PROLOGUE

667K 14.2K 15.4K
                                    


OLD SUMMER TRILOGY

#1: An Old Summer Daydream

#2: Letters of Past Summer Nights

#3: After Summer 64


DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

***

"Hindi mo ba ako... sasamahan?" 

Napakagat ako sa labi ko at tumingin sa baba, nahihiya na ngayon. Bakit ko pa sinabi 'yon?! Napatakip tuloy ako sa mukha ko para itago ang namumula kong pisngi. Hindi ako makatingin sa kaniya! 

"H-huh?" 

Nagulat si Seven. Nakaawang ang labi niya at nakatingin sa akin, medyo nanlalaki ang mga mata. Hindi niya inasahang sasabihin ko 'yon.

Akala niya ay aalis lang ako at iiwan ko siya sa tabing-dagat.

Nahihiya ako! 

Sino ba ang hindi kung nabasa ko sa sulat niya kagabi na... na... may gusto siya sa akin! 

For some reason, we saw each other beside the beach. Pareho kaming naglalakad sa buhanginan tapos nagkasalubong bigla. Hindi ko alam kung saan pupunta! Nagpatintero pa kami bago niya ako kinausap. 

"Pupunta ako sa bayan. I... I'll buy some... cloth..." Pareho kaming nag-iiwasan ng tingin! 

When I took a glance at him, nakita kong bahagyang namumula rin ang pisngi niya. 

"Hindi ka ba sasama sa akin?" tanong ko ulit.

"I... I will!" 

Pero walang gumalaw sa amin. Nagkatitigan kami saglit at agad ding nag-iwasan. Tumingin na lang ako sa dagat habang yakap-yakap ang sarili na para bang ang lamig ng hangin kahit summer na summer! Siya naman ay napahawak sa batok niya at napaubo. 

Omg... Ang awkward.

"Nabasa mo?" 

Nagulat ako nang magsalita siya. I faced him and gave him an exaggerated smile para lang magkunwaring hindi ako apektado! 

"My letter," he cleared out what he meant. 

"Oo naman! Palagi ko namang binabasa 'yon, ano ka ba!" Peke pa akong tumawa at hinampas siya nang mahina sa braso. Tumama lang iyong hampas ko sa muscles niya kaya hindi man lang siya gumalaw. 

Ang awkward tuloy lalo. 

He bit his lower lip a bit and looked away again, putting his hands inside his pockets. Niyakap ko na lang din ulit ang sarili ko. Ano ba 'to! Nahihiya ako! 

"Uhm... Tara na!" Hindi ko na kinaya ang katahimikan! 

Nauna na akong maglakad sa kaniya papunta sa hagdan para makatapak sa sementadong daan. Narito kami sa probinsya ni Tito malapit sa dagat. 

Hindi ako taga-rito. Nagbabakasyon lang ako rito tuwing Summer. Sakto, dinala ni Tito ang volleyball team niya rito para mag-training kaya may ginagawa rin ako. Natutulungan ko siya. 

Also, I liked making clothes for the kids here. 

Kahit hindi pa ako sobrang galing, ina-appreciate nila lahat ng gawa ko. 

Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon