"Alam mo, nagtataka ako sa 'yo. Ano ba ang nagustuhan mo sa 'kin?"
Hindi ko lang kasi gets. Bakit?! May ginawa ba akong kagusto-gusto?!
Hindi naman ako 'yong tipo ng taong madaling magustuhan. It was the first time someone ever confessed to me, maliban sa ex kong siraulo. Iyong ex ko nga lang ang nagkagusto sa akin sa buong buhay ko, kung totoo ngang minahal niya ako. Maliban doon, wala nang iba.
Bago sa akin lahat ng 'to... dahil hindi ko naman kahit kailan naisip na magkakagusto si Seven sa akin. Sino ba naman ako para magustuhan ng lalaking katulad niya? He was so out of my league.
"I... can't explain."
"Sige, ito na lang. Kailan mo 'ko nagustuhan?" I tilted my head a bit to the side. "Hmm, kahit hindi muna gusto. Kailan ka pa may crush sa akin?"
Nakakapagtaka. Nagustuhan ba niya ako dahil ako lang iyong babaeng ka-edad niya na nandito sa probinsya? Dahil ba roon? O baka infatuation lang naman 'yon... or baka hindi lang siya sanay na may babaeng malapit sa kanya. Hindi... Pero mayroon naman siyang mga babaeng kaibigan.
Bakit ba ako? Hindi ko maintindihan.
"I don't want to answer." Napatakip ulit siya sa ilong at bibig niya at umiwas ng tingin para itago ang nahihiya niyang mukha sa akin. "Let's just go."
Sige na nga. Tumingin ulit ako sa motor bago tumingin pabalik kay Seven.
Matagal akong napatitig sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundong lumipas na pinagmamasdan ko siya.
Humarap ako sa kaniya at dahan-dahang lumapit. My feet moved before I could even think. Naestatwa siya sa kinatatayuan niya nang niyakap ko ang baywang niya.
"Ganito..." bulong ko. "Iyong hawak sa motor, okay?"
Binitawan ko na siya at ngumiti. Nagulat siya at namula bigla. Tumalikod na ako para itago rin ang pamumula ng pisngi ko. Pareho na kami ngayon.
Sasakay na sana ako sa motor ulit nang hawakan niya ang kamay ko at marahang hinatak palapit. Napaawang ang labi ko habang nakaangat ang tingin sa kaniya. Ang lapit ng mukha naming dalawa.
"I'll say it again... I like you, Alia," mahinang sabi niya. "I don't say or write words that I don't mean."
Bigla akong sininok. Napatakip ako sa bibig ko habang nanlalaki ang mga mata ko at nakatitig sa kanya. Iba pala ang pakiramdam kapag personal niyang sinasabi... Ibang-iba sa sulat na binigay niya sa akin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ayaw kong bitawan niya ang kamay ko. Ayaw ko pang bumalik sa bayan... Gusto ko pa siyang makasama. May gusto rin ba ako sa kanya?
Ano ang karapatan ko?
"Let's go back," aya niya sa akin at kinuha na ang helmet.
Hindi ako nakapagsalita habang nagda-drive pauwi dahil nakahawak siya sa baywang ko! Alam kong ako iyong nagtapang-tapangan na sabihin sa kanyang ganoon dapat ang hawak, pero hindi ko naman inasahang kakabahan ako nang sobra dahil lang sa hawak niya! Ang laki ng kamay niya kumpara sa baywang ko. Parang kaya niya akong buhatin sa isang braso niya lang. Ah, ano ba 'tong iniisip ko?!
"Thank you... Uh... sa pagsama sa akin." Nakaiwas ako ng tingin habang nakatayo kami sa may gitna ng plaza. Binalik na namin ang motor at na-deliver ko na rin iyong pinapabili sa akin. Tapos ko na rin 'yong ibang utos sa akin kaya wala na akong gagawing iba.
"Naiilang ka ba sa 'kin?" tanong niya bigla. Nagulat ako at agad napatingin sa kanya.
"Hindi sa 'yo!" Nahihiya lang ako, hindi naiilang! Hindi ko rin kasi maintindihan 'yong nararamdaman ko. Ang tagal na simula noong huli kong naramdaman 'to... at doon pa sa ex ko. Nakakahiya namang isipin 'yon. "Sorry, hindi ko lang alam kung paano ako aakto..."
BINABASA MO ANG
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence i...