Last Entry

121 3 0
                                    

Pano ko ba 'to sisimulan?

Sa maniwala ka o hindi, first time kong magsulat nito. First time ko ngang magsusulat, wala pang kasiguraduhan na mababasa mo 'to. Alam ko naman kasi na di ka nagbabasa. Tamad ka kaya.

Who would ever thought that k-pop would be the way for us to meet each other huh?

Nakakatuwa nga e. Di ko inaasahan na may lalaki pala akong magiging kaibigan na magiging close ko ng ganun kabilis. Tapos sobrang nakakarelate ka pa sa mga sinasabi ko. Sobrang fan ka din pala ng snsd. Hahaha.

Natatawa nga ako nung una nating conversation e. Ngayon lang ako naging ganun ka friendly sa pakikipag-usap sa mga di ko kilala. Pa'no ba naman? Pinaghalong adrenaline at excitement dahil nakahanap na din ako ng tukayo ko sa wakas.

Di ko kasi makausap yung mga close friends ko sa mga ganung bagay e. Di sila mahilig sa fangirling. Mahihilig sila sa Wattpad. At ngayon naman na ako yung nahilig sa Wattpad, ngayon nila narealize kung gaano kaganda yung Hallyu World.

Siguro sadyang ganun e. The world is made for the opposite.

Pero anyway, naging close pa tayo lalo kasi super nasisiyahan ako dahil sa pagiging generous mo (lalo na sa mga gamit mo) tapos kung magbigay ka ng pera sa mga kaibigan mo, parang wala wala lang sa'yo yung halaga nun.

Super saya ko din pag nakakausap kita kasi feeling ko, sa wakas may tao na akong nakilala na handang makinig sa'kin. Sa wakas, may tao na na laging nandyan para pakinggan ako lalo na yung mga bagay na sinasabi kong hindi nauunawaan ng mga kaibigan ko.

Super happy ako nun. Pero sabi nga nila, every happiness has an exchange equal sorrow. Kasi di nagtagal, unti unti ka na ding nawawala sa'kin. Unti unti nang nabubuo yung mga balakid sa pagkakaibigan natin.

Una sa mga bakod, yung mga kaibigan ko at mga kaibigan mo. Nawawalan tayo ng oras sa kanila. Sila K nga at RN sinasabihan ako na bakit daw parang mas matimbang ka na daw kaysa sa kanila. Tapos ramdam ko na din naman yung mga galit ng mga kaibigan mo sa'kin. So, siguro nga. It's for the better na mag-back off muna tayo.

So that's what I did. Pero kahit anong pilit ko na tanggalin ka sa isip ko at ituon yung pansin ko sa mga kaibigan ko, di ko magawa. Leche. Sa tuwing may pumapasok sa pintuan ng classroom, di ko mapigilang tumingin. Kahit papaano, parang umaasa ako na makita ka dun at magkatinginan tayong dalawa.

Yung mga tingin kasi natin, imbis na awkwardness ang kalabasan, iba yung nagiging meaning.

Kahit sa simpleng tingin lang na iyon, nagiging masaya na ako. Masaya na ako na kahit papaano, naging magkaibigan tayo, nagkakausap kahit sa chats, at nagkakatama ang mga tingin.

Leche. Ang korni ko na.

Pangalawang bakod, yung mga pagsisinungaling mo. Isa yan sa mga dahilan kung bakit kinamumuhian ka ng marami nating mga kaklase. Masyado ka kasing mapagmataas at mayabang. Akala ko nung una, I was destined by the Lord to met you to at least lower your pride and change your stupid attitudes.

But I didn't. So, I decided to quit.

Mahirap kaya. Mahirap kang makasama sa iisang kwarto tapos hindi tayo nag-uusap. Sobrang hirap na para bang nawalan ako ng isang part sa buhay ko. Yung isang part na nagpapaligaya sa'kin. For the very first time, narealize ko that I was indeed falling in love with the wrong person.

Sa bestfriend ko pa. Tss...

K and RN keeps on pushing me that you might have an unexplainable feelings for me daw. I didn't really omitted myself to the possibility of that thing. But somehow, that seems catchy to my ears. Maybe I was hoping that really, you can exchange the special feeling I was giving on you to the same feeling I always wanted.

Love LetterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon