"Hindi ka ba babalik dito sa Mahirang, Chae?"
Magka-video call kami nina Bailey dahil magkakalayo kami. Wala akong masyadong makausap na ka-edad ko rito sa bayan kaya naman sinusubukan kong pabalikin si Chae rito. May family business sila sa bayan. Mayroon silang restaurant doon at iba pang ari-arian kaya naman kilala ang pamilya nila rito. Sila ang isa sa mga pinakamayamang pamilya rito, pero sa Manila na sila nakatira ngayon. May nag-aasikaso lang ng mga ari-arian nila.
"Nandito pa 'yong kakambal mo, si Axel. Bakit hindi mo siya bisitahin?" pangungumbinsi ko pa.
"It's hard to access things there, and you know matagal na akong hindi nakatira diyan so I don't know how things work," seryosong sabi niya.
Napanguso ako. "Ikaw na lang, Bailey! Puntahan mo ako!"
"Ay, ayaw ko! May marereto ka ba sa akin diyan?" Ito talaga, puro landi ang hinahanap. Ewan ko rito. Hindi naman niya gustong magka-jowa pero palaging naghahanap. "Wala naman akong type sa volleyball team! Okay sana yung kakambal ni Chae, kaso magkamukha sila. Awkward..."
"Don't you dare," Chae warned.
"Omg, kumusta na nga pala kayo ni Seven?! Kwento ka naman! Kayo na ba?! Kung hindi, ang tagal naman! Kilos-kilos din kasi, Alia!" pang-aasar ni Bailey.
"What? What's with you and Seven?" tanong ni Chae, nakakunot ang noo.
"Wala!" agad na deny ko. "Wala naman! Ano ka ba, Bailey! Kung makapagsalita ka, baka akalain ng tao eh may something sa amin. Wala talaga, promise! Out of my league 'yon."
"Yiee, kiss mo nga kung wala talaga!" Humagikgik si Bailey. Ang kulit talaga!
"Hoy, Bailey, ano ba naman 'yang sinasabi mo!" Napalingon ako sa paligid ko na para bang may makakarinig kahit mag-isa lang naman ako sa kwarto ko. "Anong kiss kiss... Nakakahiya 'yang pinagsasasabi mo kay Seven. Ang bastos!"
"Hala siya! Feeling naman nito ni Alia hindi pa siya nakaka-kiss!" Tumawa lalo si Bailey. Tahimik lang si Chae na napapailing, mukhang pagod na sa mga pinagsasasabi ni Bailey. "Why not naman kasi?! Full package na siya, oh! Sa mukha niyang 'yan, grabe... Hindi ka pa ba nai-in love?!"
"Stop putting ideas in her head, Bailey." Sa wakas, nagsalita na rin si Chae.
"Ikaw naman, Chae! Para ka namang nagseselos!" Mas lalong lumakas ang tawa ni Bailey.
"Huh?!" Napakunot ang noo ni Chae.
"Kanino ka ba may gusto? Kay Seven? O baka naman kay Alia?! Eme!"
Nanlaki ang mga mata ni Chae at napaawang ang labi. Namula na ang pisngi niya sa inis. Madali talaga siyang pikunin. Napasapo ako sa noo ko.
"Bailey! Tama na 'yan, ha. Pinipikon mo na naman si Chae," pagbawal ko sa kanya.
"Joke lang, eh." Ngumuso siya. "Sorry po..."
Napabuntong-hininga na lang si Chae at napailing, hinahabaan ang pasensya para sa kaibigan namin. Ako tuloy ang naawa sa kanya! Si Bailey naman kasi! Alam talaga kung paano mang-asar. Ako nga, palagi ring inaasar niyan. Mabuti na lang at hindi ako napipikon kahit walang preno ang bibig niya. Favorite niyang pang-asar ang tungkol sa crush-crush at love.
Buong linggo ay tinuon ko ang pansin ko sa pagtatrabaho at paggawa ng damit. Kapag wala kasi akong ginagawa, parang hindi ako mapakali. Parang sayang sa oras. May mga nabili ako galing sa ukay na na-recycle ko na. Sinuot ko ang dress para tingnan kung bagay sa akin. Nilagyan ko iyon ng tali sa likod para hindi maluwag. Long dress 'yon pero ginawa kong short summer dress. Iyon ang sinuot ko noong Linggo. Fiesta kasi.
BINABASA MO ANG
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence i...