"I've looked around enough to know that you're the one I want to go through time with."
-Jim Croce
================
7 - Her Greatest Enemy
Bettina:
"Carlo!" tawag ko sa lalaki nang makita ko itong papasok sa hallway.
Huminto siya ngunit hindi naman nag-abalang lingunin ako. Agad ko din naman itong nilapitan at naglabas ng matipid na ngiti at tiningnan ito.
"Kumusta ka na?" tanong ko pa dito na ang tinutukoy ay ang nangyari kahapon.
Nilingon niya lang ako saglit tapos nag-umpisa na ring maglakad. Napabuntong-hininga ako ng sikreto sa inakto nito bago siya sinundan.
"Bakit? Mukha ba akong hindi okay?" malamig na tanong niya sa akin na hindi pa rin ako nililingon.
Tiningnan ko ito saglit at napangiti. "Sabi ko nga okay ka." Saad ko pa saka natahimik saglit.
Bakit ganito? Bakit wala akong maisip na sabihin sa kanya? Nasan na ang pagiging madaldal ko? Di ba dapat ginagamit ko iyon sa mga oras na 'to? Dahil magkasama kami. Magkasama kaming naglalakad... Gets niyo iyon?
Iyong magkasama na kayo pero feeling mo naubusan ka na ng sasabihin. Kasi nako-conscious ka kung ano ang sasabihin mo.
Napatikhim ako at sikretong nilingon ito.
"May itatanong ka ba?" napaiwas agad ako ng tingin nang magsalita ito. Ngunit nakatuon pa rin ang atensyon niya sa nilalakaran.
"Ah... hehe... Hindi ko kasi alam kung tama bang tanungin ko kung anong—-"
"May hindi lang kami pagkakaunawaan ng mga magulang ko kaya hindi ko pa sila kayang kausapin." Putol naman niya agad sa dapat sanay sasabihin ko pa. Hindi pa rin nawawala sa tono ng boses nito ang coldness.
Parang wala nga atang ka-emo- emosyon ang lalaking 'to eh.
Napatangu-tango ako. "Ah. Eh iyong—-"
"Napansin kong may ibang nakamasid sa atin kaya sa halip na dalhin kita sa dapat sanay pupuntahan natin ay pinauwi na lang kita." Ani niyang wala man lang katono-tono ang boses na iyon.
Kunot-noong napalingon ako dito. Huminto siya't nilingon ako.
"Ayoko sa lahat ay ang may nakikialam sa mga ginagawa ko." wika niyang tuwid lang na nakatingin sa akin.
Bigla naman akong nakaramdam ng pagkatakot sa tinuran niya.
"Kaya binabawi ko na iyong sinabi ko sayo. Ang totoo wala talaga akong kainte-interes sayo pero dahil alam kong matagal kanang may gusto sa akin ay gusto sana kitang bigyan ng pagkakataon. Pero sa tingin ko nagkamali ako sa desisyong iyon..."
Nakaramdam ako ng biglaang pangingilid ng luha sa mga mata ko at ang pakiramdam ko'y naging abnormal na ang pagtibok ng puso ko sa mga naririnig ko mula sa kanya.
"Dahil kailan man ang mga katulad mong babae ay hindi ko magugustuhan." Dagdag pa na wika nito.
Natahimik ako. Sa isang saglit ay hindi ko na namalayang tumulo na pala ang isang luha sa kanang parte ng pisngi ko.
Akala ko kaya kong tanggapin ang mga bagay na iyon? Pero bakit parang ang sakit-sakit atang marinig ang mga katagang iyon.
Agad ko din namang pinahid ang luhang iyon at nakangiting tiningnan na ito. Nakatingin na siya ng tuwid sa harapan niya.
"Naiintindihan kita, Carlo." Wika ko pang tumawa ng pagak. "Di ba nga sabi ko sayo ay okay lang na maging parte ako ng CME Rejected List." Tumingin siya sa akin at iniiwas ko naman ang tingin dito. "Isang karangalan iyon para sa akin na binigyan mo ako ng pagkakataong makapagtapat sayo." Saad ko pa na naglabas ng pilit na ngiti at tiningnan na rin ito sa mga mata. "Pero pwede bang manghingi ng favor sayo?" nag-aalangang tanong ko pa sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Dream Boyfriend
Teen Fiction[Mr. Rich Meets Ms. Nobody SEQUEL]-can be Read Alone Dream Boyfriend ni Bettina si Carlo. Highschool pa lang siya ay ito na ang palaging laman ng panaginip niya. Kaya naman minsan ay hindi na niya matukoy ang totoo sa ilusyon, hanggang isang araw ay...