CHAPTER 14

4.8K 81 3
                                        

CHAPTER FOURTEEN

HARVEY

"Na kontak niyo na ba?" nag-aalalang tanong ko kay Manang at sa mga security guards.

Sabay-sabay ang mga itong umiling-iling. "Hindi po Sir, eh." Halos magkasabay na sagot nila sa akin.

"Tinawagan po namin ang secretary ni Ma'am, pero hindi niya rin po alam at hindi daw nagpunta sa kompanya si Ma'am."

Napahilot ako sa sentido. I heaved sigh. I looked at my wrist watch.
Where are you, Marga? 5 pm na ng hapon. Umalis ito kaninang umaga at hanggang ngayon ay hindi pa ito umuuwi. Nag-aalala na ako. Kanina ko pa ito tinatawagan pero hindi nito sinasagot ang tawag ko.

Napahilamos ako sa sariling mukha at napatingala. Binasa ko ang labi ko gamit ang dila ko.

May isang tao ang biglang pumasok sa isip ko na possibleng puntahan ni Marga.

Hinarap ko sila Manang. "Manang, I have to go to somewhere, call me once Marga gets home, okay?"

"Ay sige po, Sir Harvey," sagot ni Manang sa akin.

Tumango-tango ako at tumalikod na para umalis. Pagkalabas ko ng bahay ni Marga ay agad akong naglakad sa kung saan ko pinark ang sasakyan ko at nag drive patungo sa bahay ni Tyrion.

Habang nag d-drive ako ay tumunog ang cellphone ko. I connected the call to my earphones without giving a glance at who was calling me.

"Finally, you've answered my call! Harvey, where are you?" I clenched my jaw when I heard Madeline's irritating voice.

Damn. Humigpit ang hawak ko sa manibela. Seryoso lang ang tingin ko sa daan habang nag d-drive.

"Why did you call me?" malamig na tanong ko.

"Where are you?" tanong niya na hindi sinasagot ang tanong ko.

"I said, why did you call me?" Imbes na sagutin ko ang tanong niya ay inulit ko ang tanong ko.

"I called because I just wanted to ask how are things going there in my sister's house. I'm sure you followed her last night. By the way, how is she? Hmmm. Poor sister." Humalakhak ito.

Hindi ko ito sinagot at padabog na tinanggal sa tenga ang headset.
Tinukod ko ang kaliwang siko ko sa may bintana ng sasakyan ko habang kinakagat ang isang daliri ko.

'Traitor.'

"How could you do this to me? Wala na akong tiwala sa iyo. Wag ka ng magpapakita pa sa akin kahit kailan. I hate you."

I clenched my jaw repeatedly. Binilisan ko pa ang takbo ng sasakyan ko.

When I was in front of Tyrion's house, I immediately got out of my car. I walked towards their gate. I pressed the doorbell. After a few moments, the big gate opened and the three guards faced me.

"Ano pong atin, Sir?" One of the guards asked me.

"Where's your fucking boss? Tell him that I'm here," kalmadong utos ko.

"Maari po ba naming makuha ang pangalan niyo, Sir?"

"Harvey," I said. "Harvey Farrell Guevarra."

Agad namang tumango ang isa at pumunta sa security house para tawagan ang amo.

Hindi nagtagal ay nakita ko na ang taong pinunta ko rito. Nakapamulsa itong naglalakad patungo sa direksyon kung nasaan ako.

Napakuyom ang kamay ko. Hindi pa ito tuloyang nakakalapit sa akin ay sinapak ko na ito sa panga ng malakas.

MRS. AZUCENA Where stories live. Discover now