Nakarating ng matiwasay si Bea sa America at nagpatuloy sa pag aaral niya mag iisang buwan na siya doon. Di naman nakalimutan mag chat or mag videocall ni Bea Kay Jho sa Pilipinas pag may time siya.
Si Jho naman nagpatuloy sa pagtulong sa mga magulang niya sa bukid o di kaya sa mansion. Masaya naman siya sa relasyon nila ni Bea dahil kahit malayo sila sa isa't isa parang malapit na din dahil palagi silang nag uusap sa videocall at chat.
Tungkol naman kay Jema at Deanna simula na maging sila nag live in na silang dalawa dinala ni Deanna si Jema sa Manila para doon na mamalagi bumili ng condo si Deanna sa St Francis Shangri La para malapit ito sa company niya sa Ortigas. Pa minsan minsan umuwi din sila ng Batangas.
Bakasyon ngayon ni Jaja sa eskwela kaya pag walang trabaho may kasama na si Jho sa bahay.
Tulad ngayon si Jho at Jaja lang ang tao sa bahay dahil biglang sumama ang pakiramdam ni Jho nitong umaga kaya hindi na siya sinama ng mama niya sa mansion para maglaba at binilin nalang kay Jaja baka ano pa mangyari pag wala itong kasama sa bahay.
Habang naglalaro si Jaja ng candy crush sa cellphone ng ate niya..bigla siyang nagulat kasi bigla nalang tumayo ang ate niya patakbo diritso sa lababo agad naman itong sinundan ni Jaja.
Ate okay kalang ba masakit pa ba ang ulo mo?? Tanong ni Jaja na alalang alala sa ate niya habang hinihimas ang likod nito dahil sumusuka.
Ja, pakikuha ng maligamgam na tubig sa thermos nasusuka parin ako.
Ate kanina kapa suka ng suka wala namang lumalabas anong oras na magpa doctor ka nalang kaya?
Anong doctor sinasabi mo?? Mawawala lang to baka na acid lang ako.
Eh kasi ate di naman ganyan itsura mo sa tuwing umatake ang acid reflux mo. Tumingin ka nga sa salamin nangingitim ang ilalim ng mata mo tapos suka kapa ng suka. Baka dehydrated ka.
Hai nko huwag kang mag alala Ja mawawala to..matutulog lang ako.
Ate kanina kapa tulog ng tulog kumain ka muna mag alas onse na ng umaga di kapa nakakain ng almusal..may lugaw dito pinagluto kita. Saka kung ayaw mo naman mag prito ako ng tuyo..sandali ate relax kalang dyan.
Hinayaan nalang ni Jho na magluto ang kapatid niya habang siya naman ay bumalik ulit sa pagtulog.
Mga ilang minuto narinig na ni Jho na nagpiprito na si Jaja pero agad siyang tumayo...Janel! ano ba yang niluluto mo ang baho naman niyan..itapon mo nga Yan.
Ate naman mayaman kana ngayon?? Ayaw mo na ang amoy ng tuyo ito naman palage nating inuulam ah..Sabi mo pa nga masarap amoy..
Basta itapon mo nasusuka ako bilis..sigaw ni Jho.
Kumunot naman ang noo ni Jaja sa isip2x niya ano ba nangyayari kay ate? Nasapian ba ng anak mayaman bakit biglang umayaw sa tuyo? Ipapatapon pa niya?? Hello magagalit si papa at mama kaya ilagay ko nalang ito tupperware.
Pagkatapos ligpitin ni Jaja ang tuyo agad siyang pumunta sa hinihigaan ng ate niya. Tulog na tulog ito.
Dumating ang hapon at umuwi na din ang mga magulang nila pero si Jho tulog parin.
Di pa ba gumising ate mo hapon na ah.. Sabi ni Lovel habang nililigpit ang dalang ulam.
Nagising na yan kanina..alam mo ma nag prito ako ng tuyo akalain mo nagalit sa akin sinigawan ako mabaho daw...kailan ba yan naging mayaman ang anak niyo ma??
Binalewala naman ni Lovel ang sinabi ni Jaja saka tiningnan ang anak niya na mahimbing na natutulog agad niyang pinapakiramdaman kung may lagnat ito pero wala naman kaya hinayaan niya nalang matulog.
Nagising naman si Jho nong narinig niya ang cp niya na may notification ng chat.
Napangiti naman siya dahil may message si Bea.
Ng binuksan ito ni Jho at basahin
Im missing you badly love. Kamusta kana wala ata akong message buong gabi?
Napangiti naman si Jho at nag reply.
I miss you too love..Ang hirap pag wala ka..parang di ma kompleto araw ko pag di kita nakakasama. Sorry pag di ako naka chat sayo kagabe natulog akong maaga dahil siguro sa pagod.
Ilang minuto at nag reply naman ulit si Bea.
Sabi ko na sayo huwag ka ng magtrabaho may pera naman ako pwede kitang padalhan diyan para di kana magtrabaho.Akala ko naman nakalimutan mo na ako.☹️
Nag reply agad si Jho.
OA mo naman love minsan lang naman ito ewan ko ba bakit nitong mga araw ang bilis ko mairita saka di ko maiwasan ang umiyak pag naalala kita...tapos mabilis ako mapagod. Oo nga pala kamusta ang studies mo diyan love?
Reply ni Bea
Magpahinga ka muna love huwag ka munang magtrabaho sa susunod na araw bka himatayin kana naman tulad dati remember wala ako diyan. Konting tiis nalang love ga graduate na ako at makapiling na kita..Oo nga pala love baka madalang ako mag message sayo nextweek...may project kasi kami sa hospital sa Puerto Rico..so baka busy at di ako masyado makapag chat.
Agad namang umiba ang itsura ni Jho saka tumulo luha niya. Ano ba ang nangyayari sa akin di naman ako umiiyak dati pag nag tatravel si Bea at hindi makachat ng ilang weeks pero ngayon bakit parang ayaw ko na umalis siya? Pero para din to sa pangarap niya... nag okay naman si Jho.
Na miss na talaga kita love sana bumilis ang mga araw para graduation mo na at para makauwi kana dito..huwag kang mag alala love naintindihan naman kita pag di ka nag message importante sa akin mag ingat ka dyan kasi may naghihintay sayo dito sa Pinas.
Hinintay pa ni Jho Ang reply ni Bea pero isang oras na nakaraan wala na siyang natangap sa isip2x niya baka naging busy na.
Sa America naman:
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Bea saka may pumasok na babae.
Hi handsome!
Agad naman bumangon si Bea..saka napakunot ng noo..
Ba't ako nandito sa bahay ni Kiana???

YOU ARE READING
COLLIDE
Hayran KurguIt's like boomerang. Too much love Pain Hatred Sacrifices Too much love This is jhobea fanfiction . ps: Gip Bea Matured contents