CHAPTER 16

5.2K 89 16
                                        

CHAPTER SIXTEEN

Past.

“Ma'am, may bisita ho kayo,” sabi ng isang katulong.

“Sino raw?” tanong ko ng hindi ito binibigyan ng tingin.

“A-Ako po... ” sagot ng isang maliit na boses.

Napatingin ako sa bukana ng pintuan at nakita roon si Rowen kasama ang nanny nito. Napatingin ako sa orasan at nakitang 8:36 am pa.

Kalmadong sumimsim ako sa tsaa ko at pagkatapos ay tumayo galing sa pagkakaupo sa sofa.

I plastered a smile as I walked towards my son's direction.

“Hi!” bati ko sa kanya. “I'm glad that you came here. Nag-almusal ka na ba? What do you want to eat? Just tell me.”

“Ano po... pwede niyo po bang palabasin sila Mommy at Daddy?”

Nawala ang ngiti ko sa labi sa narinig. I looked at my son emotionless. “No. You came here just for that?”

Hindi nakasagot si Rowen at umiwas ng tingin sa akin. Mapakla akong napatawa ng maalala ko ang mga sinabi nito sa akin no'ng malaman nito ang totoo.

"I don't think I can accept you, after knowing that my parents got jailed because of you and my Mom was stabbed there. I hate you."

"I don't want you to be my mom."

"I love my Mommy Angie, I don't want to lose her and Daddy."

"Si Mommy Angie lang po..."

Tumatak sa isipan ko lahat ng mga sinabi niya sa akin. Gabi-gabi ko iyong iniiyakan.

“I missed them...” sambit ni Rowen.

I stared at him. “No. Kung iyan lang ang pinunta mo rito, leave,” malamig na sambit ko.

Nanlaki ang mga mata nito sa narinig.
“P-Po?”

“Leave.”

“Pero sila Mommy...” naluluhang usal nito.

Tinaas ko ang kamay ko para patigilin ito sa pagsasalita. “Stop. I don't want to hear it.”

“Ano po ba ang dapat kong gagawin para lang po makalabas sila Mommy?” sabi nito sa determinadong boses.

I chuckled. “You're that desperate ha?”

Baby, you're hurting mommy. Stop it already. Please. Tahimik na sambit ko sa isipan ko.

“Of course, I love them po, I don't want them to suffer.”

“They're suffering because they deserve it,” I coldly said. “Pwede ka ng umalis kung wala ka ng sasabihin. I'm busy.” Tumalikod na ako at bumalik sa pagkakaupo.

“M-Mommy, please?”

Sandali akong napahinto at napatigil sa pag inom ng tsaa ko. Naramdaman kong may isang butil ng luha ang tumulo sa piangi ko sa narinig.

MRS. AZUCENA Where stories live. Discover now