CHAPTER 64

12.3K 399 118
                                    

Bantayan Island Cebu.

Dito napili ng magkasintahang billie at heart na ikasal, simple lang naman kasi ang nais na kasal ng dalawa. Hindi ito beach wedding, pagkat may maliit na church sa isla kung saan sila ikakasal marami na rin nagpakasal dito dahil bukas ito para sa lahat kaya talagang dinadayo ito ng mga couple para magpakasal lamang. Dito rin ninais ng magkasintahan na ikasal dahil sa mga beaches na nakapaligid sa simbahan na ma-eenjoy ng mga bisita pagkatapos ng kasal at reception. Hindi naman marami ang bisita dahil kapwa malalapit na kaibigan at pamilya lamang nila ang inbitado ngayon. Masaya naman si asha na dito sa cebu napili ng mga kaibigan na ikasal dahil muling nakatapak ang paa niya kung saan nanggaling ang angkan ng pamilya nila. Noong bata pa nga siya ay madalas silang umuuwi rito kasama ang ama at ina niya upang dalawin ang mga natitira na malalayong kamag-anak nila kaya may mga magagandang alaala rin siya rito. Ngayong umaga ay abala na ang lahat para sa kasal ng magkasintahang billie at heart habang abala naman ang lahat ay abala rin ang isipan ni asha pagkat parang kanina pa lumalipad ito kung saan. Kahapon pa kasi ito dumating sa isla ngunit ang nais na makita ng mga mata ay hindi pa rin nito nakikita.

" AA, may problema ba hmm? Kanina pa kasi ito pa tingin tingin sa bintana, habang hinihintay nila ni maya na matapos na makeup-an si heart.

Nauna nang mag-ayos sila atasha at maya kay heart, pagkat ang kaibigan naman yung ikakasal ngayong araw.

" Huh?? Wala naman sisi. " Umayos naman ito ng upo niya.

" Wala pa raw hay naku! Asha, tayo tayo na nga lang dito oh, magtatago kapa."

" Ano naman itatago ko maya ha? Tila usap nito na hindi alam ang tinutumbok ng kaibigan.

" Alam mo asha yan ang problema sayo eh, mas ginugusto mo nalang itago yung nararamdaman mo kaysa sabihin ehh, hindi naman manghuhula si makhi, hayss. " Naiiling na tugon ni mataya, di na ito sinagot ni asha at nanahimik nalang

" So si makhi, nga AA, ang dahilan kung bakit di ka diyan mapirme? Muling na tahimik si atasha sa tanong ng matalik na kaibigan.

" Magkausap kami kanina sa phone ni billie eh, magkasama lang sila ni makhi sa kuwarto niya, bakit hindi kayo mag-usap AA?

" Huh?

" Hay naku!! Ano AA, naghiwalay lang kayo ni makhi nabingi kana rin?

" Tama si heart, asha para bago, siya umalis ehh kahit paano maging okay naman kayo, puwera nalang kung natatakot ka. " Sabat ni maya.

" At bakit naman ako matatakot ha, maya?

" Ohh kung hindi ka, natatakot asha, kakausapin mo siya diba??? Hamon pa ni mataya, at muling napatahimik na lamang ito.

" Alam mo asha, silence means yes sabi nga nila hmm natatakot ka nga kasi ano kapag nag-usap kayo at ma-corner ka niya eh, baka bumigay ka ganun?

" Soo what kung bumigay ka, AA? Mahal niyo naman pareho ni makhi, ang isa't-isa at walang masama dun." Dagdag pa ni heart.

" Hays ano bang pinagsasabi, niyong dalawa, ha makalabas na nga lang." Makaiwas lang ito sa mga kaibigan, at agad itong tumayo at tumungo sa pinto.

Dahil kahit gustuhin nitong makita at makausap yung dating kasintahan ay ayaw niya na nga na guluhin ito lalo at paalis na ito ng bansa.

" Oopps saan ka pupunta asha? Harang ni maya sa pinto, sa kaibigan.

" Kay jamie tutulungan ko lang siya mag-asikaso sa mga bisita, niyo ni billie, sisi sa baba po." Si jamie, kasi ang naatasan ng magkasintahan na mag-asikaso, sa mga bisita sa kasal, katulong ni maya.

" Hi- hindi, dito kalang AA, kaya na ni jamie, yun hayaan mo siya doon, at saka kailangan kita dito sa tabi ko." Mabilis na tugon pa ni heart.

" Tama! kaya na yun ni jamie asha kaya maupo kana lang dito kung wala ka namang balak na kausapin ang ex mo." Hinila pa ni mataya, ang kaibigan para paupuin ito.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon