CHAPTER FIFTEEN
Begged.
Mula sa malayo, nakatanaw si Marga sa anak nitong si Rowen na masayang nakikipagkulitan sa nanny nito sa playground ng village nila Tyrion.
Nakangiti siya habang nakatingin sa anak. Dinig na dinig niya ang nakakahawang tawa nito."My son," she softly murmured.
Napahakbang si Marga ng makita niyang nadapa si Rowen habang nakikipag habulan sa nanny nito.
Lalapit na sana si Marga nang mapahinto siya sa narinig.
"Mommy..." sambit ni Rowen habang humihikbi. Hawak-hawak nito ang nasaktang tuhod.
Agad na nag-aalalang lumapit ang nanny ni Rowen at tinulungan ang alaga na tumayo at pinagpag ang damit nito.
"Mommy ko...” hikbing usal ni Rowen.
"Baby, stop crying na." Pagpapatahan ng yaya rito.
Sobrang sakit no'n para kay Marga na marinig ang anak na umiiyak habang ibang mommy ang tinatawag. Parang sinaksak ng sampung beses ang puso niya habang nakatitig sa anak.
Hindi mapatahan ng nanny si Rowen kaya naman ay lumapit si Marga sa kanila.
"Y-Yaya, I already missed them. Saan po sila Mommy at Daddy?" tanong ni Rowen sa nanny habang umiiyak.
"A-Ano... may pinuntahan kasi sila. Babalik din sila agad. Magdadala sila ng maraming pasalubong na toys mo."
"Talaga po?" kumislap sa saya ang mga mata ni Rowen sa narinig.
"Oo, kaya wag ka na cry-cry, big boy ka na diba?"
"O-Opo..."
Tumikhim si Marga kaya naman ay napabaling ang tingin ni Rowen sa kanya pati na rin ang kasama nitong nanny.
Nang makita siya nito ay agad itong ngumiti ng pagka tamis-tamis kanya.
"Hello!" bati ni Rowen sa kanya.Titig na titig si Marga sa anak. Bumaba ang tingin niya sa tuhod nitong sugatan. Unti-unting lumuhod si Marga sa harap ng anak.
Hinaplos niya ang tuhod nitong may sugat. "Masakit?" she gently asked him.
Rowen innocently nodded.
Napangiti si Marga habang tinitingnan ang luhaang mukha ng anak.Kinuha niya mula sa bag ang isang malinis na panyo at siya na mismo ang nagpunas sa basang pisngi nito.
Titig na titig lang sa kanya si Rowen habang pinupunusan niya ang pisngi ng anak."You missed your mom?" tanong ni Marga matapos punasan ang basang pisngi ni Rowen.
Agad namang tumango-tango si Rowen. "Yes po, super!" Rowen exclaimed.
Binaba na ni Marga ang hawak na panyo. Palahim na napakuyom ang kamay niya.
Isang mabigat na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Tumayo na siya ng maayos. "Gusto mo ba malaman kung nasaan ang mga magulang mo ngayon?" tanong niya sa anak.
"They'll be back soon po, right, Yaya?"
"A-Ah... opo."
![](https://img.wattpad.com/cover/312084127-288-k180773.jpg)
YOU ARE READING
MRS. AZUCENA
RomanceMarguerite Blythe Ravanera is already successful at the age of 28. Aside from being a businesswoman and a model, she's also a single mom. She is the former wife of Tyrion Nikhil Azucena, a powerful businessman. After years of being separated from he...