"Alia! Omg, you're back! Akala ko wala ka na!"
Lumiwanag kaagad ang mga mata ko nang umangat ang tingin ko at nakita ko si Estella sa harapan ko. Kanina pa ako bored sa convenience store dahil nga gabi na at inaantok na rin ako. Buong araw akong nasa school dahil may klase ako kanina. Nagsimula na ulit ako ng part-time job ko sa dating convenience store na pinagtatrabahuhan ko pangdagdag lang sa mga gastos.
"Estella!" Ngumiti ako sa kanya habang ini-i-scan ang barcode ng mga pinamili niya. "Kumusta?" Kakakita lang namin sa inuman last time. Mukhang okay naman siya. Mukha naman siyang masaya.
"Okay lang! Ikaw ba? Mukhang stressed ka diyan. Bakit?" pagchismis niya pagkaabot niya ng bayad.
Monday ngayon at gumagawa ako ng schedule sa papel para naman mabalanse ko nang maayos ang schedule ko. Dalawa na ang trabaho ko at may mga projects pa ako sa school. Kanina pa nga ako nai-i-stress dahil sa isang project sa isa kong subject na buong sem gagawin. Kailangan ko nang simulan pero step one 'yong pinakamahirap!
"Wala kasi akong mahanap na model sa project ko..." Ngumiti ako nang alanganin sa kanya. "Kailangan ko ng isang babae at isang lalaki, pero hindi ko alam kung sino ang tatanungin ko. May kilala ka ba?"
"Omg, hindi ako pang-model, eh, so ekis ako. Hmm..." Napaisip siya. "May dalawa akong kilalang ekalal, matangkad sila, may hitsura naman kahit papaano... Mga best friend ko! Baka pwede sila! Tanungin ko, gusto mo? Kaso... compet season ngayon kaya baka busy sila sa training. Athletes kasi 'yong dalawa!"
"Hala... Pwede mo i-try tanungin? Baka sakali lang... Wala rin kasi akong kilalang ibang mga lalaki rito sa campus." Si Sean at Seven, nakakahiyang tanungin dahil athletes din sila at busy sila sa training.
"Wait!" Nilabas niya ang phone niya at may tinawagan. Nagulat ako dahil hindi ko in-expect na ngayon na agad niya tatanungin! "Hoy, huwag mong ibababa! May tatanungin ako! Iyong friend ko kasi, may project. Naghahanap siya ng model para sa..." Tumingin siya sa akin.
"Para sa mga damit..." bulong ko.
"Para sa mga damit!" sabi niya ulit sa kausap niya. "No?! Anong no?! Don't say no-no to me, excuse me- Hello?! Hello?! Gago talaga 'to!" Binaba niya ang phone dahil mukhang pinatayan siya ng kausap niya. "Si Lai na nga lang!" May tinawagan ulit siya.
Lai... Baka ibang Lai. Maraming Lai.
"Nakakahiya, Estella... Huwag na. Mukhang busy sila," sabi ko sa kanya. Mukhang desidido siyang matulungan ako pero nahihiya naman ako dahil baka makaabala pa sa kanya.
"Hello? Busy ka? Iyong friend ko kasi need ng model para sa mga damit... Huh? Bakit? Ano b'ang ginagawa mo, wala naman? Lumalangoy-langoy ka lang diyan! Wala ka namang jowa dahil nabasted ka kaya- Hello?! Punyemas, binabaan din ako!" reklamo niya.
"Okay lang, Estella. Huwag na..." Ngumiti ako sa kanya. "Magta-try na lang ako maghanap online. Mayroon naman sigurong sasagot. Iyon nga lang, wala akong pambayad nang malaki sa mga ganoon..."
Hmm... Mas mahirap maghanap ng model na lalaki dahil wala ako masyadong kilala. Sa babae... Si Chae kaya? Mukha naman siyang model... Kaso hindi niya trip 'yong mga ganyan. Hmm... Wait... Parang may kilala pa ako....
Dali-dali kong kinuha ang phone ko at nag-scroll sa Contacts ko.
'Icelle'
Tama! Iyong 'friend' ni Lyonelle! Oo nga pala, siya ang na-imagine kong mag-model ng mga designs ko before! Nag-type kaagad ako ng message sa kanya. Hindi kami ganoon ka-close kaya hindi ko alam kung paano ko sasabihin.
BINABASA MO ANG
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence i...