15 - The Real Deal

1.1K 66 9
                                    


Stiles:

"Papa, napadalaw ka?" salubong ko naman dito at nagmano.

Binigyan ko naman siya ng daan para pumasok.

"Okay ka na ba?" tanong pa niya sa akin nang makaupo.

Tumango naman ako at umupo na din sa kabilang sofa.

"Si Bettina, kumusta naman? Wala bang umaali-aligid sa kanya?"

"Sa ngayon po, wala naman. Bakit? May problema po ba?"

Tumikhim siya. At nakita ko sa mukha nito ang pag-aalala.

"Bantayan mo siya ng maigi, Stiles. Nanganganib ang buhay niya."

Napakunot-noo naman ako.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?"

Iniiwas niya ang paningin at ibinigay sa akin ang isang envelope. Binuksan ko naman iyon.

"Ano po ito?" tanong ko pa dito na hindi pa rin nawawala ang pagtataka.

"Intelligence Report iyan ng isang Drug Lord. Matagal na kasi naming iniimbestigahan ang taong iyan dahil may natanggap kaming report tungkol sa pag-susupply nito ng mga ipinagbabawal na gamot."

Lumaki naman ang mga mata ko nang mabasa iyong nakasulat na pangalan dun. "Facundo Estrada?"

"Tama ka. Siya ang ama ni Carlo. Ang totoo may alam si Bettina tungkol sa isa sa mga transakyon ng lalaki sa droga nang magpunta siya isang araw sa bahay ng lalaki. Hindi pa namamatay ang kapatid nito isang taon na ang nakakaraan." Pag-uumpisa pa nito na ikinagulat ko.

"May alam si Bettina?"

Tumango ulit ito. "Pero hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin nun. Hindi rin namin siya pinagsabihan ng tungkol doon dahil posibleng manganib ang buhay niya."

"Paano niyo po nalaman ang tungkol doon?"

"May pinadala kaming tauhan para manmanan si Facundo... Kaarawan iyon ni Carlo kaya naman ay nagpunta siya doon para ihatid ang regalo niya dito. Madaling araw pa at wala pang masyadong tao. Subdivision iyon at may seguridad din kaya walang mag-aakalang may gumagawa ng mga masasamang gawain sa lugar nila... Papasok na siya sa kanto papunta sa bahay ng lalaki nang makita naman niya ang dalawang kotse na nakaparada sa harapan ng bahay ng lalaki."

"Wala po ba siyang kasama?"

"Hindi nagpapahatid dati si Bettina. Saka lamang inimpose iyung paghahatid sundo nito dahil sa araw na iyon."

"Kung ganun bakit hindi niyo po ine-report sa mga pulis ang tungkol dun?"

"Wala pa kaming sapat na ebidensya. At kung sakali mang inireport namin iyon maaaring manganib ang buhay ni Bettina noon..." Lumingon siya sa akin. "Makinig ka ng maigi sa lahat ng sasabihin ko Stiles. Ikaw lang ang tanging makakaprotekta sa kanya. " Matamang wika pa niya sa akin bago nagpatuloy. "Mga armado iyon at makakapal ang suot na mga jacket. May suot na mga shades kaya hindi rin makita ang mga hitsura ng mga ito. Doon pasikreto silang nagpapalitan ng pera at droga. Walang alam si Bettina tungkol doon pero dahil na rin ayaw niyang makadisturbo ay tumago muna siya sa pader na hinintuan niya. Hindi rin namin sigurado kung nakita ba siya ng ama ni Carlo dahil lumingon si Facundo nang mga araw na iyon sa banda dun. "

"Hindi niya nakita si Bettina." Deklarasyon ko pa ngunit nagsalita itong muli.

"Pinalabas muna ni Bettina ang sasakyan bago siya tuluyang pumunta sa bahay ng lalaki para ilagay sa harap ng gate nila ang regalo niya para kay Carlo. Ang hindi niya alam ay inaabangan pala siya ni Facundo."

My Dream BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon