CHAPTER 56 [ PG ]

18.4K 335 132
                                    

3 days later.
Manila Airport.

Itinapat ng magkasintahang makhi at asha ang kanilang bakasyon sa weekends upang mas mahaba ito at masulit nila ang araw at sa la union naman ang napiling nilang destinasyon sa dahilang hindi ito masyadong malayo sa metro manila lalo na at quick vacation lang naman ito. Nagdesisyon din ang dalawa na mag-eroplano nalang upang hindi masyado hassle sa biyahe at dahil ayaw ni asha na mag-drive ang kasintahan ng malayo dahil sa hanggang ngayon ay mayroong trauma pa rin siya sa nangyari sa aksidente rito. Ala sais nang umaga ang napiling flight ng magkasintahan para maaga silang makarating sa destinasyon nila at makapag-enjoy pa sila ng mas mahabang oras dahil tatlong araw lang ang bakasyon nilang ito.

" Love, may hinihintay pa ba tayong dumating? Lumapit si asha kay makhi at yumakap naman ito sa kaniya.

" Yes baby, pero parating na yun. "

" Hmm okay, pero akala ko ba love eh, tayo lang dalawa?" Takang tanong pa ni asha rito dahil ang pagkakaalam niya ay ito ang gusto ng kasintahan ang ma-solo siya.

" Yun nga po ang gusto ko sana baby, kaya lang mapilit eh, kaya pumayag na ako. "

" Bakit, sino ba kasama natin, love?"

" Uhm—

" Ey! makhi boi?! Malakas na tawag nito sa hindi kalayuan, nilingon naman ito ng magkasintahan.

" Oh ayan na pala sila baby eh. " Nanlaki naman ang singkit na mata ni asha sa nakita na kasama nito at napataas yung kilay, hindi naman nagulat si makhi dahil nasabi na ito sa kaniya ni billie.

" Sisi?! Hindi agad nakapagsalita si heart dito, at bumeso nalang sa kaniya.

" Late na ba kami bro? Ngiting usap nito habang hawak ang kamay ni heart.

" Hindi naman billie, sakto lang dating niyo."

" Hmm mabuti naman akala namin late na kami bro ehh, hi asha good morning." Pagbaling pa ni billie sa nobya ng matalik na kaibigan.

" Hi! Good morning. " Hindi mawala, yung tingin ni asha, sa matalik na kaibigan at nagtataka nga ito kung bakit magkasama ngayon sila ni billie.

" Kumusta heart, hindi ka ba nahirapang gisingin 'tong si billie, hmm? Dahil sa kilala nga ni makhi yung matalik na kaibigan na kailangan pa ito, na gisingin kapag may mga lakad silang importante napakamot ulo nalang dito si billie.

" Hin- hindi naman makhi, nauna pa nga, siyang nagising sa akin eh." Lalong napataas yung kilay ni asha dito.

" Ah excited lang siguro, 'tong kaibigan ko, heart kasi kasama ka eh." Napangiti lang dito, si heart, pati na si billie.

" Hmmm ano ready na ba kayo, tara naba? Para maka-upo na tayo sa eroplano. " Paga-aya pa ni makhi at kinuha yung dalang maleta ng nobya.

" Ah oo sige makhi, mabuti pa nga babe akin na yung maleta mo. " Tugon ni billie at kinuha yung maleta ni heart.

" Babe?! Mahinang usap ni atasha, sa matalik na kaibigan at tumabi dito.

" AA mamaya na ako mage-explain sayo okay?

" Aba dapat lang sisi, mag-explain ka sa'kin okay hmm."

" Oo na."

Sumunod naman na si atasha sa kasintahan nito at umangkla sa braso, habang si heart naman ay lumapit kay billie at sumabay sa paglalakad nito, nakita niya pa nang umangkla, rin yung kaibigan sa braso ni billie.

——

Sa loob ng airplane ay nasa unahan lamang nila naka-puwesto sila billie at heart kaya't pabulong lang kung mag-usap ang mag-kasintahang nasa likod ng mga ito.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon