CHAPTER 31 [ PG ]

20.7K 336 58
                                    

Fast forward.

" Makhi bro." Bati ni garry dito pagdating nila sa gym kasama si codie, napalingon naman sandali ito sa kanila.

" Kumusta na makhi hah? Pagtapik pa sa balikat ni codie sa isa at tinunguan naman siya ni makhi bilang tugon habang abala ito sa pagwi weights.

" Uhm kumusta pala kayo ni billie nagkausap na ba kayong dalawa makhi? Napatigil si makhi sa ginagawa nito sa tanong ni codie, alam na rin kasi nila codie at garry ang nangyaring away ng dalawa.

" Hindi pa codie kaya nga nag gym ako dito ngayon para sana maka-usap ko siya e ang kaso sabi dalawang linggo na daw hindi pumupunta dito sa gym niya ehh." Simula noong nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan yung dalawa nagiba ng gym si makhi para umiwas sa kaibigan.

" Oo nga e palagi kaming nandito ni codie pero ni hindi namin siya nakikita dito ano na kayang nangyari dun ano? Balita ko kasi binasted siya ni asha ehh. " Napalingon si makhi sa kaibigang si garry dahil sa balita nito.

" Paano mo naman nalaman hah garry? Marites kana ba ngayon?

" Hindi ko naman malalaman yung mga yan kung hindi dahil sa asawa ko eh na kuwento niya lang sakin. " Tahimik lang nakikinig si codie habang nagsusuot ng sapatos nito.

" Sana nga okay lang talaga si billie, garry." Meron man hindi pagkakaintindihan ang dalawa ay nagaalala pa rin si makhi sa bestfriend niyang si billie ngayon lang kasi talaga ito na in love at nag effort para sa isang babae.

" Okay lang yung si billie boy sigurado ako dun baka nagpapalamig lang para namang hindi niyo kilala yun. Black belter kaya yun matibay ang loob noon."

" Sabagay, tama ka rin codie si billie boy pa. Eh sa ating lahat siya matino ang pag-iisip madalas. At hindi basta basta nawawala sa focus! Hindi tulad ng isa diyan. " Habang nakatingin si garry kay makhi.

" Ako na naman ang nakita mo ngayon garry. " Binato ito ni makhi ng towel, tinawanan lang ito ng isa.

" Oh bakit hindi ba makhi ha? Tama naman si garry eh, ilang buwan kana kayang wala sa focus kasi dahil kay-

" Isa kapa codie, sasali pa eh! Binato naman ito ni makhi ng tumbler, lalo natawa ang dalawa sa kaniya.

" Diba? Kahit si codie napapansin niya bro yung pagkawala mo sa focus, ako pa kaya na kasama mo sa trabaho? Tinitigan lang ito ni makhi.

" Bakit ba naman kasi hindi kapa umamin makhi? Umakbay pa si codie sa balikat ni makhi.

" Huh? Ano naman ang aaminin ko at kanino naman codie?" Pag-iwas ni makhi sa dalawa at muling itinuloy ang routine niya kanina.

" Hay naku! Tayo-tayo na nga lang ang nandito makhi maglolokohan pa ba tayo ha? Kilala mo kung sino ang tinutukoy namin dito." Ngunit na tahimik lang si makhi dito

" Ikaw rin makhi baka maunahan kana talaga ng iba niyan, nasa huli naman ang pagsisisi palagi." Muli na tinapik ni codie ang balikat ng kaibigan bago mag-umpisa ito sa routine niya, muli lang na tahimik si makhi dito.

Sa kalagitna ng workout nila napatigil ang tatlo ng may lumapit sa mga ito.

" Hi, babe." Napailing nalang si makhi ng batiin siya nito.

" Anong ginagawa mo dito jaz? Tumigil si makhi sa ginagawa niya at nagtungo sa may treadmill area, sinundan naman ito ng isa.

" Ang aga-aga ang init-init na agad ng ulo mo babe." Nakatingin lang sa dalawa sila codie at garry sa di kalayuan.

" Kailan mo ba talaga ako titigilan ha jaz? Tapos na tayo diba? Pagharap nito sa dating nobya.

" Hmm never makhi! Never! Hanggat hindi ka pa rin bumabalik sakin." Taas kilay na usap ni jaz sa dating kasintahan.

JUST FRIENDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon