Bettina:
Nagising ako nang may yumugyog sa balikat ko. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako habang nagbabasa kanina.
"Laway mo, punasan mo." Nangdidiri pang wika ni Stavinski sa akin na ikinapula naman agad ng pisngi ko at mabilis na iniwas ang tingin sa kanya't pinahid iyon sa kamay ko.
"Anong oras na ba?" tanong ko na lamang dito.
"Alas otso."
Napasinghap ako saka napatayo.
"Alas otso na?"
"Oo. Ang galing mong mag-study no?" tinusok pa niya ang daliri sa noo ko na ikinasimangot ko naman bago hinaplos iyon.
"Sakit nun ha?" saad ko pa sa kanya.
"Bumaba ka na at kakain na tayo." Wika pa niya at nagpatiuna ng maglakad.
Tiningnan ko muna ang sarili sa salamin at ganun na lamang ang pagsigaw ko ng walang boses sa nakita.
Magulo ang buhok ko. May mumunting mota din sa mga mata ko. Tapos mababakas pa sa pisngi ko ang mga mark ng pagtulog ko.
"Nakakahiya ka, Bettina." Naiiyak pa na wika ko sa sarili bago pumasok sa banyo para manghilamos.
"Sa dinami-dami ng tao bakit sa kanya mo pa naranasan ang kahihiyang ganito? Paano kung ipagkalat niya to? O di kaya'y kinunan niya ako ng litrato? Paano kung ipost niya iyon sa Fb? Ano ng gagawin ko?" naiiyak pa rin na kinuskos ko ang mukha bago iyon pinunasan ng towel.
"Bakit kay Stavinski pa?" saad ko pa ulit na hindi pa rin nawawala ang pagkakapahiya. "Bakit sa kanya pa na malakas manlait? Waaa...."
Nakalabi na sinuklayan ko na lamang ang buhok at lumabas na ng silid.
"Pagtatawanan na naman niya ako." naiinis na wika ko pa habang bumababa ng hagdan.
Agad ko din namang naamoy ang aroma ng paborito kong ulam kaya nagmamadaling tinakbo ko ang kusina at mabilis naman na nawala ang mga iniisip ko kanina.
"Waa... Adobong manok! Hmmmm...." Singhot ko pa sa nakahain na ulam sa mesa habang napapapikit pa.
"Umupo ka na." strikto namang wika niya pero hindi ko na lang pinansin iyon at nagmamadaling umupo na sa kaharap na silya.
"Ikaw ba ang nagluto?" masayang tanong ko pa habang kumukuha ng isang hiwa ng manok.
"Hindi. Si manang."
Nilantakan ko naman agad iyon matapos naming magdasal. "Hmmm... sarap talaga magluto ni manang."
"Hindi obvious na paborito mo ha?"
"Naku! Sinabi mo pa." sabay sunod-sunod na subo ko pa sa kanin.
Nakangiting binalingan na lamang niya ang pagkain.
"Maghinay-hinay ka lang, walang aagaw ng pagkain mo."
Hindi ako sumagot sa halip ay nilantakan ko na lamang ang pagkain.
"Hindi ka ba talaga uuwi sa condo mo?" maya-maya ay tanong ko sa kanya.
"Hindi."
"Kung ganun maglaro tayo ng stop-and-go mamaya."
"Ayoko. Mag-e-study ka."
Siniplatan ko ito. "Hmmp... KJ." Saad ko pa bago uminom ng tubig at tumikhim. "Ahmm... may—gindi mo ba ako kinunan ng--"
"Picture?" pagdudugtong pa niya sa sasabihin ko pa sana. "Ito ba?" sabay taas niya sa cellphon'g may imahe ko na ikinalaki ng mga mata ko.
"Hoy! Burahin mo iyan." Agad ko din namang agaw sa aparato ngunit nalayo niya ito agad.
BINABASA MO ANG
My Dream Boyfriend
Teen Fiction[Mr. Rich Meets Ms. Nobody SEQUEL]-can be Read Alone Dream Boyfriend ni Bettina si Carlo. Highschool pa lang siya ay ito na ang palaging laman ng panaginip niya. Kaya naman minsan ay hindi na niya matukoy ang totoo sa ilusyon, hanggang isang araw ay...