CHAPTER EIGHTEEN
Chance.
Nakaupo ako ngayon sa upuan ko at nagsimula nang magsipasukan ang mga juries. Hindi nagtagal ay sumunod ang judge. Katabi ko ang aking abogado. Ramdam ko ang talim ng mga mata ni Angie na nakapukol sa akin. Hindi ko ito nililingon at binibigyan ng tingin.
Diretso lang ang tingin ko sa harap.
"All rise."
Nagsitayuan na kami.
"You may be seated."
Tahimik na umupo ako sa upuan ko. May kung mga anong sinabi pa ang lalaking nasa harap bago tumayo si Atty. Ramos.
Habang nagsasalita si Atty. Ramos sa gilid ko wala sa sariling napadapo ang tingin ko sa kabilang direksyon sa likod at nakitang nakaupo sa panig nila Tyrion ang anak ko kasama ang nanny nito.
Hindi ito tumitingin sa akin kaya binalik ko na lang sa harap ang tingin ko.
I sighed heavily.
Hindi mawala-wala sa isip ko ang naging usapan nila ni Naveah no'ng nakaraang araw.
"I hate her. She's bad."
Sobrang sama ko talaga sa paningin ng sarili kong anak.
"Are you okay, Ms. Ravanera?" Napatingin ako sa abogado ko ng tanongin ako nito.
"Yes," I answered.
Itinuon ko ang atensyon ko sa harapan. Walang emosyon lang akong nakikinig sa mga sinasabi ni Angie sa harap. Hindi ko maiwasang mapairap habang nakikinig. Masyadong paawa na nakakairita na pakinggan.
Nang turn na ni Tyrion ay naglakad ang abogado ko sa harap at lumapit sa direksyon ni Tyrion na ngayo'y nakatitig sa akin.
"If I ask you a question Mr. Azucena please reply yes or no." Atty. Ramos seriously uttered.
Nagsimula na itong magtanong kay Tyrion ng ilang mga katanongan.
Tahimik lang ako sa kinauupuan ko.
"Pstt... Mommy!" Napalingon ako kay Naveah sa likod ng pasigaw na bulong ako nitong tinawag."What?" I asked my daughter.
May nginuso ito sa akin. Napatingin ako sa may pintuan ng courtroom at nakitang papalabas si Rowen kasama ang nanny nito. May isang lalaking naka suit ang gumagaya sa kanila palabas.I clenched my jaw. Tiningnan ko ang isang bodyguard ko sa isang sulok na inatasan kong bantayan si Rowen.
I nodded at him. Mabilis naman itong tumayo at bahagyang yumuko bago sinundan sila Rowen sa labas.Napatingin ako sa harap at tiningnan si Angie na nahuli kong nakatingin sa akin.
I raised an eyebrow.
Nag ring ang cellphone ko kaya kinuha ko ito mula sa bag ko. Binasa ko ang message pagkatapos ay binalik ko na ulit ito sa loob ng bag.
"No further questions Your Honor." My attorney said.
Bumalik na ito sa tabi ko at umupo.
Napaayos ako ng upo. Habang nagsasalita sila sa harapan nahulog ako sa malalim na pag iisip habang iniiisip ang kakabasa ko lang na message. Natapos nat lahat-lahat pero parang wala ako sa sarili ko. Pero kahit hindi man ako masyadong nakinig kanina sa harap. Alam kong maipapanalo ni Atty. Ramos ang kaso dahil malaki ang tiwala ko sa kanya. After all, he's one of the best lawyers in the country.Pagkalabas ko sa courtroom ay sandali muna kaming nag-usap ni Atty. Ramos bago ako nagtungo sa parking lot. Sumalubong ang isang bodyguard ko at binuksan nito ang itim na van.
"He's already inside, Madam."
Tumango ako at pumasok na sa loob ng van.Naabutan ko sa loob si Rowen na hikbi nang hikbi. Inosenteng tumingin sa akin si Naveah habang nakatakip sa dalawang tenga.

YOU ARE READING
MRS. AZUCENA
RomanceMarguerite Blythe Ravanera is already successful at the age of 28. Aside from being a businesswoman and a model, she's also a single mom. She is the former wife of Tyrion Nikhil Azucena, a powerful businessman. After years of being separated from he...