12 – Good or Bad News
Bettina:
"Uie, Best friend! Mukhang hindi ka ata nakaget-over kahapon ah." Nakangiting pukaw sa akin ni Jeramae nang lapitan niya ako sa bench na kinauupuan ko ngayon habang nakatanaw sa practice nila Carlo.
Nginitian ko naman itong kinikilig habang naaalala ang mga nangyari kahapon.
"Kwentuhan mo naman ako." excited naman na wika ni Jeramae sa akin na ikinataka ko.
"Wow ha! Dati wala kang kainte-interes sa mga kwento ko ngayon atat na atat ka na ha?"
Inirapan lang niya ako tapos ngumiti. "Anong wala, palagi nga akong nakikinig sayo eh."
"Sus! Palagi daw."
"Iba kasi ngayon. Kasi ngayon totoo na. Noong una ilusyon lang." saad pa niyang siniko pa ako.
"Hmmm... sige na nga.." suko ko na lang din saka nagkwento na dito.
"Alam mo ba kung anong nangyari nang araw na iyon? Ay naku natuklasan kong nakatago pala lahat ng ibinibigay ko sa kanya. Hindi pala niya iyon tinatapon."
"As in? Sure iyon?"
Tumangu-tango ako.
"Oo, tapos sabay naming isinelebrate ang birthday niya. Nilaro ko pa nga siya eh... Nilagyan ko ng icing ang ilong niya...at hindi siya nagreklamo." Kinikilig pa rin na kwento ko dito at ganun din naman siya.
"Talaga?" Napatakip pa sa bibig na bulalas niya dahil sa kilig.
"Tapos iyon nga nagkuwentuhan na kami at alam mo ba? Pakiramdam ko natupad na lahat ng mga pangarap ko. Ang saya-saya ko best." saad ko pa at pareho kaming napapatawa.
Bigla namang nag-ring ang phone ko kaya kinuha ko iyon at nakatawa pa ring sinagot ko ito.
"Yes, hello?" masiglang sagot ko mula sa kabilang linya.
"Is this Bettina?" natahimik naman ako at napatingin sa caller ID.
Hindi rehistrado iyon kaya nagtakang ibinalik ko ulit iyong phone sa tenga ko.
"Yes, bakit po?" magalang ko namang sagot dito.
"This is Samantha, do you still remember me?" narinig kong sagot pa nito na ikinalaki naman ng mga mata ko.
"Miss Samantha? Napatawag ka po?" excited ko din naman agad na tanong dito.
"Pwede bang manghingi ng favor?"
"Sure, ano ba iyon?"
"Pwede ka bang pumunta sandali dito? E-tetext ko iyong address. Importante lang kasi."
"Ah, sige - sige po..." sagot ko din naman agad bago ibinaba na iyong phone.
Ilang sandali pa ay naka-received din naman agad ako ng text mula dito kaya nagmamadaling napatayo ako't kinuha ang mga gamit ko.
"Betti, saan ka pupunta?" nagtataka namang tanong ni Jeramae sa akin.
"Sorry, best pero may pupuntahan lang ako saglit." Nagmamadaling sagot ko pa dito bago tinakbo na ang daan papunta sa parking lot.
Ilang sandali pa ay nakarating na din ako dun at sinabi ko naman agad kay Manong ang address at minaneho na niya iyon.
Stiles:
"Umalis ka na Samantha hindi kita kailangan" wika ko sa babae nang makita ko pa rin itong nakatayo mula sa paanan ng kama ko.
"I'll leave kapag dumating na siya." Sagot naman niya sa akin pero dahil sa masakit ang ulo ko ay hindi na ako nagkainteres na tanungin pa ito kung sino.
BINABASA MO ANG
My Dream Boyfriend
Teen Fiction[Mr. Rich Meets Ms. Nobody SEQUEL]-can be Read Alone Dream Boyfriend ni Bettina si Carlo. Highschool pa lang siya ay ito na ang palaging laman ng panaginip niya. Kaya naman minsan ay hindi na niya matukoy ang totoo sa ilusyon, hanggang isang araw ay...