CHAPTER 52

13.1K 331 127
                                    

1 week later.

Sa loob pa rin ng hospital na nanatili si makhi habang siya ay nagpapagaling pa ng mga sugat niyang natamo mula sa matinding aksidenteng nangyari dito at nanatili rin naman sa tabi nito si asha bilang tagapag-alaga kasama ang ama at ina ni makhi, medyo matatagalan pa itong mananatili sa hospital hanggang sa gumaling at makabalik ang lakas nito. Simula nang maaksidente si makhi ay araw-araw nang maaga pa lang ay tumuntungo na si asha sa hospital upang bantayan at alagaan ito. Hindi naman ni asha pinapabayaan ang flower shop dahil sumasaglit pa rin siya rito paminsan bago pumunta sa hospital o umuwi galing dito. Bit-bit ang mga pinamiling pagkain at prutas para kay makhi ay maaga muling nagtungo si asha sa hospital ngunit pagbukas ng pinto ay walang bumungad sa kaniyang tao tulad ng dati na makikita niya na agad ang mommy o daddy ni makhi. Ang mas pinagtakhan ni asha ay wala rin si makhi sa higaan nito kaya't hindi niya maiwasang kabahan at mag-alala para dito. Tiningnan niya rin ang banyo ng kuwarto ngunit wala rin dito si makhi kaya't lumabas na siya upang hanapin at magtanong sa mga staff ng hospital. Pagkalabas niya ng kuwarto at makita ang isang nurse, dito niya naisipang ipagtanong kung nasaan ang pasyente sa kuwartong pinanggalingan niya.

" Nurse ang pasyente kasi sa—

Ngunit may bigla naman na inabot ito sa kaniya na lubha nitong pinagtakhan.

" Ma'am para po sa inyo. " Nakangiti na usap nito sa kaniya.

" Para saan 'to nurse? Iniabot kasi nito, kay asha ang isang pulang rosas, ngunit hindi naman siya nito sinagot at tumalikod agad.

Binaliwala na nga lang ito, ng dalaga at muli na naglakad upang hanapin si makhi, kung nasaan ito, maya maya naman ay mayroong lumapit sa kaniyang isang babaeng doctor pamilyar ito kay asha dahil isa ito sa mga doctor ni makhi.

" Mam asha para sayo." Inabutan rin siya nito ng isang pulang rosas.

" Doc para saan ho itong bulaklak?? At si makhi nakita niyo ba? Ngunit hindi rin siya nito sinagot at tinapik tapik lang siya, sa balikat ng marahan, kaya muli nalang siyang nagpatuloy, kahit tila ay nagtataka na nga ito, kung bakit bini-bigyan siya ng mga ito ng pulang rosas.

Sandali pa ngat may lumapit naman sa kaniyang utility staff ng hospital at inabutan muli siya nito ng pulang rosas.

" Miss ganda, para po sa inyo. " Kahit nagtataka dito si asha ay muli niya itong tinanggap.

" T- thank you."

Maya maya naman sa muli ngang pagpapatuloy ng dalaga sa paghahanap kay makhi ay mayron lumapit muli, sa kaniyang doctor, at inabutan rin siya nito ng pulang rosas.

" Para sayo. "

" S- salamat. " Tugon ni asha sa tumalikod agad na doctor, sa kaniya at naiiling nalang nga ito sa pagtataka.

Ilang minuto pa nga' t, meron lumapit naman sa kaniyang isang guard ng hospital at inabutan rin siya nito ng isang pulang rosas.

" Pinabibigay ho sa inyo mam."

" Kanino ba ho, galing ito?? Ngunit gaya ng mga nagbigay kay asha ng mga pulang rosas ay hindi rin siya nito sinagot at ngumiti lang ito sa kaniya at agad na tumalikod.

" Ano ba ang mayroon at kanino ba galing 'tong mga pulang rosas na' to hay Makhi nasaan kana ba!! Tila irita ng usap ni asha, dahil ilang minuto na nga siyang naghahanap dito kay makhi, at 'di niya pa rin ito makita.

At hanggang sa mabuo na ang labing dalawang piraso, ng mga pulang rosas, sa kamay ni atasha at nakarating na rin ito sa rooftop ng hospital sa paghahanap nito kay makhi, pagkabukas palang sa pintuan ng rooftop,, bumungad na kaagad, sa kaniya ang mapupulang mga rosas na nakakalat sa sahig na daraanan niya.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon