56

2.6K 27 2
                                    

Pag baba ni Bea naabutan niyang nagluluto ang mama ni Jho si Jaja naman nasa kitchen table parang may ginagawang assignment. Binati ni Bea ang mag ina pero nang tumingin lang ang mga ito sa kanya nagulat naman si Jaja sa nakita.

Gulong-gulo ang buhok ni Bea at naka boxer lang ito mahaba ang t-shirt niya kaso baliktad saka pawis na pawis si Bea parang galing workout.

Awkward naman para kay Bea ang reaksiyon ng kapatid ni Jho habang ang mama niya tumingin lang kunti binati siya at bumalik sa pagluluto.

Ate Bhie, okay kalang po ba bakit parang pawis na pawis ka nag exercise ka ba saka ang gulo ng buhok mo nag away ba kayo ni ate?

Huh?? Aaah..ehhh..yeah nag exercise ako sa kwarto nagagalit ate mo eh ang taba ko daw..ehe..

Hindi ka naman mataba ah? Si ate talaga akala niya lang yun macho ka naman eh.

Sasagot pa sana si Bea ng tinanong siya ng mama ni Jho.

Bea, kamusta ang check up ni Jho?

Great naman Tita sabi ni Doc malusog naman si baby at healthy naman si Jho. Yun lang pinayuhan ako regarding hormones ni Jho.

Alagaan mo mabuti Bea ha panganay yang anak niyo at sakyan mo lang kung ano gusto ni Jhoana ganyan talaga pag naglilihi.

Yes po Tita kaya po doble ingat ako... Sabi ni Bea sabay smirk..doble ingat ka dyan ilang beses mo ng inararo yun. Tungkol naman sa cravings so far wala pa...di na natuloy ni Bea ang sasabihin ng marinig niya ang sigaw ni Jho.

Beatriz!!!! san ka!!! Ang tagal mo! sigaw ni Jho na parang naiinis.

Nagulat naman si Bea bakit bumaba si Jho kaya tumakbo siya agad2x baka pababa ng hagdan at madulas.

Nagulat naman si Lovel at Jaja sa kinilos ni Jho akalain mo nanigaw kay Bea first time nila narinig yun. Si Bea naman pagkadinig niya todo takbo agad parang takot na takot.

Naabutan ni Bea si Jho na pababa ng hagdan.

Love, ba't umalis ka ng kwarto di ba Sabi ko sayo dalhan kita ng pagkain dun..Sabi ni Bea habang inalalayan si Jho nakabihis na ito pantulog buti nalang nakatago ang mga hickeys ni Jho pinili talaga ni Bea san ilagay para di makita.

Pagkakita ni Jho kay Bea agad niya itong niyakap..kanina kapa dito eh..sino ba kinakausap mo bat ang tagal mo? pagmamaktol ni Jho.

Love wala pa akong 5mins dito at kinakausap ko si Tita at Jaja...nagugutom kana ba? sabi ni Bea habang niyakap ng mahigpit si Jho at hinahalikan sa ulo..hinaplos niya naman ang bump ni Jho gutom na din ang baby ni daddy? What do you want ba love?

Gusto ko kumain ng mangga na green pero matamis ayaw ko ng maasim..saka pickles na may mayo...Beatriz please...

What?? love malabo ako makahanap ng mangga na green na matamis.

Ayaw mo? Yan ang gusto ng anak mo ayaw mo? Sabihin mo di mo kami mahal Sabi ni Jho saka padabog na umalis...agad naman itong hinabol ni Bea dahil sa bilis ng lakad nito....dumiritso naman si Jho sa kusina at inabutan ang Ina at kapatid nagulat pa sila dahil umupo lang si Jho saka umiyak...tumingin ang dalawa kay Bea nagtatanong ang mata...Hindi na ito pinansin ni Bea agad siyang pumunta sa likod ni Jho at hinaplos ito.

Love, tahan na aalis na ako huwag kang mag alala hahanapin ko ang manggang hilaw na matamis saka may mayo naman tayo dyan peckles nalang ang bibilhin ko..tama na ha mahal ko kayo ni baby kaya bibilhin ko na yan.

Nagulat naman si Jaja sa request ng ate niya. Sa buong buhay niya ngayon niya lang ito nakita na nagkaganito parang spoiled brat lang?

Nako ate sobra ka naman panu hanapin ni ate Bhie ang manggang hilaw pero matamis meron ba yun?

Inirapan naman siya ng ate niya....eh yan gusto namin ng pamangkin mo may magagawa ka ba?

Bea gabi na umalis kana agad mag sasarado na ang mga tindahan..sabi ni Lovel at nag senyas ito na pasensiya na.

Ngumiti naman siya saka umakyat si para magbihis di niya alam na ganyan pala ka weird maglihi. Pagkatapos niyang magbihis bumaba siya para magpa alam saka umalis.

Alam ni Bea mahihirapan siya sa paghahanap sa Lipa ng manggang hilaw na matamis kaya tinawagan niya si Deana. Buti nalang tinuro agad ni Deanna san makabili dahil dun siya bumibili ng fruits para kay Jema sa Chinese market sa may Arangke.
Si Bea galing pang Lipa kung pupunta siya Manila baka abutan siya ng madaling araw sa pag uwi dahil sa traffic. Habang iniisip ni Bea kung anong gagawin agad naman nag ring ang phone niya. Si Jho tumatawag

Hello love?

Ate Bhie si Jaja ito..ate bilisan mo ha uwi ka kaagad si ate umiiyak.

Yes Ja uuwi ako agad nakahanap na ako kaso malayo pa ako dun. Di pa ba tumitigil sa kakaiyak ano daw sabi?

Pag lumagpas daw 11pm wala kapa ibig sabihin daw nambabae ka..ate Bhie ang weird ni ate di naman siya ganito. OA talaga.

Hayaan mo ng ate mo ganyang talaga pag buntis hormones. Sige na sabihan mo uuwi ako before that time. Pakisabi tumahan na ha..

Sige ate ingat opo ate bye.

Pag baba ni Bea ng phone agad niyang tiningnan ang oras 8:30pm na. Kailangan maghanap siya paraan para makabalik agad.

Tinawagan nalang ni Bea lahat ng connections niya sa Manila at pinapunta sa Binondo para ma order ang gusto ni Jho

Dahil marami namang kakilalang tsinoy ang kakilala ni Bea agad nito natunton ang store ng may ari nag order siya ng isang box ng manggang hilaw pero sure na matamis imported ito galing Yunan province sa China kaya napakamahal. Nagdagdag na rin ito ng 10 bottles pickles.

Pinayuhan naman ni Bea na magkita sila sa Mcdo papasok sa Laguna para di na makapunta si Bea sa Manila. Agad namang nag okay ang source niya. Mag 10pm ng makuha ni Bea ang order lahat2x nagastos niya ay 50k lang naman. Pero di niya iniisip ang pera mas importante sa kanya ang mag ina niya.

Dahil di naman traffic pabalik ng Lipa dumating si Bea ng bahay saktong 11pm nag parking pa siya at binaba ang mga dala 11:10pm na siya nakapasok sa pinto.

Pagbukas ni Bea ng pinto yun naman ang paglipad ng tsinelas papuntang pisngi niya.

Bakit ngayon kalang ha? Parang tigreng tanong ni Jho habang ang dalawang kamay nasa beywang...di mo ba alam na gabi na nag aalala ako sayo tapos ikaw nagpapakasarap kung saan?

Hinaplos naman ni Bea ang pisngi saka binaba ang mga dala at nilapitan si Jho.

I love you Jhoana ko alam mo namang hinanap ni daddy ang gusto ng baby natin kaya ito na may dala na ako..kaya huwag na angry sa akin love. I know naman miss mo lang ako kaya nagka ganyan ka.

COLLIDE Where stories live. Discover now