"Where should I sleep?"
Lumabas si Seven mula sa banyo pagkatapos niyang maligo. Nakasuot na siya ng shirt at sweatpants habang pinapatuyo ang buhok niya gamit ang twalya. Nakaupo ako sa may dulo ng kama, kanina pa hindi mapakali. Basa pa rin ang buhok ko dahil nauna akong maligo sa kanya. I was wearing a tank top and a pair of shorts. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan!
Eh, matutulog kasi siya rito! Kaya ako kinakabahan!
"Dito, siyempre." Tinapik ko ang kama. Maliit lang ang kama ko kaya alam kong kailangan naming magsiksikan, pero wala naman akong magagawa! Saan ko siya patutulugin kung hindi rito?!
"Are you still mad at me?" Sinabit niya ang twalya katabi noong sa akin bago siya naglakad palapit. Napalunok ako habang pinapanood siya. He sat on the floor in front of me and held my hand before leaning his head against my leg. Sinandal niya ang ulo niya roon habang hinahaplos ang kamay ko. "Nagtatampo ka pa rin? Nandito na ako, oh."
"Hindi na! Ang babaw ko naman kung nagtatampo pa rin ako!" Medyo napataas pa ang boses ko dahil sa kaba ko. Ang tagal ko ngang naligo kanina dahil nahihiya akong lumabas. Nakailang linis pa ako sa katawan ko at ang tagal kong nagtu-toothbrush. Lahat ginawa ko para lang ma-delay iyong paglabas ko ng banyo dahil alam kong naghihintay siya sa labas.
"Let's dry your hair," sambit niya at inabot sa drawer ko ang blower.
Ako na ang nakaupo sa may sahig habang nakaupo siya sa kama at pinapatuyo ang buhok ko. Hindi ako makapagsalita habang dinadama ang kamay niyang hinahaplos ang buhok ko. Ano ba 'to! Alia, say something! Kahit ano!
"Magpa-part time pa rin ako sa convenience store," sabi ko sa kanya. "Para lang may dagdag allowance... tsaka naggagamot pa rin kasi si Papa. Maraming gastos. Okay lang ba sa 'yo?"
"Why are you asking me?" nagtatakang tanong niya.
"Wala... Kasi alam na ng iba sa campus na girlfriend mo ako, tapos makikita nila 'yong girlfriend ni Seven Camero, nagpa-part time job kung saan-saan."
"And what's wrong with that?"
"Baka... nakakahiya sa 'yo..." Humina ang boses ko. Kasi hindi ako mayaman. I was out of his league. Baka iba ang isipin sa kanya ng mga tao. Baka magtaka sila kung bakit ito lang 'yong girlfriend niya.
"I would be so proud... because you are such a hardworking person. Why would I care about what other people think? I don't even know them." Hinawakan niya ang baba ko kaya napatingala ako sa kanya. He planted a soft kiss on my lips kahit magkabaliktad ang ayos namin. "There's nothing to be ashamed of, Alia."
"You're surrounded by people on the same level as you," nahihiyang sabi ko ulit. "Si Lai, 'yong pamilya niya ay may-ari ng airline company. Si Tasia, nakita kong model siya at anak siya ng artista. Si Nat ba?" curious na tanong ko.
"It's not important," pag-iwas niya sa tanong. Palagi siyang naiilang kapag binibring-up ko ang family background niya. Ayaw niya kasing pinag-uusapan kasi para daw siyang nagyayabang kapag sinasagot 'yong mga ganoong tanong. As much as possible, mas gusto niyang tinatago.
"Ano nga?" pamimilit ko. "Curious lang din ako." Hindi ko pa rin kasi siya nakikilala.
"Her dad's a lawyer. Her mom's an architect. That's all."
"Wala silang family business?" Kasi si Lai, mayroon. Gusto ko lang din malaman kung ano ang pinapasok ko kapag nakaharap ko na si Nat. Ang sabi ni Seven ay ipapakilala niya pagbalik sa school. Nakabalik na kami pero hindi pa rin niya pinapakilala. Busy kasi siya sa training dahil competition season.
BINABASA MO ANG
Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)
RomanceOLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush on her since the first time he saw her on the campus, feels shy and awkward whenever her presence i...