20-GPS

1K 54 10
                                    


Bettina:

Saka lamang ako nakahinga ng maluwag nang makaalis na rin ako sa harap ng bahay namin. Makapunta na nga lang kila Jeramae kesa naman makasama ko ang mokong na iyon. Nakangiti pang bulong ko sa sarili habang inaayos na sa pagkakasuot ang sandal ko. Hindi ko kasi naitali ang strap nito dahil sa pagmamadali kong makatakas sa kanya.

Akala niya maiisahan niya ako. Matalino ata 'to. Patuloy na wika ko pa bago pinagpag ang kamay at nakahalukipkip na ibinaling ang paningin sa labas nang bigla namang huminto ang sinasakyan ko.

Nakaharang ang pulang sasakyan na halatang hinintuan talaga kami kaya bigla akong kinutuban.

"Manong, ano pong problema?" nagbabasakaling tanong ko pa sa kanya.

Hindi ko na narinig ang sagot nito nang bumaba naman si Stavinski na halatang galit.

"Lagot!" shock na bulalas ko pa.

"Kilala niyo po ba, ma'am?" tanong pa nito na ikinalabas naman agad ng ideya sa utak ko.

"Manong, huwag niyo pong pagbubuksan. Hindi ko po siya kilala at sigurado akong masamang tao po yan." Saad ko pang kunwari ay takot dito. Nakita kong gumilid na ang lalaki sa banda ko at pilit na binubuksan ang pinto ngunit nakalock iyon. "Manong, paandarin niyo na po, delikado po ako sa kanya." Natatarantang wika ko pa at agad din naman iyong pinatakbo ni Manong at iniiwas sa sasakyan niya.

Nilingon ko pa ito at nakita ko ang nagmamadaling paghabol sa sasakyan namin. Natatawa rin ako sa halatang hindi niya inaasahang gagawin ko.

Bumuntong-hininga pa ako kunwari para ipakitang nakahinga na ako ng maluwag.

"Buti naman at naiwasan natin siya, Manong." Saad ko pa.

"Hindi niyo ba talaga kilala iyon, ma'am?"

"Hindi talaga, Manong. Pero balita ko may umaali-aligid daw sa mga magaganda na kidnapper kaya malamang kikidnapin niya din siguro ako." saad ko pang nag-aksyon pang parang natatakot. "Hay! Kakatakot naman..."

"Sigurado ba kayo?"

"Hindi po ba kayo naniniwala?"

"Kasi sa tingin ko parang kilala niyo iyon."

"Eyyy.... Nagkakamali po kayo kasi di ko po talaga kilala iyon." Iwinagayway ko pa ang kamay sa ere.

Napapailing naman na hindi na lamang sumagot si Manong.

Sinabi ko na lamang ang address ng pupuntahan ko at ibinaling na rin ang tingin sa labas.

Ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa lugar na iyon nang walang balakid.

"Bettina, anong ginagawa mo dito?" salubong naman ni Jeramae sa akin nang pagbuksan niya ako ng gate.

Hindi na ako naghintay na igiya niya ako papasok at nagmamadali na lamang tinungo ang loob ng bahay nila.

"Dito muna ako pansamantala, Jeramae. Nag-out of town kasi ang mga magulang ko?"

"Huh? Iniwanan ka nilang mag-isa?"

"Hindi! May inihabilin silang tao sa akin, kaya lang hindi ko gusto. Kaya dito na muna ako." wika ko pang umupo na agad sa sofa. "Sila Tita at Tito, wala ba?" tanong ko pa dito.

Nakahalukipkip na pinaningkitan lang niya ako ng mga mata.

"Bettina, baka naman mag-alala na iyong taong pinapabantay sayo."

"Naku! Hayaaan mo iyon." Saad ko pang ibinaling na lang ang paningin sa mga DVD'ng nakabalandra sa stante at pumili doon. "Mag-movie marathon na lamang tayo."

My Dream BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon