CHAPTER ONE
Rejected.
“Naveah? Bakit mo naman sinapak?” tanong ko sa anak kong nakasimangot.
Pinatawag kasi ako sa Principal kanina dahil may sinapak daw na kaklase itong si Naveah. Tumawag ang Teacher ni Naveah sa office ko at binalita sa akin ang ginawa ng anak ko. Kaya naman ay kahit busy ako sa trabaho ay pumunta ako para makipag usap sa Principal at Teacher nito.
Naloloka ako sa batang ito. Hindi naman siya ganito dati. She suddenly changed after she met her father. I don’t know why.
Pinagkrus nito ang mga braso sa dibdib. “Sabi niya kasi wala akong Daddy eh! Meron kaya akong Daddy! Hindi nga lang ako tanggap!” nakasimangot na usal Naveah.
Hindi ako nakagalaw sa aking kinatatayuan dahil sa narinig mula sa anak.
Tumikhim ako. “Anak, don’t say that,” saway ko rito.
Ngumuso ito. “Totoo naman po, Mommy. Bakit po hindi siya pumunta no’ng birthday ko?” Puno ng pagtatampong tanong nito sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot. Birthday niya last week. Inantay niya ang Daddy niya pero... hindi ito dumating sa kaarawan niya.
Saksi ako kung paano nasaktan at umiyak anak ko no’ng kaarawan niya. Sinubukan kong tawagan si Tyrion no’n kaso hindi nito sinasagot ang tawag ko.
“B-Baka busy lang anak...” pagpapalusot ko. Nilapitan ko ito at hinaplos sa pisngi.
Kita kong nanubig ang mga mata nito. Naawa ako sa anak ko. She’s hurt because of her father’s treatment of her. Binuhat ko si Naveah kahit na sobrang bigat na niya. Inilagay ko ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tenga niya na nakatakip sa mukha niya.
“M-My ibang family po siya... buti pa si Rowen mahal niya po... same po kami ng birthday... nando’n po si Daddy. Nakita ko po sa post nila sa Instagram,” she mumbled.
Nasasaktang tiningnan ko ito. “Anak, mahal ka ng daddy mo, wag mong isipin na hindi ka mahal ng daddy mo,” I said gently.
“H-Hindi naman po iyon totoo... hindi ako mahal ng Daddy ko.” Basag na boses na sabi niya sa kin.
“Paano mo naman nasabi yan anak?” I bit my lower lip. Pinigilan ko ang sarili kong umiyak sa harap ng anak ko.
“Kasi Mommy... hindi niya ako magawang tingnan— s-sakit po.” Sobrang sakit sa akin marinig ang mga salitang iyon galing sa anak.
“Saan masakit anak?” naramdaman kong may luhang tumulo sa pisngi ko.
“Dito po,” sabi niya sabay turo sa bandang dibdib niya.
Napatakip ako sa bibig. “S-Sorry anak ha?” I said while stopping my sob.
“Gusto mo e kiss ni Mommy para mawala ang sakit?”
“H-Hindi naman po mawawala ang sakit kahit e kiss mo, Mommy,” sagot nito. “Kaya ko po sinapak ang kaklase ko kasi binubully nila ako. Na wala daw akong Daddy.”
I wiped my wet cheeks. “Sa susunod anak, wag mo na lang patulan ha? Susubukan kong kausapin ang Daddy mo. Wag ka na sad.” Hinaplos ko ang pisngi nito at hinalikan sa noo. She hugged me and buried her face in my chest.
“Gaga ka kasi, ginulat mo ba naman!” Biglang sulpot ni Harvey.
Kunot-noo ko itong tiningnan. Lumapit ito sa amin at kinuha mula sa akin si Naveah at siya na mismo ang bumuhat. Ininat-inat ko naman ang mga nangangalay na braso ko.
Ang laki na talaga ng princess ko. Ang bigat-bigat na.
Harvey kissed Naveah’s cheeks. Gamit ang kamay ay pinunasan ni Harvey ang luha sa pisngi ng anak ko.
YOU ARE READING
MRS. AZUCENA
RomansaMarguerite Blythe Ravanera is already successful at the age of 28. Aside from being a businesswoman and a model, she's also a single mom. She is the former wife of Tyrion Nikhil Azucena, a powerful businessman. After years of being separated from he...
