Pagkatapos ng gulo bumalik na sa normal ang buhay nila ni Jho.
Balik aral, trabaho sa clinic at alaga kay Ben lang si Jho.
Si Bea bahay at clinic naman minsan pumupunta siya sa mansion kung pinapatawag ng daddy niya pag wala si Deth.
Pumupunta naman si Bea pag uwi may dala dalang pasalubong sa mag Ina niya lalong lalo na sa anak niya.Napag isipan naman ng mga kaibigan ni Bea na tulungan siya para mag propose kay Jho.
At napag disisyunan nilang ngayong gabi mag propose si Bea. Si Ben nandun naman sa mama ni Jho.
Naisipan kasi ni Bea na dalhin niya si Jho sa Tagaytay mag date muna sila pagkatapos kakain at saka mag propose.
Si Jho nagpa alam kanina kay Bea na mag kita2x daw sila ng mga classmates niya tapos babalik nalang daw sa clinic pagkatapos 3pm naman ang binigay na oras ni Jho kay Bea.
Dahil excited si Bea kahit may pasyente siya lagi siyang nakatingin sa relo parang nagmamadali sa oras saka ngiti ng ngiti
Ang happy mo naman ngayon Doc, sabi ng client ni Bea
Pansin mo ba? May date kasi kami ng girlfriend ko mamaya kaya parang na excite ako.
Ganon ba? Kaya pala abot tenga Ang ngiti mo. Enjoy po kayo Doc. Sabi naman ng client ni Bea
Salamat po. sagot naman ni Bea
Si Jho naman natapos na sila ng kaklase niya at nagyayaan na kumain sila sa mall. Pagkatapos kumain nagmamadali naman si Jho bumalik sa clinic dahil alam niyang mag alala si Bea pag di siya dumating sa tamang oras. Nagpara nalang si Jho ng tricycle para magpahatid sa clinic ayaw niya din kasi magpasundo baka may client si Bea.
Bago pa siya makakuha ng tricycle may sasakyan na huminto sa harap niya..pagbukas bintana ng sasakyan nakita niya agad si Nico na nakangiti.
Jho sakay kana saan ba punta mo hatid kita. Sabi ni Nico na nakangiti
Nang makita ni Jho si Nico parang bumalik lahat ang alala niya sa ginawa ni Nico kaya nag alinlangan siya isa pa ayaw ni Bea makipag-usap ulit siya kay Nico.
Ah..okay lang Nico may sundo ako pag sisinungaling ni Jho habang kumukuha ng cellphone at nag text kay Bea na nasa Sm Lipa pa siya naghihintay ng tricycle.
Natatakot ka ba sa akin Jho? Tanong ni Nico sabay sindi Ng sigarilyo humithit at pinakawalan ang usok sa harap ni Jho.
Nagulat naman si Jho sa ginawa ni Nico hindi ito ang Nico na nakilala niya non- smoker yun at hindi mayabang magsalita. Ibang iba ang ngayon.
Hindi sa natatakot ako sayo Nico ayaw ko lang ng gulo.
Ano bang gulo sinasabi mo paki klaro nga Jho.
Kung hindi ka takot ba't ayaw mo sumakay? Tingnan mo maayos na buhay ko ngayon, nakabili na ako ng sasakyan ng bahay may negosyo na din. Perfect na talaga ako maging husband to be mo Jho. Sabi ni Nico habang nakadungaw parin sa bintana. Siguro naman patas na kami ngayon ni Bea dahil yan naman gusto mo diba maka pagasawa ng mayaman kaya kahit di mo mahal si Bea pinatos mo nalang para maiahon ka sa kahirapan. Sabi ni Nico habang nakangisi. Tama ba?Sa clinic naman ni Bea mag 3:30 na Wala parin si Jho last text niya nasa Sm Lipa medyo malapit lang sa clinic ni Bea kaya nagdisisyon si Bea na sunduin niya nalang si Jho baka walang tricycle weekend pa naman.
Nico mabuti at gumanda ang buhay mo..deserve mo yan sana makahanap ka din ng babaeng magkagusto sayo at huwag na huwag mong maisali si Bea sa usapan natin dahil inosente si Bea at kung yan ang paningin mo sa akin na akala mo ginagamit ko lang si Bea bahala ka sa paniwalaan mo at end hindi naman nakaktulong ang opinyon mo.
Jho, alam mo nung una pa na ikaw lang ang gusto ko...nanligaw ako sayo for how many years pero di mo manlang sinuklian ang feelings ko...mas napansin mo pa si Bea kahit sa maikling panahon mo lang nakilala? Jho, mahirap na ngayon si Bea balita ko tinakwil na siya kaya dapat sa akin kayo sasama ng anak mo di ko kayo pababayaan.
Sumakay kana dito ang hirap naman na sa daan tayo nag uusap ng mga ganyang bagay...halika sakay na at makapagusap tayo sa loob ang init dyan..sabi ni NicoNico umalis kana walang saysay din ang pag uusap natin, pasensiya na pero..
Nagulat si Jho dali daling bumaba si Nico sa sakyan at hinawakan ang braso niya..mag uusap lang tayo Jho huwag kang mag alala di kita sasaktan.
Hindi sa ganon Nico...wala na tayong dapat pag usapan pa please bitawan mo ako di ako sasama sayo..Sabi ni Jho habang pilit na kinukuha ang kamay ni Nico sa braso niya.
Di mo ba alam na ako ang nagpadala ng package sa bahay niyo?
Anong package pinagsasabi mo? Nagtatakang tanong ni Jho
Tinago ba ng hayop na Bea na yun? Puro lahat yun gamit ng baby natin saka kung di mo rin alam lagi akong nakatingin sa inyo ng anak mo sa labas ng bahay niyo tuwing lumalabas kayo kung umaga.
Naalala naman ni Jho ang sasakyan na sinasabi ni Bea pero ang package di sinabi ni Bea yun...may reason naman si Bea bakit niya alam.
Nico sorry pero umalis kana....Sabi ni Jho sabay tulak kay Nico.
Si Bea naman nasa Sm Lipa na palibot2x pero di niya parin nakita si Jho..umikot siya ulit at dun niya nakita si Jho na hinahawakan ng lalaki.
Nanliit ang mata ni Bea..kaya pala meet sa kaklase ha...kailan mo pa ako niloloko jho..sa isip2x ni Bea pero hindi pa siya umalis at inobserbahan ang susunod na mangyayari.
Nico ano ba?? Tigilan mo na ako sigaw ni Jho at pilit kinukuha ang kamay dahil nahawakan na naman ulit ni Nico
Pero Jho mahal kita sabi naman ni Nico...na pilit yayakapin si Jho pero dahil nagpupumiglas si Jho hindi siya naging successful sa pagyakap dito.
Bitawan mo ang asawa ko! Sigaw ni Bea na lumapit...dumiritso ito sa likod ni Jho
Kung ayaw mo siyang bitawan alam mo na ang susunod na mangyayari.
Hmmm....Hanggang ngayon asungot ka talaga sa aming dalawa ni Jho. Sabi ni Nico at agad namang binitawan si Jho.
Pag bitaw ni Nico niyakap ni Jho si Bea.
Love, kanina pa sana ako kaso hinaharang niya ako..I'm sorry..sabi ni Jho
That's okay love lets talk later regarding that for now turuan ko muna ng leksyon ang isang to.
Ano pa ba ang kailangan mo Nico ayaw sayo ni Jho ilang beses ka bang pag sabihan?
Huwag kang magmalinis Bea lahat ng pinadala ko tinago mo kay Jho tapos sabihin mo ikaw bumili?
What?? What are you talking about? Pinadala mong relief goods sa anak ko? Pinabigay ko yun sa mga less fortunate salamat pala sa donation mo at para malaman mo di gumagamit ang baby ko ng cheap items baka mangati pa ang anak ko dun.
Natulala naman si Nico..napaka angas mo Bea hanggat buhay pa ako hinding hindi magiging sayo si Jho.
Dream on Nico....Sabi ni Bea saka inakbayan si Jho at tumalikod na sila.
Bang! Isang malakas na putok ang narinig ni Jho ng tumalikod sila ni Bea.
Pagtingin niya si Nico may hawak2x na baril at parang shock na shock sa ginawa...nanlaki naman ang mata ni Jho ng makita si Bea na unti unting natumba paluhod sa sahig habang sunod2x naman ang dugo na pumapatak sa sahig.
Love.... sambit lang ni Bea
Beatriz!!!!!!
YOU ARE READING
COLLIDE
FanfictionIt's like boomerang. Too much love Pain Hatred Sacrifices Too much love This is jhobea fanfiction . ps: Gip Bea Matured contents