking lot ng paborito namin' tambayan na coffee shop dito sa tagaytay.

" Sige sisi, una na kayo ni billie ako nang bahala dito ayusin ko lang 'tong damit ni baby. " Tugon ko dito sila kasi ng asawa niya ang sumundo sa akin sa ancestral house namin dito sa tagaytay.

" Sige AA, babe sunod kana rin." Kagad namang bumaba ng kotse si sisi, at nauna nang pumasok sa coffee shop.

" Yes, babe!

" Um kunin ko na 'tong mga gamit niyo ni malik para hindi kana mahirapan, asha."

" Ay sige billie salamat, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo ni sisi."

" Naku wala yun asha, at saka ibinilin ka sa amin ni makhi boi e, magagalit yun kapag pinabayaan ka namin kung nandito, yun ngayon... " Nginitian ko lang naman ito.

" Oh siya sunod na ako, doon sa loob sa sisi, mo alam mo naman yun eh, mawala lamang ako sa paningin niya, hinahanap na ako agad... " Parang bulong pa nito sa akin, natawa naman ako dito.

" Sige billie salamat ah. " Tumalikod na rin ito sa akin, at tinuon ko naman muna ang atensyon ko kay malik.

Ngayong araw nalang ulit kaming nagkayayaang magkakaibigan, na magkita kita, medyo matagal na rin kasi yung huling nag - bonding kami, may anak na rin sila sisi at billie, ' di rin nalalayo yung edad nito sa anak namin ni makhi,, pagka- tapos naman namin ikasal ni makhi,, Isang buwan lang sumunod na rin sila sisi at billie na magpa- kasal at tatlong buwan, lang matapos silang ma-ikasal ay nag- desisyon na rin silang mag - anak ( IVF ) para naman daw kasi 'pag lumaki na si malik, ko ehh, may kalaro na, hays! ewan ko ba kay sisi, sa lahat ng bagay gusto, yata sabay kami, lalake rin pala ang anak nila ni billie.

" Ayan baby okay na.. " Pinalitan ko ito ng damit at parang na iinitan kasi siya sa suot, niya kanina eh, hayy sa tuwing makikita, at tinititigan ko, ang mukha ni malik si makhi talaga yung nakikita ko sa kaniya.

" Halika na baby, baka hinihintay na nila tayo, sa loob eh." Agad kong binuhat si baby, at lumabas ng kotse, nakakapaglakad lakad na si malik pero kailangan pa siya ng alalay talaga.

Habang pasara naman na ako, ng kotse at karga karga si baby malik naramdaman ko na may tao sa likod ko ngunit binalewala ko nalang ito.

" A- asha ikaw ba yan? Bahagya pa nitong sinilip ang mukha ko, kaya napa- taas ang kilay ko dito at napatingin na rin kung sino ito.

" Ikaw nga Asha. " Ngiting usap nito at napangiti na rin ako ng mamukhaan ko ito.

" Bre- brent? Ngiting tugon ko rin dito, dalawang taon na rin nang huling makita ko ito at sa kasal pa namin yun ni makhi.

" Kumusta kana, asha?? Parang tuwang-tuwa ito nang makita muli ako, ganoon rin naman ako sa kaniya, at mukhang masaya naman siya, ngayon at ang ganda ng awra nito.

" O- okay naman brent, ito may makulit ng anak uhm ikaw kumusta?

" Mabuti naman ako asha, uhm.... ito na ba yung anak niyo ni makhi?

" Ah, oo brent, si malik."

" Puwede ko ba siyang mabuhat asha? Tila sabik na sabik ito sa bata.

" Oo naman brent."

" Hel - hello baby boy, ang cute cute mo naman naku kamukhang kamukha niya si makhi, asha.." Nilaro laro pa nito ang kamay ni malik.

" Hmm para silang pinagbiyak na bunga ano?

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon