Entry #3

227 3 0
                                    

Dear JB,


Sa tuwing kinukwento ko kay E kung bakit kita nagustuhan, kung bakit kita minahal, kung bakit hanggang ngayon di ako maka move-on sa'yo at kung bakit hanggang ngayon, ikaw yung sinisinta ng puso ko-di ako makasagot ng maayos.

It sounds really cheesy.

Ayaw kong masyadong nagsasalita ng mga ganun na words. Nagmumukha akong Maria Clara nito.

Pero, since yun na nga ang introduction ko, lubos lubusin ko na. Kahit korni, okay lang. At least masasabi ko yung mga tunay kong gustong sabihin.

Sisimulan ko ang reminisce natin sa pamamagitan ng pag-alala mo kung saan, kailan, paano at sino yung mga nandun nang mag kakilala tayo.

Nagkakilala tayo noong freshman year ko ng high school. Magkaparehas tayo. Parehas tayong transferee noon. Pero ang pinagkaibahan, hindi pa tayo magkaklase nun.

Siguro hindi mo na nga natatandaan pa kung paano nagkrus yung mga landas natin. Pero ako, tandang tanda ko pa.

Bumibili kami ni mama noon ng mga school supplies sa nbs. May nagustuhan akong notebook noon. Saktong kukunin ko yun nang biglang may humablot at nang-agaw mula sa estante nun.

Ikaw 'yun.

Ikaw yung tao na gustong gusto kong murahin nung panahon na 'yun. Pano ba naman, kinuha mo yung natipuhan kong notebook. Eh wala nang stock nun sa branch na 'yun. Malas pa diba?

Nagulat na lang ako nung first day of school. Nasa bulletin board ako habang tinitignan yung mga list ng mga sections. Sa sobrang sikip, naiipit na ako.

Gumanti ako sa taong tumutulak sa'kin sa wall na 'yun. Tinulak ko siya palayo sa'kin.

And guess what?

Iritadong iritado yung mukha mo nung tignan mo ako.

Nagulat lang ako na makita yung epal na tao galing dun sa nbs na nang-agaw sa notebook na gusto ko. Dumoble yung pagkainis ko.

First appearance, ang pangit ng pag kakilala ko sa'yo. Second time, pangit pa rin.

Pero pangatlong appearance, maganda na. Bumawi ka na.

Galing ako sa classroom nun. Papunta sa faculty. May bitbit akong sandamakmak na mga notebooks ng mga classmates ko. Punong puno yung dalawa kong kamay.

At nasalubong kita sa hallway.

Tinignan mo ako ng malalim na para bang inaalala mo kung saan mo'ko unang nakita.

Akala ko nga lalagpasan mo ako. Pero hindi. You declared a help and I gladly took the chance.

Tinulungan mo akong maibitbit 'yun hanggang sa library kung saan naabutan natin yung bestfriend kong si J.

Pinakilala niya ako sa'yo.

It's funny to think na siya pa yung nagpakilala sa'kin sa'yo. Eh gayong I should've introduced myself to you in the first place.

At dahil magkakaibigan ang mga kaibigan natin, natuto na rin akong pakisalamuhan ka. Magkakasama tayo sa tambayan, sa kainan, events at even holidays.

Minsan nga ay nililibre mo ako. Nililibre din kita minsan pero dahil wala akong masyadong pera at dahil hindi kami gaanong nakakaahon sa hirap, hindi madalas 'yun.

Until to the point na I misunderstood our closeness.

Nagkacrush ako sa'yo and slowly and surely, it turned out to be big until I fell for you, unnoticeably.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon