CHAPTER 32

12.2K 336 50
                                    

1 week later.
Grand cafe 1919 binondo manila.

" Ano ba ang mga trip niyo at dumayo pa talaga tayo dito sa manila para lang mag coffee, ha?" Reklamo ni maya na halos kararating lang sa coffee shop.

" Ewan ko ba rito kay sisi ang dami namang coffee shop do'n sa area na malapit tayo. Dito pa naisipang magyaya."

" Ano ba kayo parang ulam lang yan kapag lagi yun ang hinahain sa inyo ehh diba nakakasawa? Para maiba naman ano tsaka sabi maganda raw dito."

" Sabagay maganda naman talaga dito pero oh my god ang mahal ng pagkain heart ah!!! Ikaw ba ang magbabayad ng bill natin?? Pagtingin ni maya sa menu ng coffee shop.

" Hoy! Hindi ano! Hindi ako nalate kaya kkb tayo masyado na kayong sinuswerte sakin ah hays!

" Nandiyan na yung mga magbabayad oh." Turo ni atasha sa magkasintahang codie at jamie na kakapasok lang sa coffee shop.

" Oh bakit ganyan kayo makatingin hah? Takang tanong ni jamie na hindi pa nga nakakaupo.

" Dahil late kayo ni codie mo jamie ngayon kayo ang magbabayad ng bill natin dito."

" Yan na ba ang rules sa friendship natin ngayon hah mataya? Hindi yata ako na update?! Natatawa nalang si codie sa nobya nito.

" Okay lang hon ako na ang magbabayad nito." Ngiting tugon ni codie sa nobya niya, hinalikan naman siya nito sa labi.

" Oh yun naman pala si codie na ang may sagot jamie eh umupo na kayo ng makaorder na tayo nagugutom na ako eh."

" Ikaw nagyaya dito heart dapat ikaw ang magbayad ehh! Nginitian lang ito ng isa, natawa nalang dito ang tatlo.

" Hayaan mo na hon ako na nga po ang bahala eh." Inuwang ni codie ang upuan para makaupo ang nobya.

Nang makaupo ang magkasintahan na codie at jamie ay nagdesisyon na kaagad silang umorder ng makakain.

" Ang gwapo naman ni guy. " Mahinang usap ni maya habang nakatingin ito sa may entrance ng coffee shop, napalingon naman ang apat niyang kasama dahil dito.

" Huy! Ang gwapo nga ahh." Nang makita rin ni heart ang lalakeng nakablack amerikana suit.

" A- Ano namang ginagawa niya dito?" Bulong ni atasha sa sarili dahil hindi kasi nito inaasahan na makikita niya ang binata sa maynila dahil sa tagaytay naman ito nakatira, mabilis na umiwas ng tingin ang dalaga dito, ngunit nakita na nga siya nito at papalapit na sa kanila.

" Hi, asha." Napatitig ang mga ito kay atasha sa pagbati sa kaniya ng lalake.

" H- hi, brent kumusta ka? Tugon ng dalaga dito ng makalapit sa kanila ang binata at bumeso sa kaniya kya lalo pang nagtaka ang mga kaibigan nito.

" Okay lang naman asha hmm may meeting ako ngayon dito sa kliyente ko ehh. " Sinensyahan si asha ng mga kaibigan nito na ipakilala sila dito.

" Ahh okay, uhm mga kaibigan ko nga pala brent si maya, jamie, codie at si heart bestfriend ko."

" Hi, kumusta kayo? Uhm I'm Atty, brent manalo nga pala. " Pagbati nito at iniabot pa ang kamay sa mga kaibigan ng dalaga, makikita rin sa tayo nito ang malakas na kompiyansa sa sarili ngunit hindi mayabang.

" Hi, nice to meet you attorney." Tugon nila maya at jamie sa binatang abugado at tinanggap ang kamay nito.

" Nice to meet you Atty, brent manalo nice suit." Tinitigan ito ni heart mula ulo at hanggang paa bago ito nakipag-kamay dito sabay tingin sa matalik na kaibigan, nilakihan lang siya nito ng mata.

" Salamat heart."

" Oy! Ayos lang naman brent. " Maiksing tugon ni codie dito at tinanguan nalang ito pagkatapos sinipat sipat ang abugado.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon