"Si... Seven 'yong bago mo?"
Tumango-tango ako kay Grae at hinatak pa lalo palapit sa akin si Seven para magkadikit na ang braso namin. Hiyang-hiya ako sa sarili ko, pero dahil sa ex ko na 'to, parang kumapal ang mukha ko! Mamaya na ako magpapaliwanag! Nasabi ko na, eh! Mas ikakapahiya ko kapag binawi ko pa.
"T-tara na, Seven! Gutom na ako!" Iyon na lang ang naisip kong paraan para makatakas. Mabilis kong nilagpasan si Grae at ang bago niya habang hatak-hatak si Seven. Mabuti na lang at hindi niya sinabing sinungaling ako! Mas nakakahiya 'yon!
Nang makarating kami sa tapat ng restaurant, hindi muna kami pumasok. Binitawan ko muna siya at humarap sa kanya. Wala siyang reaksyon sa mukha niya at nakatingin lang sa akin na para bang normal ang ginawa ko kanina.
"Sorry, Seven... Nadamay ka pa. Iyong ex ko kasi, eh! Ang kulit-kulit! Nakakainis! Kung ano-ano tuloy ang nasabi ko! Sorry talaga!"
"It's okay," mahinang sabi niya at umiwas ng tingin. Napakamot siya sa batok niya. "I... don't mind."
"Huwag kang mag-alala, hindi naman niya ipagkakalat 'yon! Mataas ego noon kaya hindi 'yon gagawa ng ikakapahiya niya! Tara, pasok na tayo!"
Naghihintay na si Tita sa loob at halos kasunod lang din namin si Tito. Kilala na kaagad ng Tita ko si Seven dahil palagi siyang kinekwento ni Tito. Sino ba naman ang hindi? Kilala naman si Seven bilang MVP tuwing may laban ng volleyball. Napanood ko rin siya during training at halatang magaling talaga siya at passionate sa ginagawa.
Habang kumakain kami ay napasulyap ako sa phone ko dahil tumunog 'yon. Nag-text ulit si Mama.
From: Mama
Anak kmusta? May sakit papa m baka pd ka magpadala ng pera pambili lng ng gamot. Maraming slmat anak.
Nakita kong napatingin din si Tito sa screen ng phone ko at sunod sa akin. Nang magtama ang tingin namin, binigyan ko siya ng alanganing ngiti.
"Iyang Mama mo na naman?" inis na tanong niya, halatang pagod na sa kapatid niya. "Bakit pinapadalhan mo pa 'yan? Hayaan mo siyang matutong magtrabaho para sa sarili niya, hindi 'yong aasa siya sa 'yo. Ang bata-bata mo pa, Alia."
Napatingin din si Seven sa akin pero agad ding yumuko at pinagpatuloy ang pagkain. Nakakahiya! Naririnig pa niya ang mga problema sa pamilya ko!
"Tito naman... Paminsan-minsan lang naman siya nanghihingi," sabi ko para lang ipagtanggol si Mama kahit papaano.
"Paminsan-minsan ba iyong linggo-linggo?"
"Tito... Nandito si Seven, oh," sabi ko naman sa kanya at tumawa saglit para pagaanin ang atmosphere.
Agad siyang nanghingi ng paumanhin sa akin at kay Seven. Tahimik na lang din akong kumain dahil ayaw kong humaba pa ang usapan kay Mama. Alam ko naman kung saan nanggagaling si Tito. Parang sila na ang nagpalaki sa akin noong umalis ako sa bahay, eh. Sila na ang nag-aalaga sa akin.
"Halika na, Alia, ihahatid ka na namin," sabi ni Tita pagkalabas namin ng restaurant.
"Huwag na po, Tita! Diyan lang ako! Lalakarin ko lang!" tanggi ko. Iikot pa sila at mapapalayo pa kapag hinatid ako. Malapit lang naman ang apartment ko. "Sige ho. Mauna na ho kayo. Salamat po sa food!"
"Thank you po," sabi rin ni Seven na nasa likod ko pala.
Nagpaalam na sina Tito at Tita kaya naiwan na lang kami ni Seven. Awkward akong tumingin sa kanya habang sinasabayan niya akong maglakad.
"I'm going to get my car in school," pagpapaliwanag niya. Ayaw niya sigurong i-assume ko na sinusundan niya ako! Pareho kasi ang way papunta sa apartment ko at papunta sa school.
BINABASA MO ANG
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence i...