LAST CHAPTER II

1.1K 48 11
                                    

"Kyle" napaigtad ako nang maramdaman ang biglang pananakit ng balakang ko.

Alam kong wala pang tulog si Kyle dahil simula nang mamatay ang mother ni Viviane panay ang overnight nila. Halos sila na raw ang gumastos, mula sa bayad ng hospital, preparation ng burol, libingan at sa biglaang paglitaw ng mga utang nila. Malaking pera din ang itinulong ni Kyle dahil sa awa. Walang wala na sina Viviane para ipambayad. Malaki ang danyos na naibayad nya sa pagkuha ng abugado.

Sunod-sunod ang mga operasyon ni Kyle. Parang parusa sa kanya ang buwan na ito.

"babe" pilit ko syang ginigising.

Antok syang uminat at nilingon ako.

"masakit na ang tiyan ko" napapikit ako dahil parang may kasuntukan ang anak ko sa loob ng tiyan ko.

Napakunot ang noo nya at pinaandar ang ilaw sa tabi ng kama. Halos hindi na ako makabangon. "ang sakit" napakapit ako sa suot nyang damit.

Tumango sya at tumayo. Pina higa nya ako ng maayos at sinilip ang gitna ko, nakailang besis nang gawin ni Kyle to. Ang sabi nya kapag umabot na ng 3cm na.

Antok syang nag suot ng gloves at pinailaw ang kwarto.

Napangitii sya pagkaahon nya.

"ano na babe, masakit na ang balakang ko" naiiyak kong sabi.

Tumango sya at pinatayo ako. Pinaupo nya ako at sya ang naghanda ng lahat.

"manganganak na ba ako?" nakanguso kong sabi.

Tumango sya. "kaya mo pa bang pumunta ng banyo para maghilamos?"

Napakunot ang noo ko. "oo naman, ano ba" inis kong sabi. Tumayo ako at dahan-dahan pumasok sa banyo. Hinubad ko lahat at nagshower ako. Ang sabi ni Claire ilang araw syang hindi naligo at nandiri talaga sya.

Maliligo ako ahead para kahit limang araw akong walang ligo at least kakayanin ko pa.

"Kyle tatawagan ko na ba ang hospital para mapapunta na si Doc Azcura sa hospital?" boses ni Tita Sam.

"opo tita, salamat po" magalang na sabi ni Kyle habang nilalabas ang mga maleta na inihanda namin ahead of time.

Lumabas akong nakaroba. Parang mapuputol ang balakang ko sa sobrang sakit. Natatae ako at naiihi.

Lumapit si Kyle at tinulungan akong magpatuyo ng buhok ko.

"yung damit ko" nakanguso kong sabi.

Tumango sya at relax na kinuha ang isusuot kong maternity dress  na di zipper ang harapan. Si Kyle ang naghanda pati ng isusuot ko.

Tinulungan nya akong magbihis mula sa underwear at damit.

Inayos ko ang pagkakatali ng buhok ko para hindi ako mahirapan mamaya. Cesarean ako pero mabuti nang handa.

Kumatok si Dad at naabutan nya akong nakatayo at nakasandal sa pader. Habang si Kyle nagbibihis pa.

Lumapit sya at hinagkan ako sa mukha para halikan sa noo. "stay strong" anij nya.

Ngumuso ako at sunod-sunod tumulo ang mga luha ko. "Dad, ang sakit na"

Napangiti sya.

Lumabas si Kyle mula sa loob at tinitigan ako. Ayaw ni Kyle ang maging dependent ako masyado kay Dad.

Ngumuso ako lalo. "Dad" hawak ko ang balakang ko at mas inis na sumandal.

Napangiti si Dad at kinuha ang baby bag na nasa kama.

Kompleto kaming pupunta ng hospital.  Imagine, lahat kami.

Nasa van ako nakaupo at katabi si Kyle. Sa likuran ko naman si Justine na  hindi matanggal ang ngiti sa sobrang excited.

HALF OF MY FATETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon