Stiles:
Nagulat ako nang marinig ang pangalan kong tinawag niya at sa hindi inaasaha'y yumakap ito sa akin. Sa unang pagkakataon ay ngayon ko pa lang narinig na tinawag niya ako sa una kong pangalan. Ramdam na ramdam ko ang takot nito dahil na rin sa mabilis na pagkabog ng dibdib niya.
Nakita ko kung paano niya ipinagsapalaran ang sarili sa illegal na karerang iyon at kung paano siya nasaktan dahil sa ginawang iyon sa kanya ni Carlo.
Pero dahil na rin sa hindi ko naman obligasyong pakialaman ang lovelife niya ay mas pinili ko na lamang na pagmasdan sila sa isang sulok. Tutal, nakakasiguro naman akong hindi gagawa si Carlo nang bagay na ikakapahamak ng dalaga.
Natahimik ako at tinapik-tapik ito sa balikat niya habang umiiyak pa rin siya.
"Buti na lang dumating ka dahil hindi ko alam kung papano makakabalik sa amin." Wika pa niya sa gitna ng kanyang paghihikbi.
Napatawa ako ng sikreto sa parang batang pag-iisip nito. "Bata ka pa nga talaga, Bettina. Hindi mo pa talaga kayang dalhin ang sarili mo." Nakangiting wika ko na lamang dito.
Naramdaman ko naman ang paghinto niya sa pag-iyak.
"May panyo ka ba?" tanong niyang nakayuko lamang habang nakadikit pa rin ang ulo nito sa balikat ko.
Agad ko din namang ibinigay ang panyo dito at narinig ko pa ang malakas na pagpisnga niya sa ilong nang mailayo niya ang mukha sa balikat ko.
"Labhan mo iyan ha?" Saad ko pa habang nakapamulsa.
Sa pagkakataong ito ay tiningnan na niya ako. Pinapahid pa rin niya ang luha sa mga mata. "Bakit nandito ka?" mahinang tanong pa niya sa akin. Hindi na ito kagaya dati na palaging naka-singhal kung magsalita. "Sinundan mo ba ako?"
"May pinuntahan lang ako sa kabilang bayan at nakita naman kitang parang batang nakaupo diyan kaya hinintuan na kita." Pagsisinungaling ko pa.
Tiningnan naman niya akong hindi naniniwala sa sinabi ko. "Sigurado ka?" wika pa niyang kalma pa rin ang boses nito. "Kapag nalaman ko talagang sinusundan mo ako, makakatikim ka talaga sa akin." dagdag pa nito ngunit neutral lang naman ang boses.
"Oo, na. Sige na. Tara na at nang mairelax mo naman ang sarili mo." Saad ko pang hinawakan ito sa magkabilang balikat mula sa likuran at itinulak na ito pasakay sa kotse.
Hindi rin naman siya pumalag at sumakay na lang din doon.
Umikot na din naman ako papunta sa drivers seat matapos kong maisara ang pinto sa kabila.
"Gusto mo bang kumain?" tanong ko pa dito habang kinakabit ang seatbelt sa katawan ko.
Tumango siya.
"Ano'ng gusto mong kainin?" tanong ko pa dito habang minamaniobra na ang sasakyan.
"Kahit ano."
"Walang pagkain na kahit ano, Bettina." Saad ko pa dito.
"Basta ihinto mo na lang kung may makita kang mga fastfood o restaurant." Saad naman niya na ikinalingon ko dito.
Nakatingin na ito sa labas ng sasakyan. Ibinaling ko na lang din ang pansin sa dinadaanan at hinayaan na muna itong makapag-isip-isip.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako nandito?" narinig ko pang tanong niya sa akin maya-maya. Nagtataka siguro kung bakit wala man lang akong sinasabi.
"Bakit pa? Sigurado naman akong si Carlo iyon." Sagot ko na lamang dito. "At saka hindi ako interesado sa buhay mo baka nakakalimutan mo." Dagdag ko pa dito.
BINABASA MO ANG
My Dream Boyfriend
Teen Fiction[Mr. Rich Meets Ms. Nobody SEQUEL]-can be Read Alone Dream Boyfriend ni Bettina si Carlo. Highschool pa lang siya ay ito na ang palaging laman ng panaginip niya. Kaya naman minsan ay hindi na niya matukoy ang totoo sa ilusyon, hanggang isang araw ay...