Dear CJ,
Sana mabasa mo 'to.
Alam ko yung rules natin sa game at alam ko na sinira ko yung isa dun.
Ang usapan natin diba ay hate letter ang ibibigay natin sa isa't isa sa grupo natin? Well, sorry kung sinuway ko 'yun. Hindi lang kasi hate letter itong ginawa ko. Sa huli, malalaman mo din.
Simple lang naman yung mga ayaw ko sa'yo. Isa na dun yung pagiging pampam mo, pagiging epal mo sa mga simpleng bagay at isa na din dun yung pagiging masikreto mo. Rule breaker ka din e. Di mo sinunod yung rule natin na walang sikreto.
Gusto ko malaman ang lahat ng tungkol sa'yo. Ayaw ko naman kasing manghula na lang sa mga simpleng bagay na maaari palang makaepekto sa'yo sa mga paraan na di ko inaasahan. Malay ko ba na nagbibiro lang ako pero 'yun pala kinasusuklaman mo na ako at sinusumpa d'yan sa isip mo. Ayaw ko kayang masunog sa impiyerno. Di po bagay beauty ko dun.
Isa pa yung pagiging pampam mo. Tss.
May aaminin ako sa'yo...
Alam mo ba na palagi kitang sinusumpa sa isip ko. Nakakainis kasi yung mga pambabara mo sa'kin. Yung mga pambabarang ginagawa mo sa'kin, ikaw lang talaga at si Kuya I yung nakakagawa. Iniisip ko nga kung kinakarma ako sa ginagawa ko kay E at MJ. Ganun ko kasi sila asarin e.
Baliw ka din. Sobrang baliw mo. Ikaw nga po yung dahilan kung bakit palagi akong sinusumbong ng bwisit kong kapatid kay Papa. Dahil sa mga laughtrip natin at mga ginagalaan, sermon ang hapunan ko pagdating sa bahay.
Isa pa yung pagiging masikreto mo. I already exposed all my unrevealed secrets to you. Ikaw lang ang nakakaalam nun. Ni kapatid ko o ni sila E di nila alam yung mga 'yun. Ikaw lang talaga.
Tapos ang unfair kasi hindi mo sa'kin sinasabi yung mga secrets mo. I feel so betrayed. Feeling ko kasi yung mga nasabi mo nang sikreto sa'kin, they are all lies.
Kilalang kilala mo na ako, CJ. Pero ikaw, parang sa pinapakita mo, nag-iiba yung tingin ko sa'yo. Nadidistort 'yun sa paraan na gusto ko at sa paraan na ayaw ko. Ayaw ko kasing masira yung trust ko sa'yo at ayaw ko din naman na mabago yung tingin ko sa'yo.
Gusto ko naman na kahit papaano mabago yung tingin ko sa'yo para hindi ko na maramdaman yung mga bagay na di ko dapat maramdaman. I don't deserve any of this. I don't deserve this feeling.
Sorry at hindi ako masyadong makapag english. Di naman kasi ako masyadong magaling sa pag-eenglish e. Ayaw ko namang magpakaplastic. Gusto ko makilala mo ako at magustuhan sa paraang ako talaga. Walang bahid ng kasinungalingan.
Isa pa yung pagiging sadista mo.
Di mo ba pansin? Manhid ka ba? Bulag? O sadyang bingi din? Wala ka bang natural senses?
Punyeta. Ang tagal tagal ko na ding dinimdim ito.
Nagpaparinig na nga ako e. Nagpapacute din. Binabago ko kung paano ako mag-ayos ng mukha at manamit. Binabago ko lahat para lang mapansin mo 'ko. Pinanganak ka bang walang pakiramdam?
Siguro ito na yung chance ko para masabi sa'yo lahat ng mga ayaw ko sa'yo. Pati na yung mga sobrang ayaw ko na hindi ko na talaga matagalan. Kasi kahit ako mababaliw na ako e.
When a normal person joins a mentally challenged person into his/her activities, there might be a hundred percent possibility that the normal person may lose his/her mind completely.
Hahaha. Quote yan. Galing pa sa friend ko na si E.
Kinukulit ko kasi siya tungkol sa pagkabaliw ko tapos bigla na lang nag #whogoat. Nagbibiro lang naman ako... tss. Dapat siguro siya yung magpatingin sa doctor. Pwede rin namang nahawaan ko siya dahil nahawa ako sa'yo.
Tsk tsk! Sayang... may pag-asa pa naman yung batang 'yun.
Nasayang ang kinabukasan dahil sa'kin.
Anyway, dahil sa bwisit na bwisit ako sa'yo... may aaminin pa akong pagkakamali at kasalanan ko.
Sa three years na friendship natin, there's something inside me starts to build up.
Sinasabi ko 'to sa'yo para hindi ka talaga magmukhang tanga. Ayaw ko naman sabihin na lahat sila alam na nila na may gusto ako sa'yo tapos ikaw na lang 'tong sira ulo na hindi alam yung tungkol dun.
Mabait naman ako kahit papaano. Baka masira pa kasi yung figure mo sa mga kaibigan natin pag nagkataon. And being the good friend and person here, I would never ever let your figure turn into a big joke.
Pasalamat ka talaga at kaibigan kita, crush kita at parang mahal na kita (although I'm not sure kung talagang mahal kita. Sinisigurado ko pa).
Count on me,
A (Tenshi)
BINABASA MO ANG
Love Letter
RandomCollection of love letters from 10 interconnected persons with tangled destinies.