"So don't be a liar, don't say that 'everything's working' when everything's broken."
-Dashboard Confessional, "saints and sailors"
==========
8 –Limitations
Bettina
"O, napano ka naman, Bettina? Bakit parang kahapon ka pa ata busangos." Pansin ni Jeramae sa akin nang makita niya akong hindi pa nagagalaw ang pagkain ko.
Paano ba naman kasi, hanggang ngayon ay malakas pa rin sa pandinig ko ang mga sinabi ni Carlo kahapon. Kung hindi nga lang kay Stavinski kahapon malamang nagmukmok na ako kahapon pa. Pero dahil nga medyo na-distract ako sa pag-papanggap - panggapan niya ay muntik ng mawala sa isipan kong ni-reject na pala ako ng ultimate crush ko.
Tiningnan ko ito saka nagtanong. "Jeramae, sa tingin mo ba kailangan ko ng itigil ang kabaliwan ko kay Carlo?" nag-dadalawang isip ko pa na tanong dito.
Napaawang ang labi niya't napatingin sa aking muli. Binabasa sa mukha ko kung seryoso nga ba ako.
"Si Bettina ka ba?" hindi makapaniwalang tanong pa niya sa akin. "Hindi ba ako nagkamali ng pandinig?" saad pa niyang isinundot ang pinky finger niya sa kanyang tenga.
"Sa tingin ko kasi wala na talaga akong pag-asa dun." Wika ko pa na hindi na lang pinansin ang ginawa niya.
Bumuntong-hininga siya't pinagmasdan ako.
"Anong nangyari? Inayawan ka na ba niya?" malumanay naman na tanong nito sa akin.
Tinanguan ko lang ito bilang pagsang-ayon sa sinabi niya. "Tama ka nga siguro sa sinabi mo sa akin noon."
"Di ba nga kasi kung interesado din siya sayo dapat noong una pa pinansin ka na niya. Ayaw mo kasing maniwala sa akin eh." saad pa niya bago binalingan ulit ang pagkain.
Napaisip ako. Hindi maaaring mawalan ako ng pag-asa. Kailangan pa rin akong makagawa ng paraan na mapaibig siya sa akin within three months.
Kahit binawi na niya iyon, ipagpapatuloy ko pa rin iyon. Tama, three months lang. Siguro sapat na iyon para mapaibig siya. Hindi pwedeng ibalewala ko na lang lahat ng effort ko sa kanya no? Kahit null and void na iyong usapan namin basta ipagpapatuloy ko pa rin iyon.
Tutal nanghingi naman ako ng permiso dito eh. Hindi naman siya umayaw kaya gagawin ko pa rin ang dapat kong gawin.
Kung hindi ayaw niya talaga sa akin pagkatapos ng Tatlong buwan then I need to give up.
Kaya naman ay bigla akong pinangbuhayan ng loob at hinawakan ang tray ng pagkain ko.
"Jeramae, sa tingin ko mali ka. Dahil si Bettina hindi sumusuko. Kaya gagawin ko ang lahat makuha lang ang loob nito. Naiintindihan mo ba ako? Kaya diyan ka lang at manood ka sa gagawin ko." Naningkit ang mga matang tugon ko pa sa kanya bago tumayo.
"Hoy! Bettina, saan ka pupunta? Anong gagawin mo ha?" nagtataka pang tanong sa akin ng babae nang alsahin ko ang tray ng inorder ko at naglakad palapit sa table ni Carlo at ng mga kaibigan niya.
"Hi! Carlo. Pwede bang maki-share ng table?" napaawang ang labi ng lalaki nang makita niya akong lumapit sa kanya at nginitian ito.
Nilingon ko rin naman ang iba niyang kasamahan na kagaya niya ay lumaki rin ang mga mata nang makita ako.
Agad din naman akong umupo sa bakanteng silyang katabi ni Carlo.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong naman agad sa akin ng lalaki nang makabawi.
BINABASA MO ANG
My Dream Boyfriend
Teen Fiction[Mr. Rich Meets Ms. Nobody SEQUEL]-can be Read Alone Dream Boyfriend ni Bettina si Carlo. Highschool pa lang siya ay ito na ang palaging laman ng panaginip niya. Kaya naman minsan ay hindi na niya matukoy ang totoo sa ilusyon, hanggang isang araw ay...