CHAPTER 19

6.2K 79 6
                                        

CHAPTER NINETEEN

One week after.

Taas noo akong nakatingin sa harap habang sinasabi ang naging desisyon ng korte.

I plastered a victorious smile as I looked at Tyrion and Angie who is being escorted by the police.

Nagwawala si Angie habang tahimik lang si Tyrion. Napatingin ako kay Rowen nang tumakbo ito palapit sa kanila ni Tyrion at Angie. Mabilis itong yumakap sa mga ito habang umiiyak at ayaw bitawan ang dalawa.

"No! Don't touch me! Mommy! Daddy!" luhaang sigaw ni Rowen nang hawakan siya ng nanny niya at sinubukang ilayo mula kay Angie at Tyrion.

Nakita kong namumula ang mga mata ni Tyrion habang nakikinig sa pagmamakaawa ni Rowen sa mga pulis na wag silang ikulong at ihiwalay sa kanya.

Parang sinaksak ang puso ko sa nakikita pero kahit gano'n pinilit ko ang sariling maging matigas at hindi magpadala sa awa.

Nilingon ko ang mga bodyguards ko at tinaguan. Hinila nila na may pang-iingat ang anak ko palayo kila Tyrion at Angie na ngayo'y nakatakip ang bibig at luhaang nakatingin sa anak kong nagwawala at pilit na kumakawala sa hawak ng dalawang bodyguards na inutosan ko.

Nilingon ako ni Angie at nagtama ang paningin namin. Lumapit ito sa akin. Wala na ang tapang sa mukha nito at napalitan ng pagkalungkot.

Paulit-ulit itong tumitingin sa direksyon ni Rowen. Her lips quivered.

Nakaposas na mga kamay na hinawakan ako nito sa balikat. Agad namang umalerto ang mga police.

"M-Marga... p-please... my son." Angie begged and closed her eyes.

Where's your pride now, Angie? My son? She's delusional.

Malamig na tiningnan ko si Angie. "He is not your son." Malamig na untag ko at winakli ang kamay nito.

“P-Please... forgive us. Bata pa ang anak ko para mawalay siya sa amin.”

“Kneel,” I ruthlessly said. “If you want my forgiveness.”

Walang pagda-dalawang isip na lumuhod ito sa harap ko.

“Angie, stand up.” Tyrion darkly said to his wife, who was now kneeling in front of me.

Walang emotion na pinagmasdan ko si Angie. What a satisfying view to see.

Who’s the loser now?

Inangat ko ang tingin kay Tyrion. I smirked.

Looked at us, Tyrion.

“I’m sorry, Angie, but I can’t forgive you,” sabi ko kay Angie.

Nanlumo ito sa narinig.

“N-No... please...”

Tinalikuran ko na ito.

"Marga! Marga!" sigaw ni Angie sa pangalan ko ngunit hindi ko ito nilingon. "No! Please, forgive me! 'Wag mong ilayo sa amin ang anak namin. Marga!"

I clenched my jaw and walked towards the door. Pagkalabas ko sa courtroom ay agad naabutan ko sa may pintuan si Rowen na nakaluhod sa harapan ko.

Napahinto ako at tiningnan ito.
"Stand up,” I firmly commanded.
Inangat nito ang tingin sa akin. Luhaan ang mukha nito.

"Please, I want to be with them.”
"We already have a deal," mariing sabi ko.

"I-I-I..." Tumulo ang isang luha nito.

"What? You'll back out of our deal? Then expect the worst things to happen to your parents,” I remarked in a monotone voice.

Napasinghap ito. Paulit-ulit itong umiling-iling. “No... no...”

MRS. AZUCENA Where stories live. Discover now