44

1.4K 24 3
                                    

Kinabukasan maaga pang pumunta ang mga Dy sa mansion ng mga Del Leon para ayusin at planunahan ang nalalapit na engagement party nina Bea at Kiana. Masayang masaya si Kiana sa nangyari halos di na siya umaalis sa tabi ni Bea at nag presenta pa ito na total engage na sila dun na siya titira sa mansion. Agad naman itong sinang ayunan ng mga Del Leon.

Tahimik naman na nakikinig lang si Bea. Napagusapan ng dalawang pamilya na sa nalalapit na fiesta ng Hacienda dun na nila e announce ang engagement ng dalawa.

Pagkatapos ng pag uusap nila agad na umuwi ang mga Dy para ihanda ang mga gamit ni Kiana na ihahatid sa mansion.

Si Bea naman pumunta sa ranch para kunin si Max at maglibot sa Hacienda.

Si Jho nasa bahay lang habang hinihintay ang pagbalik ng mga magulang niya na nagtrabaho saka si Jaja na nag aaral. Wala naman siyang ginagawa nagtutupi lang siya ng damit sa kwarto niya. Maya-maya may narinig siyang ingay sunod2x na tahol ng aso sa labas ibig sabihin may tao. Kaya sumilip naman siya sa bintana habang hinahaplos ang tyan nya at wala naman siyang nakikita yung aso tumatahol parin habang nakatingin sa bahay nila. Sa isip ni Jho baka may dumaan lang kaya agad siyang bumalik sa kusina pero paglingon niya laking gulat niyang makita si Bea nakatayo sa pintuan nila.

Nakatingin lang si Bea sa kanya mula ulo hanggang paa nakasuot si Jho ng sundress na kulay yellow at naka pusod ang buhok nito labas na labas Ang ganda ni Jho lalong lalo na Ang baby bump niya. Si Bea naman naka boots at pantalon na black saka naka white na polo porma ng anak mayaman. Matagal pa nagtinginan ang dalawa naputol lang ito nung magsalita si Jho.

Beatriz? A..anung ginagawa mo dito? Di ba kalari sayo ang sinabi mo na ayaw mo akong makita? Sabi ni Jho na parang nauutal

Tumaas naman ang isang kilay ni Bea..bakit? sa pag kakaalam ko pag mamay ari ko ang lupang ito kaya kahit saan ako pupunta pwede.

Napailing naman si Jho habang inaayos ang nalalaglag na buhok sa mukha.

Hindi yan ang ibig kong sabihin pwede ka naman kumatok bago ka pumasok sa bahay trespassing ginagawa mo. Sariling bahay ko din to.

Nakapasok na ba ako? Tingnan mo dito pa ako sa pinto. At saka di ko kasalanan na bukas ang pinto niyo. Mag isa kalang dito panu kung may masamang taong pumunta dito?

Tiningnan naman ni Jho ang paa ni Beatriz tama naman siya nasa labas pa siya nakatayo at bakit concern na concern si Bea Ngayon sa kanya na last na sabi nito ayaw siyang makita. Sa inis ni Jho tumaas ang boses niya.

Ano ba kailangan mo? Kung nandito ka para husgahan na naman ang pagkatao ko at e deny ng ilang beses ang anak mo please maawa ka umalis ka nalang. Wala ako sa mood para makipagtalo sayo. 

Di napansin ni Jho na pumasok na si Bea saka sinirado ang pinto agad itong lumapit sa kanya nagulat naman si Jho sa aksyon ni Bea.

Jhoana alam mong kahit anong galit ko sayo kahit anong muhi ko sa pagkatao mo dahil sa ginawa mo sa akin ikaw at ikaw parin dito sa puso ko. Bakit mo ginawang magtaksil sa akin? Tanong ni Bea habang tumutulo na ang mga luha.

Agad naman pinahid ni Jho ang luha niya..Beatriz ilang ulit ko bang sabihin sayo na hindi kita niloko kahit luluha pa ako ng dugo dito sa paulit ulit alam kong wala din itong marating kasi sarili mo lang pinapakingan mo. Nerespeto ko ang sinabi mong di ako magpapakita sayo kahit nasasaktan ako na magpakasal ka sa iba tatangapin ko kahit walang kilalanin na ama ang anak ko kakayanin ko dahil mahal kita Beatriz.

Nang marinig yun ni Bea agad niyang niyakap si Jho ng mahigpit. Alam mong mahal din kita Jhoana di ko kayang mapunta ka sa iba. I'm sorry sa mga sinabi ko nadala lang ako sa galit.

Beatriz umuwi kana...mas mabuti pang di na tayo magkita..please..

Jhoana kung ako ang ama ng baby mo sumama ka sa akin tatakas tayo. Sabi ni Bea habang hawak2x ng dalawang kamay niya ang pisngi ni Jho.

Hindi naman agad nakasagot si Jho umiyak nalang ito..

Bakit di ka makasagot?

Beatriz ayaw kung masira ang magandang samahan niyo ng pamilya mo ayaw kung tatakas nalang tayo pano ang pamilya ko alam kung papahirapan sila ng pamilya mo pag nalamang nagtanan tayo.

Napailing naman si Bea...nonsense ang lahat ng sinasabi mo Jho Hindi magagawa ng family ko ang ganyan... bigyan mo ako ng isang rason bakit ayaw mong sumama sa akin?

Beatriz...please ayaw kung pumili

Di kita pinapapili dahil ba.... kay Nico? Siya ba ang ama ng dinadala mo? Inis na tanong ni Bea.

Nagulat naman si Jho tama ang hinala niya na iba ang iisipin ni Bea.

Beatriz magkaibigan lang kami ni Nico at bakit ko ba to ene explain sayo e hindi naman tayo?

Huwag kang mag sinungaling sa akin Jhoana sinabi ni Nico sa harap ko na siya ang ama ng dinadala mo at hayaan ko na daw kayo sumaya.

Si Nico??? Beatriz nagkamali ka..wala kaming relasyon ni Nico...sa isip2x ni Jho kaya pala grabe ang galit ni Bea...bakit sinabi naman yun ni Nico??

Kung hindi si Nico ang ama bakit niya sinabi yun? Tanong ni Bea.

Hindi ko alam Beatriz wala akong alam di kami nag-uusap simula nung binasted ko siya last week. Napailing nalang si Jho dahil gulong gulo na siya.

Shit!! Si Bea naman napahilamos sa mukha. Bakit siya nagsinungaling sa akin?

Beatriz umuwi kana baka maabutan ka nila papa at mama alam mong galit sila sayo please umuwi kana.

Agad naman tiningnan ni Bea ang relo mag aalas 11 palang ng umaga.

Bumalik ang tingin niya kay Jho..kinuha niya ang dalawang palad nito saka hinalikan. Nakatingin lang si Jho sa ginawa ni Bea di na niya maintindihan si Bea minsan galit at minsan naman hindi, itatakwil siya tapos yayain na magtanan. Gulong gulo na si Jho. Naputol naman ang iniisip ni Jho ng magsalita si Bea.

Babalik ako para sayo Jhoana bukas babalik ako. Sabi ni Bea at agad na lumabas.

Natulala naman si Jho habang nakatingin sa bukas na pinto kung saan lumabas si Bea.


COLLIDE Where stories live. Discover now