CHAPTER 36

8.8K 315 130
                                    

Fast forward.

Papasok na sana ang magkasintahang brent at asha sa isang fine dining restaurant na papular dito sa makati. Natigilan naman si asha nang may makasabay sa entrance ng restaurant na malapit sa kaniya.

" Makhi?" Lumingon naman agad ang isa upang alamin kung sino ang tumawag dito.

" Oh h- hi asha." Bahagyang na surpresa pa dito si makhi. Dahil hindi niya inaasahan na makikita ang dalaga na kasama ang nobyo nito. Tinitigan naman ito ng maigi ni brent mula ulo hanggang paa.

" Maglunch din kayo makhi?? Tanong ng dalaga sa kaibigan at bumaling sa kasama ni makhi.

" Oo a- asha ahmm nakilala mo na rin naman si reign diba natatandaan mo pa?

" Ah oo naman hi reign nice to meet you again." Inabot pa ni asha ang kamay nito sa babae.

" Hi, asha you're so pretty talaga ah. " Napangiti dito si atasha sa pagcomplement nito sa kaniya.

" Thank you reign ikaw rin, ahhmm by the way si brent nga pala makhi-

" Ohh hi, makhi Attorney brent manalo nga pala ahm boyfriend ni asha. " Pagputol nito sa nobya at kagad na inabot ang kamay kay makhi at kay reign.

" Nice to meet you attorney."

" Yes, brent n- nice to meet you. " Ngiting tugon ni makhi at tinanggap ang kamay ng isa.

" Hm madalas kang maikuwento sa akin ni asha finally na meet na rin kita." Napatingin naman si reign kay makhi.

" Ahh talaga?? Sana naman maganda yung mga na kuwento sayo ni asha, brent. " Napangiti lang dito si asha.

" Oo naman makhi. " Nakatitig pa rin kay makhi ang abugado.

" Paano doon na muna kami baka na iistorbo na namin ni reign yung date niyo eh asha. " Paalam ni makhi sa kaibigan bago sila akmang tatalikod na sa magkasintahan.

" Bakit hindi nalang kayo mag-join samin makhi ni reign diba hon okay lang naman??? Pagbaling pa nito sa nobya.

" Ahhmm oo naman hon bakit hindi." Mabilis na tugon ng dalaga sa nobyo nito.

" Ah- Nagaalangan si makhi na tanggapin ang paanyaya na ito ng abugado.

" Sige na makhi hay hindi kayo titigilan nitong si brent e." Pilit pa ni asha sa kaibigan at humawak pa sa kanang dibdib ng nobyo. Tumingin naman si makhi sa kasama na babae upang humingi ng pahintulot dito.

" Okay lang naman sakin makhi."

" Oh ayun naman pala makhi e ano bro? Parang double date na rin ohh." Natawang palihim lang si reign sa sinabi ng abugado,. Habang napailing nalang naman si makhi dito.

" Sige brent."

" Yun, tara." Agad kinuha ni brent ang kamay ng dalaga at nagtungo sila sa table na pina-reserve nito, hindi naman maiwasang mapatingin dito si makhi habang sila ay nasa likuran ng dalawa.

" Okay kalang ba makhi hmm?? Mahinang usap ni reign dito.

" O- oo naman. " Mabilis ngunit maiksing tugon ni makhi.

Pagdating sa kanilang table inalalayan naman ni brent si atasha na maupo sa tabi nito, nakatingin lang naman si makhi sa dalawa.

" Ahhm umorder lang kayo ng gusto niyo makhi ahh sagot ko na 'to." Usap ni brent pagdating ng menu sa table nila.

" Sigurado ba kayong hindi kami nakakaabala ni reign sa date niyo asha?

" H- hindi naman makhi-

" Hindi bro,. Actually hindi naman talaga ito date hmm lunch lang pagkatapos nito ihahatid ko rin si asha sa flower shop gusto ko lang makita ang Queen ko ngayon e." Sabat ni brent sabay baling sa nobya nito, nginitian naman ito ni asha.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon