CHAPTER 2

5.8K 100 18
                                        

CHAPTER TWO

Asthma.

Nanghihinang napaupo ako sa upuan ko. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang mga sinabi ni Tyrion.

Nanginginig ako sa galit.

“Wala akong anak sa iyo at kung meron man. Hindi ko tatanggapin.”
“She’s not my child, Marga.”

Nagawa niyang sabihin iyon sa harap mismo ng anak niya? Hindi man lang ba niya inisip na masasaktan si Naveah?

“Mommy are you okay po?” Napatingin ako sa anak kong pugtong-pugto ang mga mata.

I softly smiled at her. “I’m okay, anak. Don’t mind me, okay?” I said in a soft voice.

Naveah bit her lower lip. Hindi ito makatingin sa akin. Yumuko ito.
“M-Mommy...” piyok na boses na tawag nito sa akin. “A-Ano pong mali sa akin at ayaw ni Daddy ko sa akin? Anak din naman niya ako ah?” Parang sinaksak ang puso ko sa narinig.

“Anak, walang mali sa iyo.” Tumayo ako at nilapitan ito. Bahagya akong yumuko at inangat ang ulo nito.

Her eyes filled with tears as she stared back at me. Pulang-pula ang na ang ilong at pisngi niya sa kakaiyak. “A-Alam ko naman po sa simula pa lang na ayaw ni Daddy sa akin... p-pero ang sakit pala marinig mula sa kanya ang mga salitang iyon, M-M-Mommy...” napansin kong nahihirapang huminga si Naveah.

Napahawak siya sa dibdib niya habang hinahabol ang sariling hininga.

Kinabahan ako bigla. “Naveah, are you okay?” ngayon ko lang napansin na sobrang putla ng anak ko.

“Hey you’re pale! Naveah!” Niyugyog ko ito sa balikat.

My heart pounded.

Malungkot ako nitong tiningan. “M-M-Mommy.... a-a-ayaw ni Daddy ko sa akin...” kapos na hiningang sabi nito.

Niyakap ko ito. I cupped her cheeks.
“Calm down anak.” Nanginginig na sabi ko.

“Kaloka ‘tong batang to. Wag kang pakaba beh. Inhale. Exhale. Inhale. Wag ka ng humiga after,” rinig kong usal ni Harvey.

Masama ko itong tiningnan. Papatayin niya ba ang anak ko?!

“Harvey!” sigaw ko sa pangalan ni Harvey.

“Joke lang! I’ll call an ambulance!”
Wala ako sa mood makipag joke. Kitang nahihirapan ang anak kong huminga.

“I-I can’t breathe p-po, M-Mommy...” nahihirapang sambit nito.

Natataranta ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Unti-unting pumikit ang mga mata ni Naveah dahilan para mas lalong nadagdagan ang kaba ko.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Aatakehin ata ako sa puso dala ng nerbiyos. Oh goodness, not my daughter.

“What’s happening? Naveah! Don’t close your eyes anak... Harvey! Ano na?!” I can feel my excessive sweat on my forehead and neck.

“Wag masyadong excited! Papunta na nga eh!”

“Naveah, look at me. Don’t close your eyes ha? Princess— A-Anong nangyayari sa iyo anak?” I sobbed.

Mahigpit ko itong niyakap habang paulit-ulit na hinahalikan sa noo.

Sorry. Sorry anak ko. Sana hindi mo na lang narinig ang mga salitang iyon. Napakuyom ang kamao ko. Damn you, Tyrion!

Sobrang tagal ng ambulansyang dumating kaya naman ay binuhat ko ang anak ko kahit naka heels ako.

“Hang in there, anak,” I cried.
Naveah weakly opened her eyes and smiled a little at me. “Y-Yes, M-M-Mommy...” she weakly replied.

Tiningnan ko si Harvey. “You drive my car, go get my keys!” sabi ko at lumabas na sa opisina ko buhat-buhat ang halos wala ng malay na anak ko.

MRS. AZUCENA Where stories live. Discover now