13-The Lost Shoe

2.6K 109 30
                                    

13 - The Lost Shoe

Bettina:

"Masikreto kang lalaki ka, CIA ka naman pala." Nakangiting saad ko pa sa sarili matapos kong basahin ang printed email na iyon at ibinalik na din iyon sa kinalalagyan.

Ngayon mas naniniwala na akong totoo lahat ng mga sinabi niya tungkol sa pagiging undercover niya.

"Pero kanino naman siya nagtatrabaho, gayong pinapabalik na naman siya sa LA?" tanong ko pa sa sarili nang bigla namang tumunog ang doorbell.

Malamang si Manong na iyon kaya agad ko din naman itong binuksan.

Kinuha ko naman agad dito ang binili nitong lugaw at pinainit iyon matapos umalis ni Manong Roberto.

Nilagay ko iyon sa bowl nang mapagtantong mainit na ito at dinala na kay Stavinski.

Buti na nga lang at wala na akong klase ngayong hapon. Kaya nga lang hindi ko naman makikita si Carlo.

"Okay lang nakita ko naman siya kanina." Saad ko pa sa sarili at pumasok na sa silid ng lalaki dala-dala ang tray ng lugaw at tubig.

Nakatulog pa ito kaya pinukaw ko ito nang makaupo na sa silyang katabi ng kama niya.

Hapon na kaya sigurado akong hindi pa ito nakakain simula siguro kanina. O baka naman kahapon pa?

Napapa-tsk-tsk na lamang ako't niyugyog na ito.

"Stavinski! Stavinski! Kumain ka muna." Tawag ko pa sa pangalan nito.

Bumalik na din kasi sa normal ang temperature niya kaya sa tingin ko'y makakakain na ito ng maayos.

Nang hindi pa rin ito kumibo ay naiinis na pinanlakihan ko na ito ng mga mata.

"Hoy! Lalaking feeling gwapo na malakas mang-asar at mang-inis. Bumangon ka na diyan at kumain ka na ng lugaw mo!" Naiinis na wika ko pa dito nang hindi pa ito tumitinag kaya naman ay napabalikwas ito ng bangon.

"Ano ba, Bettina? Natutulog ang tao, eh." naiinis din niyang wika sa akin.

Inirapan ko naman ito at inilagay sa harapan niya ang handy-table na may lamang lugaw.

"Huwag kang maarte at kumain ka na." malditang saad ko pa dito habang iniaabot dito ang kutsara.

Hindi naman niya iyon tinanggap kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Huwag mong sabihing magpapasubo ka pa sa akin?"

Amuse naman na napatingin siya sa akin at inagaw ang hawak kong kutsara. "Hindi na ako magtataka sayo, Bettina kung bakit hindi ka kumuha ng kursong nurse." Narinig ko pang wika nito na pinanlakihan ko lang ng mga mata.

Hindi na rin naman ito nagsalita at kinain na lamang ang lugaw.

"Sabihin mo, hindi ikaw ang nagluto nito noh?"

Nginiwian ko ito bago sumagot. "Hindi ako marunong magluto!"

"Tsk-tsk-tsk... Mas magtataka ako kung marami kang alam." Saad pa niyang napapailing na parang ako na iyong pinakanakakaawang babae sa buong mundo.

"Tumahimik ka kung ayaw mong mabatukan." Pabagsik na wika ko pa dito.

Ngunit hindi ito natinag at nagpatuloy pa rin sa pag-iling-iling. "Kawawa naman pala si Carlo sayo kapag nagkataong kayo ang magkakatuluyan." Saad pa niya na hinarap din naman ang pagkain nito.

Napabuntong-hininga na lamang ako sa inis.

"Magaling ka na, di ba? Kaya iiwanan na kita dito." Nakahalukipkip na saad ko sa kanya.

My Dream BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon