CHAPTER 38

8.6K 332 73
                                    

Fast forward.

Pauwi na sana sa kaniyang condo si makhi galing sa trabaho nang maisipang puntahan ang kaibigang si asha sa flower shop nit. Medyo late na nga ang punta niya. Dahil alas syete na ng gabi at baka pauwi na rin ngayon ang pakay niya ngunit nagdesisyon pa rin itong tumuloy. Hindi kasi ito nakadaan noong umaga sa kaibigan dahil sa kaniyang trabaho sa site. Ilang buwan na rin mayroong nobyo ang kaibigan subalit hindi pa rin ito nasasanay rito at nasasaktan pa rin sa tuwing makikita ang dalawa na magkasama. Dala-dala ang biniling dalawang box ng pizza ay bumaba ito ng sasakyan at dumeretso ng pasok sa loob ng flower shop.

" Magandang gabi boss makhi. " Bungad na bati kaagad ni lili sa kaniya, pagkapasok niya sa shop na parang may gustong sabihin. Ganito talaga si lili sa kaniya,. Sa tuwing pumupunta siya sa shop ng kaibigan, na sanay na nga lang siya dito kaya naiiling at nagkikibit balikat nalang.

" Hi, lili magandang gabi rin sayo ahmm si mam asha mo nandyan paba siya?

" Ay oo boss makhi nasa loob ng office niya wait mo lang muna kasi nagbibihis pa yata."

" Nagbibihis lili? Takang tanong ni makhi dito.

" Oo boss makhi ehh. " Nagtataka man si makhi kung bakit kailangan pa magbihis ng dalaga ehh pauwi na rin naman ito,. ngunit nag-kibit balikat nalang.

" Ahh okay sige, ahm may pizza pala akong dala lili oh kung gusto niyo nang kumain ni kuya noel tawagin mo nalang siya."

" Sige boss makhi tamang tama nga nagugutom na rin ako kanina pa e hays. " Tinanguan nalang ito ni makhi at na-upo na muna sa table ni asha sa labas ng kuwarto nito.

Ilang minuto pa yung lumipas habang nakatuon ang mga mata ni makhi sa phone niya lumabas naman na ang dalaga mula sa opisina nito kaya napalingon dito si makhi, ngunit natigilan at tila natulala siya ng makita si asha dahil sa angking kagandahan ng dalaga, suot nito ngayon ay red dress na bumagay sa hubog ng katawan nito.

" Oh makhi nandito ka pala? Tila naman walang narinig dito ang isa.

" M- makhi jayden lee hello, makhi hmm?! Usap muli ni atasha dito at bahagya na yumuko pa ito at hinarap ang mukha niya sa kaibigan, dito lang nakabalik sa ulirat si makhi.

" A- asha. " Nagtama naman ang mga mata nila ni atasha nang makabalik siya sa ulirat, nginitian naman siya nito ng napakatamis at lumabas dito ang dalawang dimple ng dalaga sa baba ng labi nito na halos ikatunaw ni makhi.

" Shit!! Anong ginagawa mo sakin Atasha Queen Arevallo!

" O- okay kalang ba makhi ha?? Nagtataka kasi itong si asha sa inaasta ng kaibigan.

" Oo naman a- asha, ahmm ang ganda mo, lalo kang gumanda sa suot mo na yan. " Tila namula naman ang mga pisngi ng dalaga dahil hindi pa rin siya sanay na kinucompliment ni makhi hindi naman kasi ganito ito noon.

" S- salamat makhi, ahm bakit napadaan ka yata may kailangan kaba? Iwas ni atasha at iniba ang usapan.

" Ah pauwi na talaga ako kaso naalala kita kaya dumaan na muna ako dito ahm bumili nga pala ako ng pizza para sa inyo. " Parang nakalimutan naman ng dalawa na mayroon silang kasama sa loob na nakatitig lang sa kanila.

" Opo mam atasha at sobrang sarap nga nitong pizza eh kain rin po kayo oh. " Sabat ni lili, hindi na rin na pansin ng dalawa na kumakain na sila lili at noel sa loob, napabaling naman si asha sa kinakain nilang pizza.

" Salamat makhi ahmm nag-abala kapa, sayang gusto ko sanang kumain kaya lang aalis pa kasi ako."

" Aalis saan ang punta mo?

" Oo makhi susunduin kasi ako ni brent, ngayon eh may dinner kami sa labas."

" Ahh kaya naman pala bihis na bihis ka eh. Sige enjoy nalang asha sa dinner niyo ni brent, alis na rin ako, sumaglit lang talaga ako dito ngayon."

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon