Entry #5

134 3 1
                                    

Dear O,

Hey.

It's been a long time, huh?

Sobrang tagal na siguro di mo na ako maalala. Well. I still remember you.

You are my first in everything.

The first person to make me laugh when I feel so alone when they both left me. The first person to make me cry when your girlfriend slapped me hard in my right cheek after I gave you a box of chocolates I joyfully did. The first person to make me snort in his un-useful jokes. The first person to make me angry when you left me in exchange for your girlfriend. The first person to make me want to slap someone.

You are my first in everything. Yet, those firsts can't surpass the first love.

Hindi ko alam kung dapat ba akong mag diwang o hindi e. Hindi ko alam kung masaya ba ang mahalin ka. Kung masaya bang tignan yung mahal mo na may kasamang iba. Nagmamahal ng iba.

Masakit syempre.

Pero naiintindihan ko naman na hanggang kaibigan lang tayo e.

Dapat pala inuna ko itong ginawa bago ako nagconfess sa'yo. Dapat sa love letter na lang ako nagconfess.

Naaalala mo pa na yung araw na 'yun?

Siguro hindi na.

Pero hayaan mo na maipaalala ko ito sa'yo.

Gabi noon. Dun sa may garden sa bahay ng Lola mo. Sinama mo kasi ako noon para makilala ako ng Lola mo.

Naglalakad lakad tayo noon nang sinabi ko na may nagugustuhan ako. Sabi ko nga, baka mahal ko na e.

Ikaw naman, halatang halatang curious na curious ka kung sino yung tinutukoy ko. Kinukulit mo pa ako ng ilang beses para lang malaman kung sino yung tinutukoy ko.

Nang sabihin ko sa'yo, natahimik ka. Speechless ka e. Siguro kasi hindi mo akalain na sa lahat pa ng lalaking magugustuhan ng best friend mo, ikaw pa pala.

Tinanong mo sa'kin kung anong gusto mong gawin. Sinabi ko lang na magpanggap ka na di mo 'yun narinig. Na para bang magkaibigan lang tayo.

Ginawa mo nga. At dun ako nagpapasalamat. Di nabago yung pagtingin mo sa'kin. Mas naging close tayo at nanatiling friends.

Sobrang happy ko na nun e. Pero impermanence is universal nga, diba? Kaya ayun. Dumating yung araw na ikakasira ng friendship natin.

Dumating si F sa buhay natin.

Pinakilala mo siya sa'kin bilang girlfriend mo. Sabi mo, seryoso ka sa kanya.

Pero unti unti kong napapansin na mukhang di siya seryoso sa'yo. Nakikipaglandian pa nga siya sa ibang mga lalaki.

Nanatili akong tahimik kasi feeling ko masyado na akong nanghihimasok kung sakaling magsusumbong ako sa'yo. Baka sabihin mo pa na sinisiraan ko siya kasi ayaw ko siya para sa'yo.

Dumating yung Valentines day at naisipan kong bigyan ka ng chocolates pero pinagbintangan pa akong malandi ni F.

Buti na lang nagpakalayo layo ako. Pero ngayon, ikaw naman 'tong gustong bumuo ulit ng friendship sa'kin.

Bakit? Dahil ba sa wala na si F?

At ngayon, kailangan mo na ako?

Okay. 'Yun lang naman ang gusto kong sabihin sa'yo tungkol sa past. Gusto kong sabihin sa'yo kung ano ang saloobin ko tungkol sa gusto mong mangyari.

'Yung tungkol sa gusto mong ibalik sa dati ang lahat.

We can't.

Kasi hindi na talaga mababalik yung dati. Doon na lang talaga 'yun. Nakatakda kasi 'yun mangyari.

Pero ito lang ang masasabi kong hindi nagbago sa pagitan nating dalawa.

'Yun ay ang nararamdaman ko sa'yo.

Hindi 'yun nabawasan. Para ngang nadadagdagan pa 'to. Kasi in that span of five years na nawala ka sa'kin, the only thing that I remember whenever I hear your name is "missing you".

'Yun yung problema natin this time. Ayaw kong maging magkaibigan tayo. Kasi I'm starving for something else.

'Yun yung dahilan kung bakit di ko alam kung pwede pa tayong maging bestfriends.

'Cause seriously, I love you.

Isn't the moves enough to make you realize how I love you?

Ugh. Di ako makapaniwalang nakakapagsulat ako ng ganito. It's not really my thing, as you can see. Maybe five years changed me enough.

But my love for you isn't.

Always,

N

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon