07

170K 4.5K 6.1K
                                    


"Sorry, I forgot to change the contact name."

Umupo si Seven sa may bench kung saan ako nag-aayos ng gamit. Nauna na ang lahat pabalik sa shower room dahil tapos na ang training. Kami na lang dalawa ang naiwan sa may court. Napapunas siya ng pawis gamit ang towel na nakasabit sa leeg niya. 

Nililigpit ko iyong mga baso na ginamit kanina para sa tubig. Hindi ako lumingon sa kanya dahil pakiramdam ko namumula ang pisngi ko. 

"Ano ka ba... Okay lang 'yon. Ganoon din naman pangalan mo sa contacts ko. I'm sure ginawa mo lang 'yon dahil nga ginawa kitang excuse sa ex ko. Ganap na ganap lang talaga tayo..." Peke akong tumawa. Alam ko namang 'yon lang 'yon. 

"Paano kung hindi?" tanong niya. 

Natigilan ako saglit at muntik pang mabitawan iyong baso. Umiling na lang ulit ako at nilagay na ang mga baso sa may maliit na basket. Sinubukan ko ring buhatin iyong malaking jar ng tubig pero kinuha 'yon ni Seven at walang kahirap-hirap na dinala. Nauna akong maglakad at sumunod naman siya sa akin. 

"Anong paano kung hindi? Ano pa ba ang ibig sabihin noon?" tanong ko naman. 

Hindi siya nakasagot. Nilapag ko ang basket sa may tabi ng lababo para mahugasan ko ang mga baso. Pati ang mga tumblers ay huhugasan ko dahil nagprisinta talaga ako. Ang trabaho ko ay alagaan sila rito. 

Sumandal lang si Seven sa may counter sa tabi ko habang naghuhugas ako. Hindi ko alam kung bakit nandito pa rin siya. 

"Maligo ka na. Magkakasakit ka niyan kapag natuyuan ka ng pawis," sabi ko at lumingon pa sa kanya para ngumiti.

"Don't smile," sabi niya bigla. Unti-unting nawala ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya. 

"Sorry..." bulong ko at yumuko na lang. 

'Pwede pang tigilan mo kakangiti mo? Naiirita lang ako.' 

Baka nairita din siya. 

"You look too pretty." 

"Eh?" Lumingon ako sa kanya, nakaawang ang labi at nanlalaki ang mga mata. "Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo, Seven, ha..." Tumawa na lang ako habang naghuhugas. "Nagpa-practice ka ba sa akin kung paano makakuha ng girls?" 

"I'm not interested in that, actually..." Natawa rin siya saglit at pinagkrus ang mga braso. Nakalingon siya sa akin sa gilid niya. 

"Englishero ka 'no? Hindi ka ba fluent sa Tagalog?" tanong ko para lang may mapag-usapan kami. Naririnig ko naman siya mag-Tagalog minsan. Curious lang ako. 

"Fluent naman." Alam kong hindi dapat ako magulat pero ibang-iba 'yong vibe niya kapag hindi siya nage-English. Para akong tanga na napangiti dahil lang doon. "I just... Oh, sorry. I will speak Tagalog. Mas madalas ko lang kasama si Mommy," pag-correct niya sa sarili niya.

"In fairness, wala kang accent." Lumawak ang ngiti ko. "Ganyan ka na lang buong araw para may bago naman," pagbibiro ko. 

Isa-isa ko nang pinuno ng tubig iyong tumblers ng mga ka-team niya. Dalawa iyong dispenser kaya tumulong na siya sa akin. 

"Kiel has a personality closer to Dad. Ako, kay Mommy. That's why I'm... like this," pagpapaliwanag niya pa. "But I can be like my Dad..." 

"In terms of?" tanong ko.

"Flirting." 

Natawa ako nang malakas sa sinabi niya. Natigilan din ako sa pagkuha ng tubig kakatawa. Joke ba 'yong sinabi niya? Nakakatawa kasi! Flirting?! Paglandi?! Parang hindi naman siya marunong noon, eh. Tinitingnan ko pa lang siya... parang ang awkward.

Letters of Past Summer Nights (Old Summer Trilogy #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon