Stiles:
"Miss Samantha, ni-rerespeto ko po kayo, pero kahit na ano pong sabihin niyong dahilan, isa lang po ang konklusyon ko... Hindi niyo po siya minahal dahil kung mahal niyo talaga siya ay hindi mo siya magagawang ipagpalit sa iba kahit gaano man kayo kalayo sa isa't – isa..."
Iyon ang nadatnan kong sinasabi ni Bettina nang naisipan kong bumaba para sana ibigay dito ang pares ng sandal na naiwan niya sa kalsada kahapon.
Alam kong hindi ko pa pwedeng ilabas ang sarili dahil bago pa lang humupa ang lagnat ko. Pero, naisip ko lang tutal, nandito na rin lang siya ay ibigay ko na lamang ang sapatos niya.
Napabalik ako ng sakay sa elevator nang makita ko na itong naglakad palabas ng building.
Nakita ko naman si Samantha'ng sunod-sunod na napabuntong-hininga bago na rin tumayo at nang makita niya ako'y nanlulumo ang mga mata nito.
Sinagot ko naman iyon sa pamamagitan ng walang expresyon na pagtitig din sa mga mata niya.
Siguro nga tama si Bettina, hindi nga siguro ako minahal ni Samantha.
Pero ako, minahal ko siya ng lubusan. Buong buhay ko siya lang ang babaeng hinahangad kong makasama habang buhay pero ngayon... mas alam ko na... mas natauhan na ako... na niloko niya lang ako. Na lahat ng ipinapakita niya sa akin noon ay puro kasinungalingan lamang.
Ibubuka na sana niya ang bibig nang bigla namang sumara ang pinto ng elevator.
Napasandal na lamang ako at napapikit dahil bigla na naman akong nakaramdam ng sakit sa dibdib ko. Sakit na para bang tinutusok iyon ng karayom. Gusto kong umiyak pero walang gustong lumabas sa mga mata ko. Gusto kong manuntok ngunit hindi ko man lang magawa iyon.
Ang totoo'y nagdurugo ang puso ko ngayon dahil sa sakit na nararamdaman ko para sa kanya. Pero wala na akong magagawa pa at parang ayaw ko na ring gumawa pa ng hakbang. Pasasaan ba't hindi rin naman kami magkakatuluyan kahit anong pilit ko pa sa sarili ko sa kanya.
Kaya mas makakabuting unti-unti ko na lang siyang kalimutan.
Agad ko din namang binuksan ang pinto ng condo nang makarating ako sa 7th floor. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig sa fridge. Nang maisara ko naman iyon at nang painom na ako ng tubig ay nakita ko naman ang kaserolang nakasalang sa kalan.
Nagtatakang nilapitan ko iyon at binuksan.
Amuse na napabuntong hininga ako nang makita ko ang laman nun at napatawa ng mahina. Lugaw iyon na sunog.
"Kung ganun nagluto nga talaga siya." Saad ko pa sa sarili at tinakpan na ulit iyon. Napapangiting bumalik na lang ako sa silid para matulog na lang ulit.
-----
Nagising ako nang biglang nakaramdam ng pangingiliti sa tenga ko. At ganun na lamang ang pagkagulat ko nang makita ang mukha ni Bettina na masamang nakatingin sa akin at katakot-takot ang mukha nito.
Napatawa pa ito ng malakas nang muntikan na akong mahulog dahil sa pagkaripas kong makalayo dito.
Binato ko naman ito agad ng unan na nailagan naman niya. "Ang aga-aga nanggugulat ka." Masungit na turan ko pa dito.
Natatawa pa ring tiningnan niya ako. "Kalaki-laki mong tao takot naman sa multo." Saad pa niya sa akin na ikinabuntong –hininga ko na lamang.
"Anong ginagawa mo dito? At papanong nakapasok ka dito ha?" masungit ko pa ring turan sa kanya.
Huminto naman ito sa pagtawa at pinanlakihan ako ng mga mata.
"Pinapunta ako dito ni mama dahil sinabi ko sa kanyang nilagnat ka. Alam ko ng anak ka nila Tita Jamaica dahil nakita ko iyong picture frame niyong tatlo ni Tito. Binigay din sa akin ni Samantha ang passcode dito." Saad niyang nakahalukipkip na. "Dinalhan kita ng pagkain kaya bumangon ka na dyan."
BINABASA MO ANG
My Dream Boyfriend
Teen Fiction[Mr. Rich Meets Ms. Nobody SEQUEL]-can be Read Alone Dream Boyfriend ni Bettina si Carlo. Highschool pa lang siya ay ito na ang palaging laman ng panaginip niya. Kaya naman minsan ay hindi na niya matukoy ang totoo sa ilusyon, hanggang isang araw ay...