CHAPTER 60

8.7K 267 74
                                    

Pagpapatuloy...

Tahimik lamang si makhi habang ito' y nakikinig sa mga kuwento ni angela sa kaniya. At nalaman niya dito na college rin ito nang bumalik sa pilipinas upang dito na mag-aral habang ang ninang emma niya naman ay sa states pa rin nakatira at pauwi-uwi na lamang dito katulad ng mommy niya. Nalaman niya rin dito na kailan lamang nagkita muli ang mommy niya at si angela dahil na rin sa ninang niya. At hindi na rin maalala ni angela noong mga bata pa sila gaya niya. Napatigil naman si angela sa pagkukuwento nang mapansin niyang panay na ang tingin ni makhi sa relo nito at parang hindi ito nakikinig sa kaniya.

" Uhm may problema ba, makhi?

" Huh? Hmm wala naman, angela." Itinuon na lamang muli ni makhi, yung pansin sa kalsada at pagdadrive.

" Kanina kapa kasi panay tingin diyan sa relo mo eh may lakad kabang importante?

" Sorry ,susunduin ko pa kasi si asha, eh. "

" Ah yung kasama mo sa resort?

" Oo, girlfriend ko." Ngiting tugon ni makhi.

" Hmm maganda siya, makhi."

" So asha pala pangalan niya. "

" Thank you angela, uuhm si- sige mag-kuwento kalang sorry kung na putol kita kanina ha."

" Okay lang yun makhi... " Muling nag-patuloy si angela sa mga kuwento nito.

Hindi naman nawala ang tingin, ng mga mata ni angela kay makhi, habang ito ay nagku-kuwento dito, dahil sadya namang ito na attractive, talaga at natutuwa siya, lalo na at tumutugon na ito, sa mga kuwento niya at nagtatanong na rin.

Sa gitna nang pagkukuwento ni angela, ay naipit na sila sa traffic, at hindi na nga gumagalaw ang daloy ng trapiko, kaya nag-alala na dito si makhi na talagang gagabihin na siya sa pagsusundo, sa nobyang si asha, kaya na isipan niya ng tawagan ito, ngunit sa pag-kapa ni makhi sa bulsa niya ay wala nga dito ang telepono.

" Shit! Makhi." Napasapo nalang sa ulo si makhi nang maalala niyang nailapag nito ang telepono sa ibabaw ng kama at naiwan niya ito.

" Oh bakit makhi?? Pansin ni angela, na tila may hinahanap ito.

" Wala angela na iwan ko kasi yung phone ko sa kama sa bahay kanina."

" May tatawagan kabang importante, makhi? Ito phone ko tawagan mo nalang..... " Naisip naman ni makhi, na baka lalo lang na magalit sa kaniya ang nobya, kung ibang telepono yung gagamitin nitong pantawag.

" No it's okay angela, malapit na rin naman tayo eh. " Ngiting pagtanggi ni makhi.

" Sigurado ka makhi?

" Oo angela." Muli nalang nag-focus si makhi sa pagdrive nito.

" Okay ikaw bahala. " Nginitian na lamang ito ni makhi at muling nag-kuwento lang ng kung ano si angela.

--

Pagkatapos nga, ng halos dalawang oras, nila na pakikipagbuno sa trapiko sa wakas ay nakarating na rin ang dalawa sa bahay ni angela.

" Uhm pasok ka muna makhi. "

" Hindi na angela next time nalang siguro."

" Kahit coffee lang makhi? Saglit lang naman."

" Hmmm I'm sorry angela, pero kailangan ko, na talagang umalis eh, h- hinihintay na ako, ni asha baka magalit na yun sa akin eh, anong oras na.." Natawa naman sa kaniya ang babaeng morena.

" You know what I like you, makhi."

" H- huh? Nauutal na tugon ni makhi.

" Gusto ko yung katulad mo, takot sa girlfriend.." Hinawakan pa siya nito sa balikat ngunit umiwas rin siya dito.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon